Part 9 - Please Be Clear

3.4K 52 4
                                    

SIMULA nung nangyari kahapon ay parang buwang na si Bry. Nakangiti parin ito hanggang ngayon. At iyon ang pinagtakhan ni Mark. Pero para ky Mark ayaw na niyang usisain ito dahil baka masaktan lamang ito.

"Halika kana, ganda. Meryenda tayo",mula sa binabasang libro sabi niya. Nginitian siya nito. And it feels great when he saw that smile.

Tumayo sila at tinungo ang canteen. Nang makaabot dun ay naghanap sila nang mauupoan. Naiwan si Bry dun at siya naman ang bumili nang kakainin nila.

Pumila siya. At nang maka order bumalik agad siya kung saan niya iniwan si Bry. Pagkakita pa lang niya dito ay biglang nagsalubong ang mga mata niya sa nakita.

Anong ginagawa nang lalaking ito sa dun? At ang lalagkit nang mga tingin nila sa isa't isa. At nakaramdam siya nang panibugho. Napatigil siya sa paglakad at nagkubli sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Halatang masaya si Bry. Tawa-tawa ito habang si Anthony naman ay panay ang patawa sa bestfriend niya. Naiinis siya sa tanawing iyon. Napahigpit ang hawak niya sa mga pagkaing binili at huminga nang malalim.

No, Please be calm Mark. You dont have to. Remember your words? Mark whispered.

Ilang sandali ay tinungo niya ang mga ito.

PAGKAALIS NI MARK ay huminga nang malalim si Bry. Yes he was so happy at di niya iyon maipaliwanag. Because when they meet anthony yesterday naging masaya na siya it's because anthony say that he missed him.

Ang haba nang hair niya. Kahit "I missed you" lang na sentence pero ang laking impact na yun sa kanya. Talagang buong sestime niyay naapektuhan dahil dun.

Habang hinihintay si Mark ay inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng canteen. May hinahanap siya. Na miss na niya agad ito. Kasi ang gusto niya ay araw araw na makita ito dahil ito lamang ang pumupuno sa nang kaligayahan niya.

"Looking for someone?"

Nagulat siya nang marinig ang tinig na iyon na nag pabilis ng tibok sa puso niya. At dahan-dahan niyang tiningnan ito.

Ang nakangiting mukha ni Anthony ang nakita niya. Napangiti na rin siya at kahit hindi niya ito inayang umupo ay umupo ito sa tabi niya. He smell his scent. Ang bango talaga nito.

"Musta na?",tanong nito sa kanya nang tinitigan siya nang matiim. Para bang binabasa ang nasa isipan niya at nate tense siya sa mga pinaggagawa nito.

"O-okay lang naman ako. I-ikaw?",nasabi niya at nagyuko nang ulo. Kinakabahan siya nang di mawari.

"Okay lang naman dahil nakita na rin kita,"anito at umuyos nang upo.

Hindi na lamang siya kumibo at kinuha ang cellphone. Pero inagaw nito ang cellphone niya na pinagtakhan niya. Nangunot ang noo niya.

"Pag kasama mo ako. Ang atensyon mo ay nasa akin lamang,"sabi nito sa kanya.

Napaamang siya. Ano bang pinagsasabi nito sa kanya? He act like his Boyfriend? Gusto niyang magsaya dahil dun.

"Naiintindihan mo ba ako?",tanong nito sa kanya.

Napatango na lamang siya. Wala siyang masabi. At lihim siyang napangiti dahil dun. At nag open ito nang mga nakakatawang kwento kaya yung tense na kanina ay nadama niya'y biglang naglaho.

Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon