A/N
Picture, courtesy of google.
Just to give you an idea of Drew's house.Chapter 11
Busog na busog ako. Parang hindi nako makatayo mula sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa batang tahimik na nakatitig sakin."What do you want to do next?" Tanong ko dito.
Wala pa rin itong imik. Nakaupo pa rin ito sa highchair. Nakatingin lang ito sakin. Mahahaba ang mga pilikmata nito. Napakagwapong bata pero hindi ko makita ang resemblance nila ni Drew. Mas kamukha nito ang babae na nasa malaking picture frame.
Meaning, mahina ang genes ni Drew.
Ngumiti si Zanty sakin. Nakalabas ang maliliit nitong ngipin. Mapuputi ito at halatang hindi pinapakain ng matatamis na pagkain.
"Pool Adiii!!" Nakangiting sigaw nito.
"You want to go to the pool?" Tanong ko dito at binuhat ito mula sa highchair.
Tumango ito at mukhang excited lumabas ng bahay. Ibinaba ko at hinawakan ito sa kamay. Naglakad lakad kami sa gilid ng pool.
Parang paradise talaga ang lugar na to. Sobrang ganda. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako ngayun.
Umupo ako sa upuan malapit sa pool at tinitingnan si Zanty na tuwang tuwa na tumatakbo. Napatingin ako sa gate nung may pumapasok na kotse. Kotse ni Drew. Bumalik na agad ito mula sa trabaho? Ang aga pa ah.
Huminto ang kotse at niluwa nito ang hot na hot na lalaki. Parang huminto ang mundo ko ng makita kong papalapit si Drew. Parang modelo ito sa mga hot na magazine. Nakashades pa ito at parang mapagkakamalan itong modern greek god. Oh my goodness! Kinikilig ako.
Napukaw ako mula sa imagination ko nung may narinig akong bumagsak sa pool. Kinabahan ako bigla at napatingin sa may bumagsak.
Oh my gosh!
Zanty!
Tumayo ako at tumakbo papunta sa bata na mukhang malulunod.
"What the hell Adriana!" Rinig kong sigaw ni Drew. Hindi ko na pinansin ang sinabi nito
at tumalon na ako sa tubig at hinapit ang bata.Mabuti nakuha ko ito agad. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na din si Drew.
"Are you okay kid?" Nag aalalang tanong nito sa bata. Nakalubog na din ito sa tubig.
Pero mukhang wala lang nangyari kay Zanty. Nakuha pa nitong ngumiti. "Yeth!" Sigaw nito.
Sobrang kinabahan ako dun, akala ko talaga may masama nang nangyari sa bata. Ako talaga ang may kasalanan kung nalunod ito.
Malandi kasi ako.
Tumingin sakin si Drew. Nakikita ko sa mga mata nito ang naghahalong inis at galit. Mas lalo itong gwumapo.
Magtigil ka Adriana. Malandi ka.
"I told you to watch over him. And what did you do?" Inis na tanong nito. Kinuha nito si Zanty mula sa pagkahawak ko at tumalikod para umalis mula sa tubig.
"I'm sorry! Kasalanan ko bang gwapo ka at..dggdhjkhdjjdgkjs"
Tinakpan ko agad ng kamay ko ang bibig ko.
What the, Adriana. Kung ano ano ang mga sinasabi mo! Mag isip ka nga bago magsalita.
Napatigil ito. Lumingon ito pero parang nawala na ang kanyang galit.
"What did you just say?" Nakakaloko ang ngiti sa mga labi nito.
Nakatakip parin ang kamay ko sa bibig ko. Umiling iling ako.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."