" I think i have to go. Biglang sumakit ang ulo ko."
Madilim ang mukha ni Nikko na agad na nagpaalam. Nagka tinginan na lang sila habang sinusundan ito nang tingin.
Bago ito tumalikod ilang saglit itong nakatingin kay Travis at nagpalipat lipat sa kanila. Hindi din nito maitago ang galit.
Kumalma lang ito dahil hinawakan ito ni Hailey sa mga braso. Para naman itong nagising at agad na nagpaalam.
Pagtalikod ni Nikko hindi na niya pinigilan ang pagpatak nang mga luha.
" C'mon Ate Lav, you have to endure it. Think of Nikolai."
Pag alo ni Terry sa kanya ay agad siyang niyakap.
" I'm sorry, Miss Lara. If Tyler did not come in your way.."
Hindi itinuloy ni Travis ang sasabihin, muli itong humingi nang tawad bago nagpaalam din sa kanila.
" I want to go home, Terry."
Sabi niya at pinahid ang mga luha,inalalayan naman siya ni Terry at umalis na din sila sa lugar na iyon.
" Are you okay Ate Lav? Gusto mo samahan kita matulog dito?"
Puno nang pag aalala na tanong ni Terry sa kanya pagpasok niya nang kanyang silid.
" Okay lang ako,bunso. Salamat, pero gusto kong mapag isa."
Sabi niya sa kapatid na walang nagawa kundi iwan siyang mag isa. Muling tumulo ang kanyang luha nang mapag solo siyan
.Masakit na may kasamang ibang babae si Nikko. Parang hindi niya kayang mawalan nang ama ang kanyang anak.
Lumaban si Nikko upang mabuhay at kahit hindi siya naalala ang nararamdaman sa kanya nang binata ay hindi nawawala. Sapat na ang nakita niyang galit nang makita nito na hawak siya nang iba. At sobra siyang nasasaktan na may babae ditong humahalik.
" I will get your daddy back, Nikolai."
Mahina niyang sabi habang hinahaplos ang tiyan.Pangako niya sa sarili na gagawa siya nang paraan para maalala siyang muli nang binata.
Kinabukasan hindi makapaniwala si Terry sa kakaiba niyang sigla.
" You seems happy, Lavin."
Kahit ang kanyang ama ay puna sa kanya.
" Ayaw ko naman Dad na nakabusangot si Nikolai paglabas."
Sabi niya lang at maganang kumain nang agahan. Habang si Terry ay maang na nakatingin sa kanya.
Matapos kumain agad siyang dinala ni Terry sa hardin.
" I can feel it ate Lav, merong kang pina plano."
Agad nitong sabi sa kanya. At hindi siya tumanggi dahil kailangan niya ang tulong nito.
" Yeah, I'm planning to get Nikko back in my life. Ayaw kong mawalan nang ama ang anak ko."
Mahina niyang sabi habang nakatingin sa kapatid na humihingi nang suporta.
" How will you do that? Meron na siyang girlfriend. And i heard from his sister, they're planning the marriage soon."
" Hindi ako papayag!"
Agad niyang sabi sa madiin na boses.
" Paano nga? Hindi ka niya maalala? O baka hindi ka na niya maalala kahit kailan."
Parang frustrated na sabi ni Terry, alam niya takot ito sa plano niya at magiging epekto sa anak niya.
" He cares for me Terry, nararamdaman ko na I still have space in his heart."
Hindi nagsalita ang kapatid dahil alam niya na naniniwala ito sa sinabi niya.
" Kailangan ko lang na maalala niya ako."
Pag asam niya.
" Hindi iyon magugustuhan nang pamilya niya, ate Lav.At sina daddy they will be disappointed.."
" Paano si Nikolai? Ha? He deserve a father . Ang gusto ko lang makilala ako ni Nikko. At pag naka alala siya at hindi kami ang piliin niya , I will give up on him. Hindi mo ba naisip Terry? He came back because he knew from his heart na merong naghihintay sa kanya."
Saglit na natigilan si Terry at maya maya ay tumaas ang mga palad tanda nang pag suko.
" Fine, how can i help you?"
Humarap siya sa kapatid at hinawakan sa mga braso.
" Wala kang sasabihin kina daddy.Okay? Secret natin ito. I have to do this for Nikolai."
" For Nikolai?"
Kunot noo na sabi ni Terry.
" Fine! Ayaw kong mawala si Nikko sa akin, Terry. Mahal ko siya."
Pag amin niya dito, at niyakap siya nang kapatid at hinagod ang kanyang likod.
" I know, para ka ding patay nang akala mo wala na si Nikko. I want my old Ate Lavin full of life and happiness came back to us."
" Salamat Terry, naiintindihan mo ako. Ask your assistant to send me the whereabouts of Nikko."
" Mag stalker ka?"
" Call it that way, I don't mind. Pero kailangan makausap ko siya, he asked me question na hindi ko na naman nasagot."
Bigla siyang nakadama nang panghihinayang sa pagkakataon na iyon. Dapat pala sinabi na niya ang totoo kay Nikko.
" Okay lang kayo?"
Halos mapatalon siya sa gulat sa pag sulpot ni Sebastian sa kanilang gilid.
" Damn you, Sean. Bakit ka nanggugulat? Baka mapa anak ako nang di oras!"
Sigaw niya sa kapatid na seryoso nakatingin sa kanila. Hindi niya alam kung matagal na itong nakikinig.
" Para kayong bubuyog na bulong nang bulong."
Sabi nito at naupo sa lounge chair habang nakatingin pa din sa kanya.
" We're talking about Travis. We saw him sa party ni Logan yesterday."
Sebastian snorted when he heard the name of his old bodyguard.
" Don't trust Travis."
Pareho silang napa maang sa kapatid.
" Nikko didn't die bakit sa palagay mo mamatay kapatid niya? He might just hide his brother para hindi managot sa nangyari."
" Where are your thoughts coming from Sebastian?"
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nang kapatid at maaring may posibilidad.
" If i were you Lavin, stay away from Travis."
Nagkatinginan lang sila ni Terry walang lumabas sa kanilang bibig.
" Huwag mo na din abalahin ang sarili mo sa lalaki na nakalimutan ka."
" Bitter!"
Sabay nilang sabi ni Terry kay Sebastian pero wala itong reaksiyon.
" Let's go inside, ate Lav."
Pagyaya ni Terry sa kanya at iniwan nila si Sebastian sa pool side.
" What do you think?"
Tanong niya sa kapatid habang papasok sila sa kabahayan.
" About your plan?"
Umiling si Lavin na malalim ang iniisip.
" Sa sinabi ni Sebastian, paano kung buhay pa si Tyler. Kung paanong nabuhay din si Nikko. He had brain injury kaya na coma si Nikko but falling from the that cliff might not cause death to a healthy man. Mabalian nang buto pwede pa."
" Stop worrying ate Lav."
Pag sansala ni Terry sa kanya pero alam niya na kahit ito napaisip sa sinabi ni Sebastian.
BINABASA MO ANG
Boss Series 5: The boss one nightstand
Storie d'amoreLavinia Tyra Cervantes Buenavista- she's boss in the entertainment industry. One of the owners of a talent agency that produces world acclaimed talents, from singers, actors, actresses, and models. She's surrounded by good-looking men, never fall f...