ANG bilis nang araw. Parang kailan lang ay naranasan niya ang pait na sinapit sa pag ibig niya kay Anthony at ngayo'y rehearsal na nila sa kanilang graduation day.
Nalalapit na iyon. Kahit na malungkot ang puso niyay pinilit niya pa ring makipag usap sa mga ka klase niya. Patay ngiti lamang siya at tango.
Si Mark? Hindi niya nakita simula pa nung umaga. Kailangan pa naman niya ito sa ngayon dahil nagdadalamhati parin ang puso niya. Pero hindi niya ito mahagilap. Nakakalungkot mang isipin na nawalan siya nang Bestfriend nang dahil dun.
Ipinilig niya ang ulo at ipinikit iyon. Nasa Gymnasium sila ngayon at nag pa praktis. Lahat nang ka klase niya ay excited pero siya ay hindi niya makuha iyon. Pilit man niyang ngumiti sa mga ito ay alam niyang hindi iyon abot sa mga mata niya.
Ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niyang papasok si Anthony. Biglang napako ang tingin niya dito. Kita niyang may hinahanap ito. He looks stress. Tila ba wala itong tulog. Pati ang Uniform nitoy hindi pa nakuhang plantsahan.
Napakunot tuloy ang noo niya. Biglang napako ang tingin nito sa kanya. Nakita niyang papalapit ito sa kanya kaya nag iwas siya nang tingin. Biglang nanakit ang dibdib niya nang maalala ang nangyari nung nagdaang gabi.
Tatalikod sana siya nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya. Lihim siyang napasinghap.
"Bry..",he whispered. That voice coming from him was like a thunder to him. He feel uneasy. Bakit ganito sa kabila nang mga nangyari ay ramdam pa niyang na miss niya ito. At higit sa lahat ay mahal pa niya ito.
And he hated that feeling. Tama na iyong pagkatanga niya. Ayaw na niyang umulit pa.
Tiningnan niya ito nang walang emosyon. At kitang kita niya ang paghihirap nang mukha nito. Nilabanan niya ang kanyang damdamin na wag magpadala dito.
"Bry.. please lets talk",anas nito sa kanya.
Ilang beses niya na ba itong iniiwasan? Ang dami na ah, naging matigas na siya. Kahit aminin man niya sa sarili na maging siya ay nasasaktan din sa pinaggagawa niya pero kailangan eh. Ang sakit sakit kasi. Nawindang ang kanyang puso.
"Nag uusap na tayo,"aniya sa malamig na tono. Ayaw niyang ipakita dito na nasasaktan parin siya. Tama na iyong nakita siyang umiyak sa harap nito.
"Not here",anito na pinisil ang braso niya.
Iwinaksi niya ang kamay nito at nag kibit balikat. "At bakit? Gusto mo ba nang private?",aniya na tiningnan ito mula paa hanggang ulo.
"Bry, please",
Tumango siya. Hindi siya makapalag dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila at ayaw niya nang dagdag isyu. Kahit gustuhin man niyang pumalag ay hindi niya magawa.
Dinala siya nito sa madalang lamang ang mga estudyante na dumadaan. Sa may manggahan kung saan makakatago sila dun. Bigla siyang kinabahan.
"Anthony, hindi ko gusto dito---",
Bigla siyang napatigil sa pagsalita nang yakapin siya nito nang mahigpit. Napasinghap siya.
"Ano ba Anthony!",pagpupumiglas niya. Pero ang higpit nang yakap nito sa kanya.
"I miss you, Bry..",bulong nito sa tainga niya na nagpatindig nang balahibo niya.
Biglang nanlambot ang mga tuhod niya sa narinig.
Bry please dont ever believe sa lahat nang mga pinagsasabi niya.. please ani sa kanyang isipan.
Naramdaman na lamang niya na lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Napikit siya. Why he respond to his kiss? bakit?
Bigla niya itong itinulak at tiningnan nang matalim.
"Hinding hindi muna ako mapapaikot pa! Kaya please lang layuan muna ako!",sigaw niya dito. Puno nang pait ang boses niya. Gusto niyang ilabas lahat nang mga sakit na nadarama niya.
Tinitigan lamang siya nito kaya nag patuloy siya.
"Akala ko okay na ang lahat. Akala ko kahit hindi mo pa sabihin sakin na mahal mo ako, dahil nag re rely ako sa salitang action speaks louder than words. Yun palay pinaikot mo lang ako. Alam mo ba gusto kitang isumpa! You are my first! Ikaw ang nagparamdam sakin kung paano ang magmahal pero ano? Anong ginawa mo!",aniya. Hindi na niya napigilan pang mapaluha.
Wala na siyang pakialam pa. Gusto niyang mailabas ang lahat.
"Bry let me explain ---",
"Explain what ? Wala nang dapat pang ipaliwanag Anthony. Enough is enough. Ayaw ko na! Nasasaktan na ako! Kaya please lang stop doing this! Ang sakit sakit na kasi",hilam sa luha niyang sabi dito.
Akma siya nitong lapitan pero itinaas niya ang kamay. "Dont come near me, Anthony. Napopoot ako sayo!",
"Bry.. Come back to me please! Ayaw kong ganito tayo. Ayaw kong nakikita kang ganyan. It kills me! Bry---"
"Will you shut up! Hinding hindi na ako maniniwala sayo! AT kahit kailan hinding hindi kita mapapatawad!!"at tumalikod siya dito.
"Bry!",pinigilan siya nito. Hinawakan nito ang braso niya. Pero nagpupumiglas siya.
"Dont ever touch me again!",at sinampal niya ito. Tila nagulat ito sa ganiwa niya.
"Yan ang dapat sayo! Kulang pa nga niyan sa sakit na dinanas ko sayo!",at nag walk siya.
Naiwang napaawang ang mga labi ni Anthony sa kanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
Storie d'amoreBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...