Masayang sinalubong siya nang anak ni Anthony. Nagtatalon pa ito sa tuwa dahil binigyan niya ito nang regalong nakabalot sa malaking karton.
"Tita, akala ko hindi kana makakarating. Si daddy kasi hindi ka pa sinundo. Nainis na nga ako sa kanya. Sabi daw niya hindi ka daw magpapasundo kaya ayun nagtampo ako sa kanya. Anong laman nito, tita? Ang bigat at ang laki kasi",anito.
Natawa siya sa sinabi nito. Parang rumehistro sa utak niya ang salitang 'Tita'. Ang sarap pakinggan. Kanina kasi panay ang tawag ni Anthony at nagmungkahi na sunduin daw siya nito pero todo ang tanggi niya dito dahil nasa mall pa siya noon at nahihirapang pumili nang iregalo dito sa anak.
"Sorry, honey. Na late ang t-tita mo. May inakaso pa kasi eh. Iyan o yang regalo mo ang nagpa late sa kanya,"umupo siya para magkapantay sila. Such a beautiful girl. Hawig na hawig ito sa ama.
Magiliw itong ngumiti sa kanya. "I'ts ok tita. Atleast nandito kana, kompleto na ang birthday ko!,"
Tumikhin si Anthony. "Baby, puntahan muna ang mga kalaro mo doon,"tumango naman ito at excited na pinakita ang regalong dala niya.
"She is very active,"aniya.
"Yeah. That is why I love her that much. Mahalaga siya sa akin,"at tiningnan siya nito nang matiim.
"A-ah, pwede na bang kumain?,"aniya para hindi siya mawala sa mundo sa pagtitig nito sa kanya.
Tumawa ito dahil dun. Habang kumakain sila ay hindi siya iniwan ni Anthony sa tabi.
Ipinakilala rin siya nito sa mga kamag anak at pati na rin sa pamilya nito. Nahihiya man pero nakuha pa niyang ngumiti.
"So, Ikaw pala si Bry,"sabi nang ama nito. "Ikaw pala yung iniyakan niya noon. At nawala dito sa gensan dahil pumunta sa manila",patuloy nito.
Bigla siyang napayuko.
"Pa!,"reklamo ni Anthony.
Natatawang nilingun naman ito nang ama niya. "Bakit pa hijo? I am telling the truth here," at nilinga siya nito.
"Siguro kung nakita na kita noon. Hindi sana nag ka ganoon ang anak namin. At hindi na ako magtatanong kung bakit patay na patay si Anthony sayo. Kita naman kasi," at ngumiti ito sa kanya nang magiliw.
Punamulahan siya nang mukha dahil sa sinabi nito. Habang si Anthony ay napakamot nang ulo.
Hindi siya makapagsalita dahil dun. Hindi niya kasi alam ang pinagdaanan ni Anthony nang iwan niya ito. Nabigla siya nang hawakan nang ama nito ang braso niya at masuyo siyang nginitian. Pati rin ang ina nito ay nakangiti sa kanya.
"Alam namin kung ano ka. At tanggap namin iyon. Hindi namin didiktahan ang kaligayahan nang anak namin. Sana mapatawad mo na siya kung ano man ang nagawa niyang kasalanan sayo. I felt sorry for those years na hindi namin alam ang mga nangyari sa inyo. Nung nakaraang buwan lang namin nalaman na isang gaya mo ang minahal nang anak namin,"
Napayuko siya dahil dun. Nakaramdam siya nang awa para kay Anthony. Eh gaga din pala siya dahil hindi man lang niya binigyan nang pagkakataon si Anthony na magpaliwanag sa kanya.
Marami siyang sinayang na panahon sapagiging narrow minded niya. Oo nga at minahal niya nang sobra si Anthony pero hindi niya ito pinagkatiwalaan agad nang saktan siya nito.
"Anak, patawarin mo na ang anak namin. Bilang mga magulang ay nasasaktan din kami dahil hindi na namin nakikita ang kislap nang mata ni Anthony mag mula nung mawala ka,"sabi naman nang inay nito.
Nginitian niya ito at habang si Anthony ngayon ay titig na titig sa kanya. Pati mga magulang nito'y humihingi nang patawad sa kasalanang nangyari ni Anthony sa kanya. He felt sorry for Anthony of what he done to him.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
RomanceBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...