Part 18

2.3K 47 3
                                    

Suot ang magandang evening gown ay lumabas siya sa kanilang bahay mga bandang alas syete nang gabi. Hindi maitulak kabigin ang kagandahang taglay niya ngayon gabi. At ramdam niya iyon dahil sa papuri nang kanyang inay.

Sumakay agad siya sa enarkilang taxi. At habang lulan siya dun ay kinuha ni Bry ang mini mirror sa kanyang gucci mini bag. At napangiti sa nakita.

Naroon pa naman ang mukha noon. Nandun parin yung Bry. Pero marami nang nag bago sa kanyang mukha. Hindi siya nag pa plastic surgery at talagang natural lang naman iyon. Ang kanyang dibdib at ano lang ang nabago.

Ang katawan na pang babae? Gawa lamang iyon nang mga pills na te ne take niya. Kinakabahan siya ngayung gabi. Hindi lang dun dahil alam niyang late na siya nang 30 mins.

Napasarap kasi ang tulog niya kaya ayun. Mabilisan ang pangyayari.

Ilang sandali lang ay tanaw na niya ang paaralan nila nung high school. May nakita siyang mga nagkikislapang mga ilaw. At dinig na niya ang masayang tugtugin.

"Naku, late na talaga ako.",aniya at bumaba sa taxi.

Pumasok agad siya sa may covered court nang paaralan. Nakita niyang may nagbabantay dun na babae. Hindi pamilyar ang mukha nito. Pero nginitian niya agad ito nang makita siya.

Ibinigay niya ang sobre na nakalagay na VIP.

"Bry?!",nanlaki ang mata nang babae ng makita nito ang sobre.

"Yes",nakangiting sabi niya dito. Hindi niya alam kung bakit ang laki nang ngiti nito sa kanya.

"It's me. Carolyn. Carolyn Bustamante",pakilala nito sa kanya.

"Oh! That piggy one?",at bigla siyang natawa sa reaksyun nito.

"Not anymore. I'm sexy and pretty now",proud nitong sabi.

"I see. So, alam kung late na ako kaya please papasukin mo na ako",aniya.

"You've change a lot, bry. You are more beautiful. Goodness, gurl. Babaeng babae kana!",

Pinamulahan siya nang mukha. "Ito naman. Ikaw kaya ang ganda ganda muna. Nagpipilahan na siguro ang mga manliligaw mo",

Tumawa ito. At itinaas ang kanang kamay. Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh? Sino?",

"Remember Darren? Yung lalaking palagi nangbubully sakin?",at tumawa ito nang wagas. "Nainlove na pala ang loko. Kaya ayun the rest is history. We have 2 kids now",

"Wow, Ang saya naman nun. Oh sige pasok na ako ha?",aniya at pumasok na.

Sumalubong sa kanya ang magandang musika. Inilinga niya ang kanyang paningin sa kabuuan nang covered court. Ang ganda nang ng nag design nun. Binigyang buhay talaga ang loob nun.

Lumakad siya pakanan dun banda sa hindi matao. Ayaw muna niyang makisalamuha sa mga tao. Bago siya pumunta dun ay kumuha muna siya nang makakain.

Naisipan niyang umupo sa may dulo kung saan hindi siya mapapansin. Buti na lang nung kumuha siya nang pagkain ay walang tao adhil busy ang mga ito sa pagsasayaw.

Maraming pagkain at mga inuming nakakalasing. Hindi iyon matatawag na class pero nag uumapaw dun ang salitang "Saya". At nababasi iyon sa mga mukha nang mga bisita.

Nakita niyang merong nag iiyakan nag yayakapan at nag kukumustahan. Habang siya naman ay umupo. Wala kasi siyang ka close nung high school siya dahil ang tanging ka close laman niya ay si Mark.

Habang kumakain ay inilibot niya ang tingin. May kumuha nang atensyon niya. Isang batang babae, at bumilis ang tibok nang kanyang puso nang humarap ang bata sa direksyun niya. Hindi naman ito saktong nakatingin sa kanya pero dahil nasa malayo siya ay kitang kita niya ang ngiti sa mga labi nang batang babae.

Could it be? tanong niya sa isipan. Ipinilig na lamang niya ang ulo at ibinaling ang tingin sa pagkain.

"Penny for your thoughts?",ang baritono at pamilyar na boses ay nagpapitlag sa kanya.

Tiningnan niya ito. At sumilay sa maganda niyang mukha ang magandang ngiti sa labi. Bumilis agad ang tibok nang pulso niya nang masilayan ang guwapong mukha ni Mark.

"Nag iisa ka ata,"tanung agad nito nang makaupo.

"Hmm?",aniya na nginuya ang macaroni. At nag patuloy, "Maya na lamang ako lalapit sa kanila. Ginutom kasi ako bigla eh",aniya na tiningnan ito. Halos bumundol ang puso niya sa paraan nang pag titig nito sa kanya.

"Late akong dumating dito eh. Marami kasi akong tinapos sa opisina. Dumaan nga pala ako sa bahay niyo. At sabi nang inay mo ay nandito ka na daw. At magkasunod lang pala tayo",anas nito.

Inusog nito ang umupoan palapit sa kanya. At ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito that makes him rattle.

"Mark..",paanas niya nang maramdaman ang hininga nito sa leeg niya.

"Wala paring pagbabago Bry. Ang bango mo parin..", bulong nito sa kanya na nagdulot nang kiliti sa bawat himaymay.

Napapikit siya nang maramdaman ang labi nito sa leeg niya. Lihim siyang napiksi.

God! aniya sa isipan.

Nang dahil sa malaking swan ice ay hindi sila kita nang mga tao. Kaya nakaramdam siya nang kapanatagan. But this time ang labi nito'y umakyat patungo sa labi niya.

He was ready to catch his lips. Napaawang pa siya. Pero ilang segundo siyang nakaawang at nang imulat niya ang mga mata ay bigla siyang pinamulahan.

Nakangisi si Mark. "Wait for the right, honey",he used his seductive tone.

While Bry is off guard, wala siyang masabi. Nahihiya siya sa inasal niya. Naghihintay siya sa halik nang long lost bestfriend niya. Nako, ana na lang ang isipin nito sa kanya.

Biglang tumawa ito. "You look more beautiful when you blush. Na miss ko yan",at uminom ito.

Lihim siyang napatabuntong hininga at kinain ang natirang pagkain. Bakit ganito, kinikilig siya sa mga papuri nito sa kanya. No! hindi siya ganito kay Mark dati.

"Nice dress, Bry. Lutang ang kagandahan mo",puri nito sa kanya na ikinapula ulit nang mukha niya. At narinig pa niyang tumawa ito nang mahina.

Tiningnan niya ito at nakita niya ang pigura nito. Ang guwapo na talaga nang bestfriend niya. Bagay dito ang silver na americanang suot nito.

"Ikaw din. You change a lot. Alam kung guwapo ka naman dati pero mas gumawapo kapa ngayun. With that maturity look",aniya at binigyan ito nang ngiti.

"Bola!",sagot agad nito.

"Hindi ah! Totoo yung sinabi ko. Talagang magandang lalaki kana dati mas lalo na ngayun",aniya dito.

Tumayo si Mark at kinuha ang kamay niya. Nagtatanong ang mata niya dito.

"Let's go a walk. Maki pag minggle naman tayo sa kanila. Hindi tayu bagay dito sa malayo", at napangiti siya sa narinig.

Marami silang nakilalang mga ka klase nun. Panay ang papuri nang mga ito sa kanya. Na kesyo ang ganda na daw niya. At ang sexy na. Panay lamang ang pasalamat niya sa mga ito. At may time nga na tinukso sila nang mga ito na may relasyun ba daw sila nitong si Mark.

Si mark naman ay nakangisi lang sa kanya na tila nagandahan sa tukso nang mga ito. Parang wala lang nangyari sa kanila 8 years ago. Tila bumalik sa normal ang pagsasamahan nila. Pero there is something he feel inside that he cant explain.

At nang matapos ang gabing iyon ay gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Bry. Inihatid pa siya ni Mark sa bahay nila. At sa hindi inaasahang pag kakataon ay hinalikan siya nito sa labi nang mabilisan.

Iniwan siyang nakatulala at nakatingin sa kawalan. Ang bilis nang tibok nang puso niya. Halos hindi siya makahinga. Kung hindi lang siya tinawag nang inay niya ay hindi siya magigising.

Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon