Part 8 - I miss you

3.3K 61 4
                                    

OO alam niyang haggard siya ngayon. Kulang sa tulog ang beauty. Pangit, bad hair day pa. At walang kuryente ke umaga pa. Ganito talaga sa Gensan.  Alas sais pa lang eh brown out na? Naiinis na nga siya eh.

Sinabayan pa na wala silang ipong tubig. Dahil pag walang kuryente sa lugar nila wala ring tubig. Nakasimangot na nga siya sa umagang ito. Hindi rin siya pinatulog ni Mark. Dahil sa sinabi nito kagabi.

Ano bang nakain nito at nasabi nito sa kanya iyon. He doesnt know that he was so intense at that moment when he whisper it to him? Ano ba ang dapat niyang gagawin dito? Pero naisip niya rin naman na baka nanaginip lang ito kaya ganun ang nasabi nito.

Pero it was clear what Mark said to him. Klarong- klaro iyon at dinig na dinig niya. Binalikan niya sa silid si Mark na sa ngayon ay hindi pa gising. Ang sarap nang tulog nang mokong ah. At may pangiti ngiti pa.

Parang nanaginip ito nang maganda. Tumalikod siya at pumunta sa banyo. Naiinis parin siya dahil walang tubig. Kaya lumabas siya at pumunta sa kabilang kalye. Doon may poso. Dala ang balde ay tinungo niya iyon.

Buti na lang at walang katao tao dito dahil nga tulog pa ang mga kapitbahay nila. Pero paglagay niya nang balde ay may biglang sumingit. Napasimangot siya. Kainis to ah.

"Ako ang nauna",sabi niya dito nang nakasimangot.

"Nagmamadali ako, bakla",anito na hindi tumitingin sa kanya.

Makinis at maputi ang balat nang mokong na ito ah. Halatang mayaman. At nagpoposo? Gusto niyang matawa dito. Dahil halatang hindi sanay gumamit nang puso.

"Parang tanga",mahinang sabi niya pero nakaabot parin ito sa pandinig nang lalaki.

Naningkit ang mga mata nitong tiningnan siya. Take note, Head to foot siyang tiningnan na tila siya ay hinuhubaran. At gusto niyang mapayakap sa sarili. That gaze was trying to rape him.

"Kala mo sinong maganda",sabi nito at nagpatuloy sa ginagawa.

Tiningnan na lamang niya ito at pinigilang mainis. Dahil ayaw niyang maging pangit papunta sa school. Gusto niyang matingnan siya nang mga kaklase niya na blooming.

"Matunaw ako sa mga titig mo bakla",narinig niyang sabi nito na hindi parin siya tinitingnan.

"Kapal mo",aniya at umirap dito kahit hindi ito nakatingin.

"Alam ko namang gwapo ako. Kaya wag kang magpahalata na gusto mo ako. Bahala ka, walang gamot diyan",anito at tiningnan siya nito sabay ngiti.

Napaamang na lamang siya. Yes he admit it. Guwapo nga ito. Chinito, pareho din ito kay Anthony na may dimple sa magkabilang pisngi. Pero ang hangin nang hunghang na to ah.

"Oh ke umaga pa nakanganga kana? Gusto mo linis tubo?",tila nang iinis ito sa kanya. At nagdagdag pa.

"Tara sama tayo sa bahay tutal umaga pa naman tulog pa sila tita dun. Lika na",anito na akmang lalapita siya.

Nagpupuyos sa galit na tiningnan niya ito.

"What do you think of me?",aniya. He was trying to emphasize every word that he said. "Hindi ako gaya nang iniisip mo! Bastos !", at walang lingun likod siyang umalis sa harapan nito.

Napaka kapal nang mukha! Akala mo kung sinong gwapo! Naiinis na naglakad siya pabalik sa bahay nila na walang dalang tubig.

HANGGANG ngayon ay hindi parin umaapaw ang inis na nadarama niya. Na pinagtakhan ni Mark. Kunot noong tiningnan siya nito.

"Problema mo, ganda?",tanong nito matapos lunukin ang kinakain.

Kasalukuyang nag aalmusal sila. Nauna nang nag almusal ang kanyang mama at papa at pumunta na sa kanya kanyang trabaho. Kaya sila na lamang ang naiwan sa bahay nila. Absent na sila sa unang subject nila kaya naisipan nilang sa hapon na lang pumasok.

"H-Ha?",nagtatakang sabi niya dito at tumingin kay Mark.

"Parang wala ka sa sarili na kumakain ah",puno nito sa kanya.

"H-hindi ah, ang sarap kaya nang ulam natin ngayon",aniya na binilisan ang kain. Ayaw niyang makahalata ito sa kanya. At ayaw din niyang sabihin dito na may nakaingkwentro siyang hambog na lalaki sa kabilang kalye. Hirap na.

Nang dahil sa bilis niyang pagkain at dere deretso niya iyong nilunok sa hindi inaasahang pangyayari ay nabilaukan siya.

"T-tubig!",aniya na nahihirapang huminga.

Agad naman siyang binigyan nang tubig nito.

"Iyan kasi eh,"naiiling na sabi nito pero nakangiti naman. Hindi na lang ito kumibo at nag patuloy sa pagkain.

Habang siya naman ay nahimasmasan na at ipinagpatuloy ang pagkain. Mamayang tanghali na lang siya maliligo at gustong gusto na niyang makita si Anthony ngayon. Hindi man niya maamin ay namiss na niya ito nang sobra.

kumusta na kaya ang lokong 'yun, isip niya.

PILIT MANG itago sa mukha ni Bry na nami miss na niya nang sobra si Anthony. He missed his scent. He missed his body. He missed his Handsome face. He missed everything about Anthony. Hindi na talaga siya mapakali.

Gaya nga ngayon hinahanap hanap na niya ito. Yes it is. He was dying to see his face. Inilinga niya ang paningin sa kabuuan nang field. At natanaw niya si Mark na naglalaro nang basketball sa may court. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong jersey.

No wonder kung bakit ang daming mga nakatingala dito. Ma babae man o mapa bakla. Eh sa totoong gwapo nga ito. At malakas din ang appeal.

Napangiti siya nang kumaway ito sa kanya. Gumanti din siya. Inilinga niya ulit sa ibang dereksyon ang kanyang paningin. Halos lahat nang mga estudyante ay busy sa kanya kanyang mga gawain.

May iba na nag lalaro nang tennis, volleyball at badminton habang siyay kahit ni isa ay wala siyang sinalihang sports. Eh sa ayaw niya eh. At higit sa lahat ay hindi siya fun sa mga ganoon. Ang kanya lang ay ang mag babad sa computer o di kaya'y manoon nang mga foreign movies.

"Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda, Bry", A baritone voice made his heart jump.

Oh how He missed that voice. Parang almost a decade na niyang hindi narinig ang boses na iyon. Dahan dahan siyang luminga sa likuran niya.

Ang maaliwalas at Guwapong mukha ni Anthony ang tumambad sa kanya. God knows how he miss that face. That face who almost killed him for not showing around this past few days.

Wala siyang makuhang salita. Basta nakatingin lamang siya dito. Ngumiti ito sa kanya. And he feels something in his system run so fast. Napakurap siya.

"Titigan mo na lang ba ako diyan?",nakangiting tanong nito sa kanya. At umupo sa tabi niya.

He smell his scent. Namiss niya rin iyon.

"H-ha?",ang tanging nasabi na lamang niya dito.

Napasinghap siya nang hawakan nito ang mga kamay niya. Ang init nang dulot nun ay nagpakilig sa kanyang katawan. What this guy doing anyway ? Hindi ba nito alam na natataranta na siya?

"I miss you, terrible. My precious",anito na tinitigan ang mga mata niya nang matiim. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. He was totally speechless.

Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon