Chapter 3

4.9K 136 1
                                    

" Beautiful!"

Tumirik ang mata niya dahil sa sinabi nito at sa paghagod sa kanya ng tingin.

" Let's go."

Sabi niya dito. At humakbang na siya sa me pinto, narinig pa niya ang pag papaalam nito kay Tito Tim na pababa ng hagdan.

" Tito, we'll go ahead na po."

" Ingat kayo."

Narinig niyang sabi ng kayang tiyuhin kaya nilingon niya ito.

" Bye, tito Tim."

Kumaway siya dito na tinanguan naman.

" Enjoy Lav. And be safe."

Bilin nito.

" If something happens to me tito. Blame him and hunt him down."

Sabi niya habang itinuturo si Nikko.Natawa naman ang binata sa sinabi niya.

" Sure, I will take the blame and responsibility."

Sabi nito pagkatapos ay lumapit na sa kanya. Naglakad siya ng mabilis dahil ayaw niyang magkalapit sila. Pero sadya yatang mahahaba ang binti nito at madali itong naka agapay sa kanya.

" Thank you at sumama ka. Kahit alam kong napipilitan ka lang."

Sabi nito sa kanya.

" Mabuti alam mo. Ayaw kong sabihan na kill joy ako. At isa pa meron akong gamit sa iyo na gusto kong makuha."

Angil niya dito.

" Akin na iyon, love. Hindi mo na iyon makukuha."

May pinalidad nitong sabi.

" At ano naman gagawin mo doon? Ipalalaminate?"

Ngumisi ito sa sinabi niya.

" Itatabi ko sa pagtulog."

May kislap sa mga matang sabi nito. Papalubog na ang araw, pero malinaw sa kanya ang kasiyahan nito sa pakikipag usap sa kanya.

"  Ang sabihin mo, you're just collecting undies."

Naka ismid niyang sabi dito.

" I'm not underwear fanatics, to begin with, para mangolekta niyon."

Pinipigil nito ang paghalakhak.

" You collect undies sa mga naging babae mo until it will be enough para ipagawa mong kumot!"

Malakas itong tumawa sa kanyang sinabi, siguro nag languyan palayo ang mga isda sa bahaging iyon ng pampang dahil sa ingay nito.

Kung hindi lang siya napapahiya sa sarili, aaminin niya na isa ito sa pinaka gwapong lalaki na nakita niya.

" I'd love to do that, gaano ba kadami ang panty mo? So far I only have one panty I'm keeping and that's your Coco de Mer bikini."

Napalunok siya ng laway, dahil titig na titig ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin at tinuon ang pansin sa maliit na speed boat na nakadaong.

" I'm hungry. Punta na tayo sa yacht mo."

Pag iiba niya ng usapan.

" Okay, let's go."

Inalalayan siya nito makasakay sa speed boat. At ito na rin ang nagpatakbo noon papunta sa yate nito na nasa gitna ng dagat.

Hindi niya akalain na isa pala iyong luxury yacht ng makalapit sila. So this man is also rich!

Muli siya nitong ilalayan ng makalapit ang speed boat sa lower deck. Pag baba nila naririnig na niya ang malakas na musika.

Boss Series 5: The boss one nightstand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon