Lulan lang kotse ay tanaw niya ang pamilyar na lugar. Halos hindi na mawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang masilayan ang lugar na nakagisnan. Namiss niya rito sobra.
Papasok ang kotse sa kanilang lugar at nadaanan pa niya ang paaralan niya nung high school kung saan gaganapin ang alumni homecoming nila.
Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi sa isiping iyon. Ang rami nang nabago sa paaralang ito. Marami na ring mga building na naipatayo. Pati yung gate nila dati na halos magsiksikan silang pumapasok ay ngayun maluwang na.
Ah summer break pala. Kaya walang mga studyanteng naglalakad. Ang dami na ding mga buildings ang naipatayo sa lugar nila. Mahihinuhang naging mas bongga na ito.
Mga ilang minuto rin ang lumipas habang lulan at tanaw ang mga lugar kung saan niya nasilayan bago siya umalis ay sa wakas at nakaabot na rin siya sa bahay nila.
Biglang nagliwanag ang paningin niya sa nakita.
"Ito na ba ang pinaghirapan kong bahay?",humahangang sabi niya sa sarili.
Biglang nanikip ang dibdib niya nang makita niya ang Mama niya na nasa labas. Kasalukuyan itong may kinakausap. Gusto niyang yakapin ito na miss niya kasi nang sobra ang Mama niya.
Pagbaba niya sa kotse ay biglang tumingin agad ang Mama niya. Habang siya naman ay nakangiti rito.
"Sino po--- Anak?!",at sinipat pa siya nito.
"Ikaw nga ba yan, Bry? Anak?",at nilapitan siya nito. Biglang napaluha ang Mama niya pagkuway niyakap siya nito.
"Ikaw nga anak. Namiss kita nang sobra anak ko",sabi nito habang nag iiyak.
Napaiyak na din siya. "Ang inay naman, madrama",
Tumawa ito. "Masaya lang kasi ako dahil umuwi kana. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala hindi tuloy kita napaghandaan nang paborito mong pagkain",
Nginitian niya ito. "Diba sopresa nga, ma?",
Tumawa ulit ito. "Ang ganda ganda naman nang anak ko. Sa webcam kasi anak maganda ka, pero mas maganda ka pala sa personal. May pinagmanahan ka talaga",proud pa nitong sabi.
"Hala at ipasok na natin itong mga bagahe mo. Nagulat nga ako nung isang araw dahil may dumating ditong mga de karton na pasalubong puro chocolates at mga damit na hindi ko pa nasuot. Yun pala'y uuwi kana. Sana dito kana lang anak,"anito.
Hindi na lamang siya umimik. At tahimik na pumasok sa pamamahay.
Matapos mananghalian ay naisip ni Bry na lumabas saglit. Nais niyang makita ang buong lugar kahit ngayon lang. Gusto niyang mabistahan kung ano na ba ang improvement nang lugar nila.
Suot ang simpleng damit na hapit ang magandang hubog nang kanyang katawan ay lumabas siya nang bahay.
Naglakad lakad lamang siya at buti na lang hindi masyadong mainit at parang uulan. Pero pinagsawalang bahala niya lamang iyon.
Ang una niyang pinuntahan ay nag parke sa lugar nila. At namangha siya sa nakita. Ito na ba ang parke nila? Kaganda na, sino bang mayor nila at nang mapasalamatan dahil sa ganda nang pinagawa nitong parke.
Lalong lumake na iyon at ang linis pa. May dinagdag pa lang fountain sa lugar na ito. At may mga rebulto na. Natawa pa nga siya dahil dun.
May nakita siyang dirty ice cream. Wow na miss niyang kumain nang ganun. Dahil parati silang kasama nun ni Mark dito at ito parati ang binibili nito para sa kanya pati na yung isaw? Natakam siya agad kahit na nga bagong kain lang siya.
Si mark? Kumusta na kaya ang bestfriend niya. May biglang kumurot sa puso niya nang maisip ang nakaraan. Nang dahil lang dun ay lumayo ito sa kanya. Nakakalungkot man na ang tanging lalaking malapit sa kanya ay lumayo.
"Manung magkano na po ito?",turo niya sa strawberry flavor na dirty ice cream.
Nginitian siya ni Manong sorbetero. At nagulat siya.
"Ay pasensya na. Akala ko kasi matanda na ang nagbebenta nito",nakangiwing sabi niya,
Tumawa ang gwapong sorbetero. "It's okay. Miss maganda. This strawberry flavor is just 10 pesos only",nakangiting sabi nito sa kanya na ikananganga niya, what the ano to? Englesherong sorbetero ?
"Ano to? Lokohan? Sorbeterong gwapo tapos englesero? Please wake me up kung panaginip lang to,"di niya maiwasang sabihin dito.
Biglang tumawa ito nang malakas. Yung wagas talaga.
"You amaze me young woman!",at pinahid nito ang luha sa mga mata.
Nagpalatak naman sya. "Yung strawberry akin ha",
Ngumiti ngiti pa ito habang sumasandok nang bigla may dumating at humalik dito. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
At namangha na rin siya dahil ang humalik sa gwapong sorbetero ay isang bading na pa gurl panamit. Naalala niya na ganyan din siya dati sa paraang manamit ito.
"Oh I'm sorry of were PDA",Anito nang lalaki na napakamot pa nang ulo.
"Sino siya babe?",tanung nang beki.
"Syempre customer",sagot niya dito. At tumaas naman ang kilay nang beki.
"Matilda",bulong naman nito. Lihim siyang napangiti. At binalingan nito ang lalaki na nakapamaywang.
"Babe naman diba sabi ko sayu diba na stop being like this! Palage na lang kitang nakikitang nagbebentang nang ganito Yung kompanya mo okay lang ba yun? Palagi mo na lang hinahayaan kay William",
Napataas tuloy ang kilay niya. Ayaw niyang makinig sa mga ito kaya binalingan niya ang lalaki.
"Kuya, yung order ko po?",aniya.
"Miss hindi po siya sorbetero. Adik mo kasi ito eh",
Nilingun niya ito. "Ano ba? Nalilito na ako sa---"
"Ito na miss. Dahil maganda ka at sexy libre na lang sayo. May free springkles na yan ha",malambing na sabi nang lalaki na ikinangiti niya.
"Aba't! Babe !! lumalandi kana sa babaeng yan? How dare you!",at nakita niyang kinurot nito sa pisngi ang lalaki. Napaigik naman ito.
"Sakit naman nun, babe. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba? So stop being like that. This is my hobbies you know kaya---",
"Naku ang dalawang to. Nang inggit pa kayu sakit. So lakad na ako. Salamat nito ha? I miss this taste!",at walang lingun likod siyang umalis. Ayaw niyang makinig sa mga ka oa han nang mga ito. At naiinggit siya.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
RomanceBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...