Chapter 13

3.9K 113 2
                                    

" I'm glad Csezah is not in our team, or else we will be captured in her DSLR lens."

Sabi niya kay Nikko na inaalalayan siya sa paglalakad sa pilapil. Kung si Ava at Csezah ay sa fishpond napunta sila naman ay sa farm.

At sa araw na iyon mag harvest sila nang mais.

" I wonder if they have mango orchard here."

Sabi ni Nikko sa kanya kaya nilingon niya ito. At hindi siya nagkamali, he is smiling from ear to ear.

" Mangoes make you this happy huh?"

" Yeah, it's very close in my heart. It makes me
smile, Love. I can't help it."

Hindi pa din nawawala ang ngiti nito sa labi, bahagya pa siyang kinindatan.

"Paano kung sa puno naman nang niyog natin maisipan gawin iyon?"

Sabi niya at tiningala pa ang nagtataasan na puno nang niyog.

" Magiging paborito ko na ang ginataan."

" Paborito mo ang ginataan iho? Sabihan ko magluto mamaya."

Singit nang taga isla na kasama nila, hindi nila alam na nasa likuran na nila.

" Maraming salamat po, nay."

Sabi ni Nikko, hinawakan siya sa kamay at umagapay sa paglalakad sa kanilang mga kasama. Habang mahina silang tumatawa.

Pero nang magsimula na sila sa gawaing bukid hindi na nila magawa kahit ngumiti.

" Oh god, look at my hands!"

Parang nahihindik na sabi ni Czesta habang nakatingin sa kamay nito, pati ang nail polish ay ininspeksyon.

" Mag audition ako for Binibini."

Sabi pa nito at umupo sa kawayan na upuan na naliliman nang isang malaking puno nang mangga.

"Akala ko ba you will continue your studies abroad."

Sabi niya at tinabihan ito.

" Mama wanted it but I want to stay here."

Sagot nito, hindi naman nagtagal at tinawag na sila para sa pananghalian. At hindi napigilan ni Nikko ang matawa na meron ngang ginataan.

" Subukan mo iyan iho."

Alok nang naghahain kay Nikko na hindi naman tinanggihan nang binata.

" Ginataan na labong na may hipon."

Nakangiti na sabi nang nag aasikaso sa kanila, sinilip niya iyon. It's bamboo shoots.

" You want to try Lavin?"

Alok ni Nikko sa kanya pero umiling siya.

"Para sa iyo iyan, kasi paborito mo iyan."

She gave him a fake smile.

" I will make sure magiging paborito ko ito Lavin."

Tiningnan siya nito na me determinasyon.

"Nope, not in coconut tree or any tree at all!"

Tumaas pa ang kanyang kilay dito, pero hindi nawala ang ngiti nito sa mga labi. Wala naman pakialam ang kanilang kasama dahil sa unang pagkakataon nang buhay nila nag trabaho sila at napawisan na hindi ang gym ang dahilan.

" Damn! Sana all!"

Sigaw ni Iris na umalingawngaw sa bukirin.

"Sana all!"

Segunda din nang iba, pauwi na sila ay hindi pumayag si Nikko na hindi siya I piggyback dahil sa pagod na na nakita sa kanyang mukha.

" She's my boss."

Sabi lang ni Nikko at nagsimula na itong humakbang pauwi sa kanilang tinutuluyan na kubo.

" Thank you, Nikko. I'm dead tired."

Hindi na niya pinansin ang tukso sa kaniya, sobrang siyang pagod na parang hindi na niya kayang lumakad.

Ibinaba lang siya ni Nikko nang makarating sa kanilang kubo.

" Just sit here, I will get you water."

Sabi nito at muling lumabas sa bahay kubo. Isinandal niya ang ulo sa pawid na dingding at pumikit. Paano siya tatagal nang isang buwan?

" Dia! Habang magpapakasarap ka heto kami."

Mangiyak ngiyak na sabi ni Czesta. Halos hindi na makapasok sa loob.

" Ikaw pa ang nagbigay nang accommodation sa highland resort."

Sabi ni Scarlet na hindi maipinta ang mukha sa matinding pagod.

" Kayo naman ni Iris ang nag escort sa kanya. We should have not agreed with Ava!"

Paghihimutok nang mga ito. Noon naman bumalik si Nikko na me dalang mga bottled water.

" Drinks girls."

Alok nito at isa isang inaabot sa mga ito ang tubig.

" Thanks, Nikko."

Pasasalamat nang mga ito at straight na uminom, parang uhaw na uhaw.

" Here, Love. Take this."

Inabot sa kanya ang bote nang mineral water na ito na ang nagbukas.

"Thank you, I want to take a bath Nikko. Feels like I smell like hell."

Aniya na biglang siyang umusog nang tumabi ito.

" Buhat kita kanina, you smell nice Lavin. Don't worry."

Sabi ni Nikko kaya hindi na siya lumayo nang tuluyan itong tumabi sa kanya nang upo. Sumandal ang kanilang ulo sa sandalan nang upuan na gawa sa kawayan.

" I'm so tired Nikko, but I can't sleep if I will
not take bath."

Himutok niya dito hindi niya inaasahan ang pagkabig nito sa kanyang ulo upang ihiga sa mga hita nito.

" There, just take a nap first bago ka maligo."

Hinaplos haplos nito ang kanyang buhok na alam niya malagkit dahil sa pawis.

" Pawisan ako at nanlalagkit."

Sabi niya na akmang tatayo, pero pinigilan siya nang binata.

" I don't mind, Love. Stay and closed your eyes."

Hindi na siya nagpilit dahil pumikit din ang mga mata nito upang sandali na magpahinga.

Hanggang makatulog siyang naka unan sa hita nito. Hindi niya alam kung marahil sa pagod o dahil kay Nikko na kanyang naging unan kahit hindi malambot na kama ay nakatulog siya nang mahimbing.

Naalimpungatan siya sa marahan na pag haplos sa kanyang pisngi.

" Sorry to wake you up, beautiful. Pero nakahanda na ang ating dinner."

Nakangiti na mukha ni Nikko ang bumungad sa kanya pagmulat nang kanyang mga mata.

" Where are they?"

Aniya nang lumingon sa loob nang kubo at wala siyang makita na kahit isa sa mga kasama.

" Andun na sila, tayo na lang naiwan."

Sagot ni Nikko at inalalayan siyang bumangon.

" You can walk or you want me to carry you?"

Tanong nito nang makatayo siya, hindi niya napigilan ang hawakan ito sa mukha at bigyan ito nang matamis na ngiti.

" You're so sweet Nikko. Pero hindi magbabago ang isip ko, sa birthday ko ibibigay ang sagot ko sa iyo."

Tumayo na din ito at inakbayan siya habang palabas sila nang kubo.

" I will wait, Love. Ganito lang talaga ako sa iyo. My instinct to protect you, care for you, and love you ay hindi mawawala sa akin. Tayo o hindi pa tayo."

Nag uumapaw ang kanyang puso sa matatamis na salita nang binata, tulad nang matamis nitong mga halik na panakaw nilang ginagawa.

Boss Series 5: The boss one nightstand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon