Part 14

2.5K 55 8
                                    

PARANG ang bigat nang pakiramdam ni Bry habang lulan siya nang taksi. Kasalukuyang kasama niya ang Auntie niya papuntang airport.

At ngayon wala nang atrasan pa. Mabuti rin namn kasi ito. At alam niya sa ganitong paraan ay malilimutan niya ang sakit na pinagdaanan lalo na kay Anthony.

Yes, it might be time can heal the wounds. At gusto na niyang makalimot. Kasi habang tumatagal lalong nanunuot ang sakit sa puso niya.

"Bry, Okay ka lang ba?",puna nang Auntie niya habang lulan sila nang sinasakyang taksi.

Nilingun niya ito. At ngumiti. "Opo. Okay lang po ako. Naisip ko lang kasi ano kaya ang magiging buhay ko sa manila pag umalis na ako dito sa Gensan".Aniya dito.

Nginitian din siya nito. "Magiging okay ang buhay mo dun, anak. I assure you that",

Kiming nginitian niya ito. Yes, alam din naman niya na magiging okay ang pag aaral niya dun when it comes to financial. Dahil ang Auntie niya ay may kaya sa buhay. Pero sa bagong lokasyon na lilipatan niya? Nahihinuha niyang mag aadjust siya.

Hanggang sa makarating sila sa Airport ay lutang parin ang pakiramdam niya. Dahil ang laman nang isipan niya ay walang iba kundi si Anthony.

HALOS liparin ni Anthony ang kanyang kotse patungo sa Gensan Airport. At kung minamalas pa naman ay traffic pa. Panay ang beep niya sa kanyang kotse.

Mainit na ang ulo niya. Naiinis na siya. Bakit ba ganito na ngayon sa gensan at ang traffic? At ang liit pa naman ng highway.

"Bry please wait for me..",tanging nausal na lang niya sa hangin. Ang taas na nang araw baka hindi na niya maabotan ito.

But he didnt lose hope. At yun nga umusad ang traffic naging magaan na ito. Lihim siyang napabuntong hininga.

Lahat naman eh pinagsisihan na niya. Nahiling niya sana na hindi sa ganung sitwasyon ang nangyari sa kanila ni Bry. Sana sa ibang sitwasyon para hindi na umabot sa ganito. Nahihirapan at nasasaktan na kasi siya.

Wala siyang pakialam kung maging bakla siya dahil sa pag patol rito. Ang alam niya lang eh mahal na mahal niya ito. At gusto niyang maituwid ang pagkakamaling nagawa niya rito. He swear to God.

HUMINGA NANG malalim si Bry bago pumasok sa eroplano. This is it. First time niyang makasakay nang ganito at nakaramdam siya nang excitement. Iwinaglit niya muna ang emahe ni Anthony. Dahil kapag nakasakay na siya at lilipad pa maynila ay iiwan na niya ang alaalang nag dulot sa kanya nang kapighatian.

Lumingon siya sa likod at kiming ngumiti.

Goodbye Gensan, Goodbye Anthony.  aniya sa hangin at pumasok na. Ilang sandali ay naramdaman niyang umandar na ang eroplano at lilipad na iyon.

HINDI MAG KANDAUGAGA SI ANTHONY na pumasok sa Airport. Agad siyang lumapit sa reception area at nag tanong dun.

"Pa manila po?",tanung niya sa babae.

Ngumiti pa ito sa kanya. Bago siya sinagot.

"Kalilipad lang pogi at ----",

Hindi na niya pinatapos ito at dali dali siyang lumapit sa Guard. Pero hindi siya pinayagan nito. Eh wala rin naman siyang ticket eh.

"Sir hindi po kayo pwede pumasok dito",pigil nito sa kanya.

Gusto niyang suntukin ito. Pero nagpipigil siya. Tang ina hindi nito alam na ang taong mahal niya ay lulan nang pesteng eroplanong iyon? At kapag nakalipad na iyon nang tuluyan ay tuluyan na ring mawawala nang saysay ang buhay niya.

"Look--",

"Sir hindi po talaga pwede. Pasensya na po",anito. At narinig niyang lumapad na nga ang eroplano.

Napatingin siya dun. Gusto niyang mag mura. Gusto niyang manuntok. Marami siyang gustong gawin habang tanaw ang papalipad na eroplano.

Nanikip ang dibdib niya. Gusto niyang magsisigaw pero pilit niya iyong nilabanan.

"Sir nakakaabala na po kayo sa pila",pukaw ni manung guard.

Napalingun siya sa likuran at napagtanto niyang ang rami na palang taong nakapila at halatang naiinis na ito sa kanya.

Humingi siya nang pasensya sa mga ito at tumalikod na. Laylay ang mga balikat na bumalik siya sa kotse at dun niya ibinuhus lahat nang sama nang loob.

Nagsisigaw siya. Sinuntok niya ang panibila. Hindi na niya namalayang tumulo na pala ang luha niya sa mga mata. It's so gay but he didnt mind it.

"Bry please come back to me baby. Hindi ko alam kung mawawala ka sa akin. Baby... Please..",tanging nausal na lamang niya at napayuko siya.

Hilam sa luha ang mata niya. Nakaramdam siya nang pagod. At ilang sandali ay tumanaw siya  sa malayo.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo bry.

A/N

Hehehe sensya na po sa Slow update ^_^

May tour po kasi si ateng eh kaya busy this past few days. Pero I'll make it up nakapag update na po ako. Salamat po sa walang sawang pagbabasa nang kwentong ito. Mas gagandahan ko po ang bawat kabanata nang buhay pag ibig ni Bry.

Again salamat po....

Dont forget to leave comment and vote it ^_^

Ciao !!!

♥♥♥ Miss Jamuela♥♥♥

Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon