DITO nga natulog si Bry sa bahay ni Anthony. Tabi sila. But no touch muna. Ewan ba niya bakit hindi siya ginalaw ni Anthony panay lamang ang pagkikiliti nito sa kanya. At panay bulong nang, "Akin ka lang ha?".
Kinikilig siya sa isiping inaangkin siya ni Anthony. Hindi niya mawari bakit ganito ang impact tuwing pinapakilig siya ni Anthony. Hindi siya makakapag isip nang matino.
Kinaumagahan, sabado. Hinatid siya nito sa bahay nila. Nagpaalam naman agad si Anthony na uuwi dahil may aasikasuhin.
"Salamat, Anthon",nakangiting sabi niya.
"Walang ano man. Basta ikakasaya mo",kumindat pa ito sa kanya.
Pinamulahan siya nang mukha. "Loko ka talaga!",sabi niya at pabirong hinampas ito sa braso.
"Cute mo talaga!",pinisil nito ang ilong niya at nag paalam.
Nang mawala ito sa paningin niya ay sinara niya agad ang pinto.
"Mukhang napapadalas na atah ang labas niyo ah", muntikan na siyang matumba dahil sa gulat.
"Ano ka ba ! Bakit ba nang gugulat ka?",sita niya kay Mark.
"Mukhang nag kakaigihan na kayo ah",parang nagseselos itong si Mark basi sa tono nang boses nito.
"Ah..",wala siyang makuhang isagot dito. "Bakit ka nga pala narito? Ang aga ah",pag iiba niya.
Bumuntong hininga ito. At tiningnan siya. Parang binabasa nito ang isipan niya at naiilang siya.
"Kagabi pa ako dito. Kasi hindi ka man lang nag text sa akin kung nasaan ka. Dito na lang ako natulog habang hinihintay ka",sabi nito kapagkuwan.
Para namang nakunsyensya siya dahil dun. Oo nga pala sabi nito na e text niya ito pagnakauwi na siya pero hindi niya nagawa. Dahil nga busy siya kay Anthony. Napayuko na lamang siya.
"Sorry. Lowbat rin kasi ako eh",pag dedeny niya. At nag iwas nang tingin.
Bumuntong hininga ulit ito. "Sige uuwi na ako. Nagpasabi pala sila Tita na pumunta sila sa Davao at bukas pa ang uwi. At ibinilin ka sa akin. Babalik lang ako sandali kukuha ako nang damit",anito na hindi siya tinitingnan. Nakaramdam siya nang awa dito.
"M-mark!..",paanas na sabi niya. Nilingun siya nito. Ngumiti pero halatang pilit.
"Dont worry babalik ako",sabi nito kapagkuwan at tumalikod.
Ano kaba Bry! Wala ka bang kunsyensya? Ni txt ay hindi mo nagawa at nagsinungaling kapa sa kanya? Nakakahiya kang bestfriend!, naisip niya.
"Babawi lang ako mamaya sayo, Mark",aniya kahit wala na ito.
Kaya pagkaalis nito ay nagluto siya. Tutal wala naman ang Nanay at Tatay niya. Siya na lamang ang gagawa. Lulutuan niya si Mark sa paborito nitong pagkain.
Kahit na nga trying hard Chief siya ay kakayanin niya para makabawi lang dito. Lulutuan niya ito nang lumpiang shanghai. Hope na masarap ang maging resulta.
On time naman na dumating si Mark ay luto na ang mga niluto niya.
"Ang bango niyan ah!",sabi nito nang makita siya sa kusina. Nginitian lamang niya ito.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
RomanceBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...