"Ate Adri, tama na yan. Ang ganda ganda mo na. Inlab na inlab na nga si kuya Brando sayo. Dadagdagan mo pa."
"Hoy Juno! manahimik ka. Importante ang araw na to. Matagal ko na tong pinaghahandaan at dito nakasalalay ang kinabukasan ko, pati baon mo sa school. At anong kuya Brando ang sinasabi mo jan ha. Kadiri ka! Tigilan mo nga ang pagsama sa lalaking yun. Nahahawaan ka na."
Nakakainis tong kapatid ko, kanina pa ako kinukulit, sabi na ngang kelangan ko magpaganda ngayun at bawal akong isturbohin, alas kwatro palang ng madaling araw gumising nako para dito. Yung Brando naman, yun ang pangalan ng siga dun sa kanto na naghahari harian dito sa barangay namin.
Kanina pa ako nakaharap sa salamin, mga dalawa at kalahating oras na. Masisisi niyo ba ako eh ito na ang first job interview ko sa isa sa mga pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas. Fresh graduate kasi ako. Kakapasa lang ng board. Kursong Pharmacy, mag aapply ako para sa isang pharmaceutical company, pangarap ko yun. Malaki sahud. Hehe. Kapos kami sa pera eh. Buti nga at nakapagtapos ako ng pag aaral at hindi ako nabuntis ng maaga. Pano? Eh wala nga akong naging boyfriend. Focus daw dapat. Kaya ito ako ngayun, magkakatrabaho na. :) wow. Confident. Pano ba naman eh nagpatahi pa ako kela aling Rosing ng damit. Puting damit ang pinatahi ko. It symbolizes Purity daw kasi. At dalawang linggo na akong nagpapractice ng isasagot ko sa mga posibleng itatanong ng HR.
Hindi kami ganun kayaman, pero lahat kaming magkakapatid ay nakakapag aral. Si Juno nga fourth year highschool na at ang kuya Joseph ko ay isa nang engineer , kaaalis niya lang ng Pilipinas, pumuntang Qatar, mas malaki daw kasi sweldo dun. Ako, dito lang ako sa Pilipinas, wala akong plano umalis ng bansa, walang maiiwan kay papa at Juno.
May vulcanising shop kami, maliit lang pero okay na rin kasi nabigyan naman kami ng magandang kurso sa kolehiyo. Napagkamalan nga akong tomboy ng iba eh. Pano ba naman, puro lalaki ang kasama ko. Wala na kasi ang nanay namin, namatay nung ipinanganak si Juno. Kaya ako lang ang babaeng nakasama ni Juno hanggang sa paglaki niya.
"Ate, pinapasabi pala
ni kuya Brando" nagulat ako nung magsalita ulit si Juno "Goodluck Adriana" ginagaya pa niya ang boses ng ugok sabay kindat. Ayy. Eww.Ngumiwi nalang ako at tumingin ulit sa salamin. Na iimpluwensyahan na talaga ng masamang espiritu itong kapatid ko. Naglagay ako ng lip balm. Yun na ang last step sa pagpapaganda ko. Okay naman ang kinalabasan, simpleng make up lang, hindi naman yung parang sasali ako sa Mister and Miss barangay.
"Aba, ikaw na ba yan Adriana, napakaganda naman ng anak ko, manang mana ka sa mama mo." Napangiti ako nung marinig ko ang papa. Nakatayo siya sa likod ko, tinitingnan nya ako sa salamin. Tumayo ako at humarap sa kanya at nagtatangkang yakapin siya "Wag mokong yakapin, baka madumihan ang damit mo, puro grasa ako" pag aatubili ni papa. "Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Musta na yung kotseng inaayos mo pa? Okay na ba yun? Pasensya na, hindi kita natulungan. Alam mo naman, pinaghahandaan ko talaga tong interview ko." Tumingin ako kay Juno na nakikinig sa usapan namin ng papa "Hoy bugwit, tulungan mo ang papa, hindi yung pagala gala ka dun sa kalsada. Nagmumukhang Brando ka na."
"Osya, tama na yan. Umalis ka na at baka malate ka sa interview mo. Alas onse yun diba? Alas nuebe na, magcocommute ka pa. Mag ingat sa daan, madaming snatcher." Paalala ni papa at naglakad na siya pabalik sa trabaho niya. Kinuha ko na ang bag at mga papeles na kelangan ko sa interview at nagmadaling umalis ng bahay. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa hintayan ng taxi.
"Umulan pala dito Mang Simon? Bat parang wala naman dun sa barangay at karatig na baranggay?" Tanong ko. Lahat ng tao sa barangay namin kilala ko, pati mga palaboy laboy dun sa kalye, kilala ko din. Maliban nalang siguro sa mga bagong panganak. Maliit lang naman kasi ang barangay San Isidro at dun nako pinanganak. "Oo, malakas ang ulan dito kagabi, kaya basa ang kalsada. Mag ingat ka. Puti pa naman yang damit mo." Nakatingin sa kalsadang sagot sakin ni Mang Simon. "Okay lang po yun, magttaxi din naman po ako" nakangiting sabi ko.Limang minuto na akong naghihintay ng taxi, pero wala pa din. Hindi naman traffic, baha nga lang sa kalsada, hindi naman umuulan, sumisikat na nga ang araw eh yun nga lang may natira pang tubig sa kalsada. Buti mejo elevated yung hintayan ng taxi kaya di umabot sa sandals ko yung tubig.
"Ayy natumba at nabuntis ang kabayong kalabaw!" Napasigaw ako nung maramdaman ko ang maduming tubig na sumaboy sa damit at mukha ko.
Napakuyom ang mga kamay ko at tumingin sa itim na kotse na biglang tumigil ilang metro mula sa kinatatayuan ko. Yumuko ako at nakita ang bato malapit sa paa ko. Wala sa isip na dinampot ko ang malaking bato at hinagis ko ng malakas sa likod ng itim na kotse. Napatingin ang mga tao sa tindi ng tunog ng pagkabasag ng rear windshield ng sasakyan. Halaa. Napalakas talaga ang pagbato ko.
Kitang kita kong bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang galit na galit na mukha ng may ari. Napasign of the cross ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."