"NAY labas muna ako sandali may bibilhin lang", paalam niya sa inay na na kasalukyang nasa sala na nonood nang tv.
Tininingnan siya nito. "Oh sige anak mag ingat ka ha?",
"Opo nay",at lumabas na siya nang bahay.
Naisipan niyang mag commute na lang. Dahil nga hindi pa siya nakakabili nang sasakyan. Pumunta siya sa terminal nang jeep. Na miss na kasi niyang sumakay nang jeep at nakaramdam siya nang excitement nang makaupo siya dun.
Lihim siyang napangiti. DAti dati kasi'y nung high school siya ay madalas siyang sumasakay sa jeep kung may praktis si Mark at hindi sila magkasabay umuwi.
Umundar naman agad ang jeep nang mapuno ito. Nasa bandang dulo siya nakaupo kaya hindi na niya kailangan pang umusog at kampante na siyang nakaupo.
Ilang sandali ay nakaabot na rin sila sa KCC Mall. Kaya matapos magbayad ay mabilis siyang pumanaog. Naramdaman pa niyang sinusundan siya nang tingin nang mga tao. Siguroy nakakita nang dyosa kaya ganun.
Pumasok na siya sa mall. Naisipan niya mamili nang mga gamit sa bahay dahil nakita niya kasi kanina na kulang at mga hindi na bago ang gamit nila.
Ilang oras na rin siyang nasa mall nang makaramdam siya nang gutom nang biglang may tumawag sa phone niya.
Napangiti siya sa nakita.
"Oh hello? Napatawag ka?",masiglang boses ang pinarinig niya dito.
"I just want to hear your voice. Kumusta?",boses iyon ni Mark.
Lihim syang napailing. "I'm here sa mall, gumala lang bakit pala?",
"Yayain sana kitang mag dinner maya. If pwede ka. Just an old days. Na miss ko na rin kasi ang bestfriend ko",
Sa tinig pa lang nito'y parang alam na niya kung anong pag uusapan nila ay mali may dapat pala silang pag uusap. Gusto kasi niyang ma clear yung nangyari noon. At gusto niyang bumalik ang dating pag sasamahan nila hindi lang sa pagkakaibigan kundi bilang isang nag iisang lalaking malapit na malapit sa kanya.
"Bry...?",basag ni Mark sa katahimikan niya.
Napamulagat siya. "Yes, why not? Saan naman?",
"In my place. I will fetch you 7pm sharp",
Napangiti naman siya. "Hmm.. Sige nga interesado na rin akong makita ang bahay mo",nasisiyahang sabi niya rito.
Tumawa naman ito nang mahina. "Sige, so maya ha?",
"Okay, Mark!",
"Okay. Bye, Ganda!",
At nawala na ito sa linya. Naiwan namang napangiti si Bry dahil dun. Hindi niyo lang alam kung ganu siya ka excited. Miss na rin kasi niya ang dating samahan nila. Kung tatanungin nga siya mas gugustuhin niyang bumalik sa nakaraan dahil naroon ang masasayang scenario sa buhay niya kahit na nga nasaktan siya nang todo.
Sa isiping iyon na alala niya agad si Anthony at yung batang babae na kasama nito. Hmm di pala, anak pala nito. He wonder saan kaya ang asawa nito at hindi nito kasama.
Impokrito siya pag nag deny siya. Mahal niya parin si Anthony hanggang ngayon. At nasasaktan siya sa pagkakaalam na may asawa at anak na pala ito. Pero dahil sa ganung pangyayari naisip niyang it;s time to move on.
Matagal na panahon rin siyang baon sa alaala nito at napaka unfair nun. Siya lang ang nagdurusa pero ito'y masaya na sa mga bagay bagay na nangyari dito.
Sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi niya.
"ANAK! Bumaba kana dyan nasa baba si Mark!",
Dinig niyang sigaw nang inay niya sa labas nang kwarto nya. Kakatapos lamang niyang magbihis at naglagay siya nang kaanteng make up sa mukha.
At nang masilayan ang mukha sa salamin ay dali dali syang lumabas. Paglabas niya ay nakita niyang nakangiti ang kanyang inay. Ngiting nanunukso yun kaya inirapan niya ito.
Narinig pa niyang tumawa nang mahina ito. Kaya hindi niya maiwasang tingnan ito sabay sabing "Inay naman",
"Ha? Oh sige na babain muna si Mark dun at para hindi na maghintay sa maganda kong dalaga",nakangiting sabi pa nito.
Pagbaba pa lang niya ay nakita na niya si Mark na nakaupo sa may sala. May binabasa itong magasin. Yung magasin kung saan siya ang cover dun. Medyo nakaramadam siya nang hiya. Baka kasi makita nito ang mga pictures niya na nude doon.
Parang naramdaman naman nito na may nakatingin dito kaya't napalingun ito sa may direksyun niya. Nakita niya ang magandang ngiti sa mga labi nito at kasabay nun ang pagtayo nito.
Lihim siyang natitilihan sa tindig nito. Ibang iba na talaga ito gaya nun. Lalaking tingnan na ito at napaka attractive.
Lumapit si Mark sa kanya. At muntikan na siyang mapapikit nang manuot ang mabangong pabango nito sa kanyang ilong. Yung pabangong nakakakilig.
Bigla nitong hinawakan ang kanyang braso na hindi na napaghandaan. Bigla siyang nakaramdam nang tila kuryenteng dumaloy dun kaya't napapiksi siya.
"I'm sorry",wika ni Mark in a husky tone.
"A-ah wala yun. S-so tara na?",lihim niyang kinunsulta ang sarili na mag relax.
"Sige."
At dinala siya nito sa labas. At sinakay sa kotse nito.
Habang sa byahe sila'y walang umimik sa kanilang dalawa. Kapwa ang lalim nang iniisip. Tila ba nahihiya sa isa't isa.
Hanggang sa makatulog siya sa byahe. Nagising na lamang siya nang may tumapik nang mahina sa pisngi niya.
And when he open his eyes he saw the handsome face of Mark. Ang lapit nang mukha nito sa kanyang mukha. Nagkarambolan ang isipan niya. Hindi siya makapag isip nang matino dahil sa lapit nang mukha nito sa mukha niya.
Mukhang hahalikan siya nito nang di niya mawari. God! Anong gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
RomansBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...