" Ate Lavin, ready ka na ba?"
Sumungaw sa pinto si Terry at sinilip siya.
" Terry, tama ba na mag celebrate tayo nang one-month ni Nik? Hindi pa din magaling si Nikko.Di ba dapat puntahan ko siya bago ang lahat? Kami ni Nikky? It might help him to recover."
Tuluyan nang pumasok si Terry sa loob nang kanyang silid.
" If you want to travel Nikky, mas mainam na i
pa bless mo siya sa one-month celebration na gagawin natin sa kanya."Kinunutan niya ito nang noo.
" Duh! me paniniwala na ganun ang matatanda. Kahit itanong mo kay Manang Laura."
Ang tinutukoy nito ay ang kanilang pinaka may edad na kasambahay.
" Just arrange our travel okay? "
Sabi niya habang naglalagay nang make-up.
" Sure, ako na ang bahala."
Sabi ni Terry na sinipat siya.
" Hmm, not bad. Kahit stress ka ay hindi ka halatang mommy na."
"Thanks, Terry, pero hindi pa din ako komportable na mag pa party na hindi pa nagigising si Nikko."
Muling pag babalik niya sa paksa na pilit binabaling nang kapatid sa iba.
" We will record everything para paggising niya mapanood niya. Bilisan mo na diyan. Mauna na kami sa venue."
Nagmamadali itong lumabas sa kanyang kwarto, napailing na lang siya sa literal na pag iwas nito.
Habang naglalagay nang lipstick iniisip pa din niya bakit siya pumayag sa one month party na ito para sa kanyang anak. Noong una ay tigas siyang tumanggi pero nang hingin niya ang opinyon nang ina ni Nikko ay pumayag ito. Hindi daw sasama ang kanilang loob kahit mag pa party siya kahit nasa comatose state pa din si Nikko. Stable naman daw ang vital signs nito, hindi pa lang nagigising. Nagsabi pa ang mga ito na mag attend sa party kung may pagkakataon.
" Oh Logan, why are you here?"
Tanong niya sa pinsan pagbaba niya nang hagdan.
" I'm your bodyguard today."
Sabi nito na malapad na nakangiti.
" How's the brat?"
Aniya na nakangiti. Ang alam niya ang presidential daughter na pasaway ang binabantayan nito ngayon.
" Hmm, still brat."
Sagot nito na may kislap sa mga mata.Humawak siya sa braso nito at lumabas na sila nang bahay. Ang kanyang anak ay si Terry ang nag dala kasama nang dalawa nitong yaya.
" What is this?"
Tanong niya nang paglabas nang bahay anim pa na bodyguard ang nagkatayo doon.
" To make sure nothing will go south this time."
Sabi ni Logan at pinagbuksan siya nang pinto nang sasakyan. Nagtataka man ay sumunod na lang siya sa pinsan.
Sa isang malawak na mango orchard ang destinasyon nila.
" We're here!"
Anunsyo ni Logan at bumaba nang sasakyan, pinagbuksan siya muli ng pinto. Inilahad niya ang palad at hinawakan siya ni Logan. Si Nikko agad ang kanyang naisip nang makita ang puno nang mangga. Sa pagkakataon na ito halos hindi niya mabilang ang puno sa dami noon.
Iginala niya ang paningin sa paligid pero natigil iyon nang may maglagay sa kanya nang blindfold.
" C'mon, what is this?"
BINABASA MO ANG
Boss Series 5: The boss one nightstand
RomanceLavinia Tyra Cervantes Buenavista- she's boss in the entertainment industry. One of the owners of a talent agency that produces world acclaimed talents, from singers, actors, actresses, and models. She's surrounded by good-looking men, never fall f...