Chapter 24

3.6K 128 0
                                    

" Hi, Lavin."

Muntik na matapon ang watermelon juice na kanyang iniinom nang may humawak sa kanyang balikat.

" I'm sorry, maingay kasi dito hindi mo ako narinig. I've been calling you."

Hingi nito nang paumanhin at tinabihan siya sa settee na para sa dalawahan.

" Who's with you?"

Tanong nito sa kanya na sumulyap sa kanyang tiyan.

" My sister."

Maikli niyang sagot, dahil hindi niya maipaliwanag ang kislap nang mata nito habang nakatingin sa kanyang tiyan.

" How about you?"

Tanong niya nang hindi ito mag salita salitan lang itong sumusulyap sa kanyang tiyan at sa kanyang mukha.

" Oh, my sister also. And Hailey the girl I told you about."

Tumango siya at lumingon trying to hide the pain in her eyes na agad na kanyang nadama.

" Actually, I won't be long. Hindi nga dapat ako nandito, pinilit lang ako ni Terry."

Sabi niya at pilit na ngumiti kay Nikko.

" Yeah right!Hindi makakabuti sa kalagayan mo ang pagpupuyat."

Ilang sandali na namayani sa kanila ang katahimikan nakatingin lang siya sa mga bisita na napapagawi sa kanilang pwesto.

" Amm, anything you want? Food or drinks?"

Maya maya ay alok ni Nikko sa kanya.

" No, it's okay, busog na ako. Ikaw, di ba dapat nasa lower deck ka nandun ang kasiyahan?"

" No alcohol for me, I came here for a weird reason."

At napakamot ito sa batok habang iniiwas ang tingin sa kanya.

" Weird reason?"

Tumaas ang kanyang kilay sa inakto nito na parang nahihiya.

" Don't laugh at me."

Sabi ni Nikko na sunod sunod naman na umiling siya.

" Maybe I can found someone who can tell me why I am pond of mangoes. I don't know the connection but from fruit to trees it makes me smile."

Maang lang na napatingin si Lavin sa binata. Dalhin kaya niya ito sa mango orchard nang Tito Tim niya?

" Am, na katulong ba ang pag punta mo dito?"

Sa halip tanong niya dito, agad naman na sumeryoso si Nikko. Nagpawala ito nang malalim na buntong hininga.

" I think Logan knew me. But he did not say anything, except I approached him daw para maging member nang elite security agency niya. That is weird also, kasi sabi nang family ko I'm managing our supermarket in New York after I retired being US marine."

Mahaba nitong kwento. At sobra siyang nalungkot na itinago nang pamilya nito ang totoong nangyari. Pero hindi din naman niya masisi ang pamilya nito, wala ang mga itong alam sa relasyon nila ni Nikko. At isa lang ang alam niya, siya ang sinisisi na dahilan sa naging kalagayan nito.

" I'm glad you did not forget Hailey, your girlfriend?"

Aniya na ngumiti sa binata kahit na pilit.

Boss Series 5: The boss one nightstand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon