Chapter 23

3.6K 98 6
                                    

" My God ate Lav. Ano ang pumasok sa isip mo at lumabas ka mag isa?"

Nakapameywang ito sa kanya habang pinapagalitan siya. Naupo siya sa sofa sa opisina niya na ito muna ang gumagamit.

" Tinawag mo pa akong ate, kung maka sermon ka tinalo mo pa si mommy."

Sabi niya at pumikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa headrest.

" Are you okay? Masakit ba ang tiyan mo?"

Tanong ni Terry at nilapitan siya, hinawakan ang kanyang tiyan kung humihilab.

" Ito ang masakit, Terry."

Sabay hawak sa kanyang dibdib sa tapat nang puso. Kunot noo naman ang kapatid niya sa kanya.

" I saw Nikko."

Sabi niya dito na malungkot.

" What?!"

Gulat na tanong ni, Terry, na hindi makapaniwala.

" Pero hindi niya ako maalala."

Sumbong niya sa kapatid na hindi maitago ang sama nang loob. Nag aalala iyong yumakap sa kanya.

" I don't know what to say, ate Lav."

" Yeah, kahit ako hindi ako makapaniwala. Pero dapat magpasalamat ako na buhay siya."

Pilit niyang pag papagaan sa sarili.

" Tama, it's better you think it that way."

Sabi ni Terry at kumawala sa pagkakayakap sa kanya ay sinilip siya.Pilit na pinapagaan ang kanyang kalooban.

" At once na makaalala siya, ikaw ang una niyang pupuntahan."

Umiling siya at pinigilan na pumatak ang mga luha.

" I don't think so, Terry. Meron daw siyang girlfriend na ipinakilala nang pamilya niya. I'm scared one of this day baka magpakasal na siya at tuluyan na akong mawala sa buhay niya, kami nang anak ko."

Saglit na natigilan ang kapatid sa kanyang sinabi.

" Mahal mo siya talaga ano?"

Maya maya ay tanong nito.

" Sobra, at hindi ko na yata kayang magmamahal muli. When I think of love siya lang ang naiisip ko."

" Don't stress yourself too much ate Lav. Alam mo naman maselan ang pagbubuntis mo."

Agad na sasansala ng kapatid sa kanya. Bahagya pang tinapik ang kanyang mga balikat.

" I will send you home ate Lav. Let's decorate Nikolai's nursery room."

Pagyaya ni Terry sa kanya at hindi na siya tumanggi nang hawakan siya nito sa kamay palabas nang opisina nito.

Hindi siya iniwan ni Terry nang mga sumunod na mga araw. Inabala siya nito sa pag aayos nang nursery nang kanyang magiging anak.

" Get dressed ate Lav."

Masaya nitong sabi pagpasok sa kanyang silid.

" Why?"

Tinatamad niyang tanong habang abala siya mag ayos nang mga gamit nang anak sa baby bag na dadalhin niya pag manganganak na siya.

" It's Logan's birthday. Ate Czes, sent me a message. Baka gusto mo maki birthday? Matagal ka din hindi nakaka attend nang party."

Pag kumbinsi sa kanya nang kapatid.

" C'mon Terry, I'm not in the position para maki party. I can't smell cigarette bawal din akong magpuyat."

Boss Series 5: The boss one nightstand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon