Dumaan ang mga araw na wala siyang naging balita sa kalagayan ni Nikko. Hanggang maging buwan. Dahil din sa kanyang pag bubuntis nag sama sama na ang kanyang alalahanin.
" Umiiyak ka na naman."
Agad niyang pinahid ang kanyang mga luha at hinarap ang kapatid na may dalang mga prutas.
" Terry, I need to know what happened to Nikko."
Sabi niya sa kapatid, hindi mapatid ang pag tulo nang kanyang mga luha kapag nababanggit niya si Nikko.
Nagpawala nang malalim na hininga si Terry at kinuha ang cellphone sa bulsa nang suot na walking shorts. Matapos ang ilang saglit ay inabot sa kanya.
" I managed to get some info from my friends who happened to be friends of Nikko's sister."
Sa nanginginig na mga kamay ay binasa niya iyon. Nanghihina siyang napa upo sa kama.
" Oh, God! Still suffering?"
Tumulo ang kanyang luha sa kalagayan ni Nikko. Wala pa din itong malay habang naka kabit sa ventilator.
" Yeah, still in a comatose state. And they might remove him from life support. It's been two months already."
At napahagulhol siya nang iyak, sa sinabi nang kapatid.
" Ate, this is the reason kaya ayaw namin magkaroon ka nang balita kay Nikko. You should think about your situation. Paano si baby? Paano ang anak ninyo ni Nikko?"
Napahawak siya sa impis na mga tiyan. Lumapit naman at niyakap siya nang kapatid.
"Alagaan mong mabuti ang iyong pagbubuntis. And think that Nikko is just on vacation abroad. You have to be strong ate Lav."
Sige pa din ang kanyang iyak hanggang makaramdam siya nang pananakit nang puson.
" What's wrong?"
Naalarma si Terry nang makita ang kanyang pag ngiwi sa sakit.
" Ahh, masakit ang tiyan ko, Terry."
Agad siyang sinuri ng kapatid at pareho silang nanlaki ang mata nang makita ang pag agos nang dugo sa kanyang mga hita.
" No, no, no."
Sobrang takot niya sa posibleng mangyari. Hindi na niya kakayanin kung pati ang anak nila ni Nikko ay mawawala din.
" Daddy!! Mommy!!"
Sigaw ni Terry at mabilis na dumating naman ang mga magulang.
" What happened?"
Humahangos na tanong nang kanilang ama. At agad na lumapit sa kanya.
" Oh god."
Agad siyang binuhat nang kanyang ama.
" Sa helipad tayo, Terence."
Sabi nang kanyang ina na nauna nang lumabas. Ang kanilang rooftop ay may helipad kung saan naka himpil ang kanilang private Mercedes Benz style helicopter.
Kaya ilang minuto lang nasa hospital na sila at agad na inasikaso nang mga doctor. Sinunod niya ang bilin nang ama na tatagan niya ang kanyang loob.
She has to be strong para sa anak nila ni Nikko.
" Kumusta doc ang baby?"
Naririnig niyang tanong nang kanyang ina.
" Mabuti naagapan, she might be really stressed. Pero mahina ang kapit nang baby, kailangan niya nang complete bed rest hanggang matapos niya ang second trimester."
BINABASA MO ANG
Boss Series 5: The boss one nightstand
RomanceLavinia Tyra Cervantes Buenavista- she's boss in the entertainment industry. One of the owners of a talent agency that produces world acclaimed talents, from singers, actors, actresses, and models. She's surrounded by good-looking men, never fall f...