Part 17

2.3K 55 1
                                    

Habang papalayo siya sa mga ito nilantakan naman niya ang ice cream hanggang sa maubos ito. Sunod naman na binili niya'y isaw. Limang piraso rin ang naubos niyang kainin kaya na isipan niyang pumunta kung saan siya tumatambay na dalawa ni Mark.

Nang maka abot dun ay bigla siyang nanlumo dahil yung tambayan nila'y wala na. Pinalitan na iyon nang isang rebulto. Dati kasi'y may maliit na bench dun na kasya ang dalawang tao. Mas gusto nilang nandun sila dahil nga malayo sa tao at hindi pa masyadong mainit.

Hanggang ngayun nga'y ganun parin. Maraming mga puno ang nakatayo kaya hindi masyadong nasisikitan nang araw. Umupo na lamang siya sa isang malaking bato na malamit sa rebulto at nag muni muni.

May mga rao ring dumadaan. Hindi gaya dati na madalang lamang. Ilang minuto rin siyang ganun at naisipan niyang tumayo.

Lalayo na sana siya sa kinaroroonan ng may nakita siyang pamilyar na mukha. Sinipat pa nga niyang mabuti kung hindi siya nagkamali.

Oh it's him!

Si mark. Ang guwapo na lalo nang loko ah. Lalapitan sana niya ito nang biglang mapadako ang tingin nito sa kanya. Ang nakangiting Mark ay biglang naglaho sa mga labi nito.

May mga kasama itong mga lalaki. Nahihinuha niyang ka grupo nito iyon base sa suot nitong pang basketball na damit.

Nakita niyang sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya nang asiwa. Kaya hindi niya maiwasang itaas ang kamay sabay sabing, "Hi!",kiming sabi niya dito.

Nilapitan siya nito habang ang mga ka grupo naman nito'y abala sa pakikipag usap sa mga babaeng dumadaan. Lihim siyang kinabahan. Naging mature ang mukha nito na bagay naman. Mas lalong naging maappeal na ito. At ang kisig na. Halatang banat sa work out. Mamasel na eh.

"You look familiar",sabi agad nito paglapit sa kanya.

"Ha?",halos hindi niya marinig ang sinabi nito dahil sa lakas nang tibok nang puso niya. At hindi niya alam kung bakit. At naiinis siya sa ganung pakiramdam.

"Wait",sabi nito na hinawakan bigla ang kamay niya na ikina singhap niya.

"I knew it!",at biglang lumiwanag ang mukha nito. "It's you!. This birth mark on your hands! Bry! Oh.."at bigla siya nitong niyakap.

Nabigla siya nang ilang minuto. Matapos ang yakapan ay tinitigan siya nito.

"Ang ganda mo na lalo, best",paanas nitong sabi.

Wala siyang makuhang isabi dito kundi ang ngitian lang ito.

"Oh, speechless ang long lost bestfriend ko ah",anito na inakbayan siya. "Tara ipakilala kita sa tropa. At marami pa tayung dapat na pag usap",

Nagpatianod na lang siya. Nang makarating sa tropa nito ay isa isa niya itong tiningnan.Pamilyar ang mga mukha nang mga ito. Hindi nga ba?

"Best, remember these?",turo nito sa mga kagrupo niyang ang lawak nang ngiti sa mga labi na nakatingin sa kanya.

"They look familiar to me",simpleng sagot niya. Hindi parin niya maiwasang kabahan habang akbay siya nito.

"Ito yung mga ka team ko nung high school",at ipinakilala nito sa kanya isa isa.

"Talaga? Ito na sila ngayun. Aba't ang suswerte naman nila",bigla siyang tumawa nang malakas na sinabayan naman ni Mark.

Ang apat na lalaki naman ay nagtataka.

"Teka sino ka nga ba miss?",bigla sabi ng isa. Guwapo rin ito. Naalala pa nga niya ito yung parating tulog sa praktis pero ngayon pansin niya ito yung halos ang raming alam sa mundo dahil sa kaingayan nito.

"I'm Bry. Bry Santillan",pakilala niya sa mga ito na may kasamang ngiti sa mga labi. Naramdaman niyang pinisil ni mark ang abaga niya at nag dulot iyon nang kiliti sa katawan niya.

Nakita niyang nagsinghapan ang mga ito.

"Bry? ikaw nga ba iyan? Aba!",at inikutan pa siya nito. Head to foot look pa.

"Ang ganda ganda mo na ! Babae kana talaga bry! Grabe",sabi nito.

Yung tatlo rin ay ganun ang reaksyon. Hanggang sa ihatid siya nang mga ito sa bahay nila. Nagpaiwan si Mark dahil nga may pag uusapan daw sila. At kinakabahan siya dun.

Sa sala naiwan si Mark. Habang siya naman ay pinaghanda ito nang meryenda. Feeling at home ang loko dahil nakialam sa mga magazines at kung ano ano pa.

Pagbalik niya dala ang isang basong juice at cup cake ay nakita niya itong binasa ang magazine kung saan siya ang front cover.

Nag angat ito nang tingin at tiningnan siya nang matiim. Biglang nakaramdam siya nang uneasy. Umupo siya sa harap nito.

"Meryenda ka muna, mark",kiming sabi niya dito.

"Kaya pala parang pamilyar yung mukha mo bes dahil palagi kitang nakikita sa magazine na gaya nito",at itinaas nito ang magazines.

"Pero iba kasi ang pangalan mo dito eh. Margarita?",at ngumisi ito.

Pinandilatan niya agad ito. "Eh sa yan ang gusto ko eh,"

"Maiba tayo bes. Sikat kana talaga at ang layo na nang narating mo. Parang kailan lang ay nangangarap ka pang maging isang modela at sabi mo nga balang araw ay ikaw naman ang makikita dito sa magazine nato",mahabang sabi nito sa kanya.

Ngumiti naman siya dito nang maypagpapasalamat. "Nagsikap kasi ako para maabot ko ang mapangarap ko. Ikaw, parang pareho rin tayo nang buhay ah. Base sa suot mo ngayon ay natupad mo na rin ang pangarap mong maging isang baskitbolista",

Tumawa naman ito pagkasabi niya nang ganun. "To tell you honesly. Hindi ko natupad ang pangarap ko. Isa na lamang itong hobby na ginagawa ko pag walang trabaho. I'm an Architech now. Kaya pag walang project baskitbol ang inaatupag ko with my co team mates dati",anito habang ininom ang juice.

"Wow, nice. Ang galing naman akala ko nga maging isang pulis ka kasi yun naman diba ang gusto mong kurso?",aniya.

Nginitian siya nito. "Dati yun. Napagtanto ko kasing mas preferable ko ang pagiging arketikto and my heart say that this is what ive been waiting for",

Gumanti din siya nang ngiti dito. "I'm happy to hear that",

"Siya nga pala. Dadalo kaba nang alumni kaya ka umuwi dito?",

"Yup at isa pa na mimiss ko narin kasi dito eh",

Na miss niya rin ang ganitong usapan. Yun bang bumalik sila sa dati na parang wlang mga inhibitions sa sarili at walang barriers ? Napasarap ang usapan nila kaya ginabi nang uwi si Mark. Hinatid pa niya ito sa labas.

"See you sa alumni bukas, bes",nakangiting sabi nito. Hindi parin mawala ang mga ngiti nito sa labi simula pa kaninang umaga.

"I will. Ikaw rin ha? Dapat guwapo ka bukas",aniya na tumawa.

"Ako pa? Guwapo naman ako ah. Noon pa",anito na nag poise pa sa harap niya.

"Loko! sige na mag ingat ka sa pag uwi ha?",aniya.

Nabigla siya sa ginawa nito. Bigla lamang itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Dont you know how much I missed you Bry. God knows. And know nandito kana? Masaya na ako. And I have the reason to live",makahulugang sabi nito sa kanya.

Napaisip naman siya. Argh!! 

Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon