Chapter 12

4K 116 3
                                    

" Look at the bright side."

Halos lahat iyon ang kanilang pag kumbinsi sa sarili nang makarating sa Isla.

" Sa kabilang cottage lang ako, Lavin."

Paalam ni Nikko sa kanya matapos nitong ilapag ang kanyang mga gamit sa cottage na inuokupa nila.

" Sige bye, Nikko. Salamat."

Sabi niya at naupo sa papag na kawayan. Ang kanyang mga kasama na kaibigan ay nakatingin sa kanya kaya tinaasan niya nang kilay.

" What?"

" Mukhang sa ating lahat ikaw ang mag e enjoy."

Komento ni Ava sa kanya na halata na masama ang loob.

" I don't mind being here!"

Sabi naman ni Csezah na napatingin kami sa kanya.

" Bakit ka pala nandito? Wala ka naman sa bridal shower?"

Tanong niya sa dalaga na noong kasal lang nila nakita. Matagal itong namalagi sa Spain.

" Hm, to do some reflections? Soul searching?"

Patanong nitong sagot at humiga sa kawayang papag.

" Isipin na lang natin na nasa bakasyon tayo, ganun na lang. Maganda naman ang tanawin at sariwa ang hangin."

Dumipa at suminghot pa nang hangin si Scarlet. Tulad niya may kasama din itong bodyguard.

" Yeah, maganda nga ang tanawin."

Sang ayon ni, Ava, na nakatingin sa dalampasigan, at sumulyap sa kanya.

" Di ba Lavin?"

Tanong nito kaya tumingin siya sa tabing dagat at naglalakad si Nikko na naka topless showing his masculinity. It is indeed a good view, pero umiwas siya nang tingin nang sumulyap sa kanya si Nikko.

" Ewan ko sa iyo Ava."

Tumayo siya at tumabi kay Csezah sa kawayang papag. Hindi naman nagtagal tinawag sila para kumain.

Ganun na lang ang galak nila nang makita ang nakahanda.

" Wow! Fresh seafood."

" Kain lang kayo. Sana magustuhan ninyo ang aming ini handa."

Matapos nilang magpasalamat sa mga nanduon ay magana silang kumain.

Saglit lang sila nag siesta sa kanilang kubo nang muli may sumundo sa kanila para sa island hopping.

" Careful Lavin."

Sabi ni Nikko na nakaalalay sa kanya na sumakay sa bangkang de motor.Alam niya ang sulyap nang mga kasama pero hinayaan na lang niya.

Si Csezah ang parang naging official na photographer nang kanilang grupo. Bilib siya sa hilig nitong kumuha nang litrato.

" Bagay kayo ni Nikko."

Sabi nito habang nakatingin sa larawan na kinunan nito. Mahina lang tumawa si Nikko, pero kumislap ang mga mata nito nang lumingon sa kanya.

Mabuti na lang nakarating na sila sa fish pen na nasa gitna nang dagat kaya doon napunta ang atensyon nang lahat.

"You did a great job, Iris."

Sabi nila dito nang manghuli ito nang bangus dahil pumayag na din ang bantay. Hindi naman nagpatalo si Csezah na sinubukan din manghuli.

Boss Series 5: The boss one nightstand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon