Chapter 16

192 5 3
                                    

A/N
At dahil hindi ako makakapagsulat ngayung week, here's for you. Pinepressure kasi ako ng iba jan na ipublish na ito.(matamaan sana kayo. Just kidding! Love you!) I hope you'll enjoy this chapter. Mahaba haba din to.

Read, Vote, Comment, Enjoy!!! :)))

Chapter 16

"What's the meaning of this?"

Nagising ako sa boses ng babae. Nagulat ako nung makita ko ang position namin ni Drew. Nakayakap ang isang kamay nito sakin. Nakadikit ang mukha ko sa leeg nito. At nakapatong ang legs ko sa legs niya. Oh my gosh! Mukhang tulog parin ito. Kinurot ko ito ng malakas.

"Ouch! Fuck Adri!"

"What is this, Drew Anderson Villaraza? Care to explain what the hell is happening here?" Nagsalita ulit ang babae.

Sabay kaming lumingon sa babaeng nakatayo malapit sa pintuan. Lumaki ang mga mata ko. Mukhang nasa mid 50's ito pero nagtataglay pa rin ito ng kagandahan. Halatang pumupunta ito sa derma linggo linggo.Ang kinis ng balat. Walang wrinkles, maganda ang kutis. Mayaman ang aura. Kagalang galang ang tindig, ang sophisticated tingnan. At kahawig nito ang lalaking katabi ko na halos lumuwa ang mata nung makita ito.

Ano ba ang araw ngayun?

SABADO!! No. No. No!! Hindi maaari!

"Mom! You're here." Gulat na wika ni Drew. "I'm sorry I forgot. It's Saturday."

"And who's the girl beside you?" Seryosong tanong ng nanay ni Drew na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"She's Adriana. Mom, it's not what you think." Mabilis na sagot nito sa kanyang ina.

"We need to talk. Now." Seryosong saad nito at lumabas kaagad ng kwarto.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Halatang hindi ako gusto ng mama nito. Baka akala nito, past time lang ako ni Drew at baka iniisip nito ngayun na walang taste sa babae ang anak niya. Argh! Ano ba ang mga iniisip ko.

Ano naman pakialam ko sa sasabihin niya? Wala naman kaming relasyon ng anak niya.

"I'm sorry Adri, I forgot to tell you. And I forgot she's coming." Sabi nito at mabilis na nagsuot ng damit. "I'm going to talk to her. I'm really sorry." At lumabas na din ito ng kwarto.

Ano ang gagawin ko? Mukhang galit na galit ang ina ni Drew sa kanyang nadatnan. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang galit na nakita ko sa mga mata nito. Oo, galit siya sa nakita niya. Pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit sa akin. Sa akin mismo. Hindi dahil sa nadatnan niya. Kundi sa akin talaga. Wala naman akong maalalang pangyayari na nagtagpo ang mga landas namin. Hindi ko siya matandaan. Hindi ko pa siya nakikita. Siguro ganito talaga ang mga mata nito.

Bahala siya sa buhay niya. I don't care!

Naligo ako at nagbihis. Pinatuyo ko sa harap ng aircon ang aking buhok. Wala kasi akong blower. Itinali ko ang buhok ko pataas at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.

Pangit ba ako? Bakit ayaw sakin ng mama ni Drew?

Tsk. Sabi ngang wag ko na siyang isipin. Hindi ko naman boyfriend si Drew kaya wala akong rason para kabahan.

Lumabas ako ng kwarto at nagdesisyon na pumuntang kitchen. Nagugutom ako, kailangan ko kumain. Pababa na ako ng hagdan nung narinig ko ang boses ng babae. Mahina ito pero naririnig ko ang mga sinasabi nito.

"I can't believe you slept with a Saavedra! You knew what they did to your sister."

"She's not a Saavedra mom. She's Adriana Cruz."

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon