NAPAKAMOT nang ulo si Anthony. Galing siya sa restaurant nitong hotel ay biglang nawala ang anak niya. Bumalik naman ang pagiging lakwatsera nito. Embis na mainis ay naaliw na lang siya dito. Nakasanayan na rin naman niya na ganun ito.
"Bell, Si Shaira?",tanung niya sa babysitter dito.
"Nasa Cr po siya, sir",simpleng saad nang matanda sa kanya. Maging ito rin ay kilalang kilala nito ang anak niya.
Matapos kasing mamatay ang asawa niya'y naging regular na ito sa kanila. At naging malapit na rin ito sa kanila. Lola nga ang tawag nang anak niya dito.
Nung umalis kasi si Bry 8 years ago. At talagang depressed siya nun. Oo inaamin niya na kasalan niya. Pero hindi siya binigyan nang pagkakataong mag paliwanag dito. Gusto niyang mag paliwanig dito at mag kaayus sila.
Nang maalala iyon ay bigla siyang nakaramdam nang lungkot. Namiss niya si Bry. Hindi na rin niya alam kung saan ito ngayon. Pumunta rin siya sa bahay nito pero sabi nang inay niya'y nasa manila na ito at doon na mag aral.
Hinanap niya ito dun pero ganun parin. Hindi na mahagilap ito. Hanggang sa manila na rin siya nag aral at unti unting nakalimutan niya si Bry at dun nakita niya si Mary.
Si Mary ay isang anak mayaman na naging kaibigan niya. Isa itong modern woman na vocal sa damdamin nito. Hayagang sinasabi nito na mahal siya nito. Pero hindi niya magawang mahalin ang isang tulad nito dahil nga hindi niya gusto ang isang spoiled brat yun bang she wants she gets.
Kaya minabuti niyang layuan ito pero talagang interesado ito sa kanya. Kaya gumawa ito nang paraan na ikinagulat niya. Pinikot siya nito. Yes totoo, ayaw man niyang aminin na natukso siya dito. Kaya nung may nangyari sa kanila at nag sabi ito na buntis ito at siya ang ama ay wala siyang nagawa kundi ang pakasalan ito kahit na nga 3rd year college pa siya.
Pero nung mag tapos siya sa kanyang kursong BSBA ay kinasal agad ito sa kanya na ikinasaya naman nang huli. At mula nun nag sama sila bilang mag asawa. Nalaman niyang mabait naman pala si Mary. Mapag alaga at maalalahanin pala ito kaya ang ginawa niya ay naging mabait dito, Pero ang laman parin ang puso't isip niya ay si Bry.
Hindi pa rin niya magawang kalimutan ang taong mahal niya. He loves Bry that much. At nang kabuwanan ni Mary ay doble extra alaga siya. Excited nga rin itong si Mary kaya nag pa ultra sound pa ito kaya nalaman agad nilang babae ito.
Si Mary din ang nagbigay pangalan dito at wala siyang nagawa kundi ang sang ayonan ito. Nang nasa Delivery room na si Mary ay alalang alala siya. Ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama na.
Pero nang lumbas ang doctor at sinabi nito sa kanya ang balita ay bigla siyang nanlumo. Mary is dead. Sabi nang doctor hindi daw nakayanan ni Mary ang panganganak dito. Ayon sa doctor may option naman, Mabubuhay si Mary pero mamatay ang bata. Anito hindi na daw siya pinaalam na ganun ang klase nang kanyang panganganak. Iyon naman ang gusto ni Mary. Kaya ayun pinili nitong mamatay siya.
Doon niya hinangaan ang babae. At ngayun nga nasa kanya na ang anak niya. A female version of him.
Pinuntahan niya agad ang anak niya sa Cr. Alam na kasi nito ang pasikot sikot sa hotel dahil nga parati silang nandito kapag weekend. Isa pa kakilala niya ang may ari nang hotel.
Pagkarating niya sa Cr ay nakita niya agad itong mau kausap na babae. Nakatalikod ang babae habang ang anak naman niya'y halatang nag papacute dito. Napangiti tuloy siya.
"Wow pamilyar yung name niyo sakin. Para--",
"Baby! Ang kulit mo talaga kahit kailan Kahit saan saan kana lang pumupunta",biglang sabi niya sa anak. Nakita niyang natigilan ang babae. Halatang na stun.
Nakita niyang umaliwalas ang mukha nito. "Daddy!",patakbong sabi nito at agad niyang sinalubong ito at kinarga.
"Daddy , I met this beautiful lady. Ang ganda niya po at ang bait",imporma agad nang anak niya.
Napangiti siya. "Wow! Then who is that?",
"Bry po daw ang name niya daddy, It's sounds familiar daddy",sabi nang anak niya na ikinatigil niya sa paglapit sa nakatalikod na babae.
Biglang bumundol ang dibdib niya pagkarinig sa pangalang iyon. It could be? Tila may sariling isip ang mga paa niya na lumapit dito paharap. Kitang kita niya ang pagtayo nito at dahan dahang tumawa.
At nang magtama ang kanilang mga mata ay bumilis ang tibok nang puso niya. Those eyes, Those nose and those lips. Hinding hindi niya iyon makakalimutan. Gaya parin nang dati ay maganda parin ito ay hindi mas gumanda na ito.
Iginala niya ang mga mata sa kabuuan nito. Tila naman naasiwa ito sa paraan nang pag titig niya. Bry looks like a woman. A real woman. May dibdib narin ito at ang katawan ay pamatay.
"B-bry..",lumabas sa bibig niya.
Nakita niya ang kislap nang mga mata nito. Longingness and pain?
Bry kung alam mo lang .. Tanging nasabi nang isip niya.
"Bry, ikaw nga ba yan?",tanung niya dito. At tiningnan niya ito mula uli hanggang paa.
"Bry! Ikaw nga!",
Wala sa isip ay bigla niya itong niyakap. Nung una ay tila ayaw nito pero kalaunan ay gumanti na ito nang yakap. Hinigpitan niya ang yakap nito. God ! How he miss this hug.
"Bry bumalik ka! You dont know how much I missed you",ilang minuto rin silang ganun nang biglang magsalita ang anak niya.
"Daddy? Ang tagal naman niyan!",reklamo nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan ang anak. "Sorry, Baby", at binalingan niya ulit si Bry.
"To tell you frankly Hindi ko alam kung saaan mag sisimula. Pero bry we have so much to talk about. Bry--",napatigil siya sa pagsalita.
"Bry nandiyan ka lang pala. Kung saan saan kita hinanap ah",sabi nang baritonong boses.
Tiningnan niya ang may ari nun. Hinding hindi rin niya makakalimutan ang mukhang iyon.
Nagtama ang mata nila. Nagsukatan sila nang titig. May nabasa siya sa mga mata nito pero binaliwala na lang niya iyon nang magsalita si Bry.
"Mark, sorry na tagalan ako. Tara na",at tumalikod agad si bry.
Papaalis na ang mga ito nang muling bumalis si Mark sa kanya. Galit ang mukha nito. Pero hindi siya nag pasindak.
"Daddy that guy is angry with you ba?",inosenteng tanung nang anak niya.
"No , baby",aniya dito at kinarga. Mabigat ito ah.
"Why his face looks angry po?",tanung ulit nito.
"No, baby. That's normal",aniya at dinala agad ito sa kwarto nila. Hindi parin nawala sa isipan niya si Bry. Ngayun na nakita na niya ito. Itutuwid na niya ang kanyang pagkakamali.
Hahanap hanapin niya ito kahit saan man ito sa mundo. Hindi na niya ito pakakawalan. He saw at the eyes of bry that he has a feeling for him. Alam niya iyon. Hindi nagbibiro ang mata at iyon ang panghahawakan niya.
He wants bry back to his life.
Bry, come back to me please. You dont know how much you meant to me. All those years akala ko nakapagmoved on na ako pero hindi pala. I still love you. Bry gagawin ko ang lahat mabawi lang kita. Kung hindi mo na ako mahal gagawin ko ang lahat bumalik lang ang pagtingin mo sa akin. Sabi niya sa hangin.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
RomanceBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...