NAPAAWANG ang mga labi ni Anthony. Hindi niya akalaing magagawa ni Bry iyon sa kanya. Hindi niya iyon napaghandaan.
Damang dama niya ang sakit na nararamdaman nito. At hindi niya ito masisi. Nasaktan na niya ito. At siya rin naman eh. Nasasaktan rin siya. Oo aaminin niya, totoo yung pinag pustahan nila si Bry pero nagbago iyon.
Napamahal siya dito at totoo iyon. Wala na nga siyang pakialam kung anoman ang sabihin nang mga tao sa kanila basta ang nasa isip lang niya ay ang mahalin ito at wag sasaktan pero nangyari na eh.
Gusto man niyang magpaliwanag ay di niya magawa dahil naging matigas na si Bry. Hindi lang ito ang nasasaktan kundi siya rin. He loves Bry so much. Hindi kasi siya yung tipong more in words dahil siya into actions.
Nanlulumong bumalik na lamang siya sa Gymnasium. Hinanap agad nang mata niya ang pigura ni Bry pero hindi na niya ito makita. Siguro'y hindi na ito bumalik.
Gusto lang naman niyang makipag usap dito para maayos na kung ano ang problema nila.
HINDI na siya bumalik sa praktis. Umuwi na lamang siya para makaiwas dito. Ayaw niyang makita dun sa Anthony dahil nasasaktan lang siya.
Papasok sana siya nang bahay nang mahagip nang mata niya si Mark. Nakatingin ito sa kanya. Napatigil siya. Tiningnan ito.
"Mar---",napahinto siya sa pagtawag dito nang tumalikod ito.
Nasaktan siya dahil dun. Pati ba naman ito paparusahan siya? Nanlulumong pumasok siya sa bahay.
Ang dali nang araw. At ngayon ay Graduation na nila. This is it! Sa wakas natapos na din ang apat na taon niya dito sa paaralang ito. Marami siyang masasayang pangyayari dito at hinding hindi niya iyon makakalimotan.
Kasama na dun si Anthony, kahit man sinaktan siya nito'y hindi niya ito makakalimutan. Siguroy hindi talaga sila para sa isat isa. At tinatanggap na niya iton.
Si Anthony? Hindi na rin nagpaparamdam sa kanya. Siguroy nagsawa na din ito sa kakabuntot sa kanya. At isiping iyon ang nagbigay lungkot sa kanya.
Iyakan ang huling nangyari. Paalam sa isat isa. Nag pangakoan na walang kalimutan.
"Saan ka pala mag aaral, Bry",tanong nang isang kaklase niya.
"Hindi ko pa alam eh. Pero narinig ko sa manila daw ako mag kokolehiyo",aniya dito at nagkibit balikat.
"Wow ha! Wag mo kaming kalimotan ha",sabi naman nang isa.
"Loka! Hindi nuh. May facebook naman eh. Dun na lang tayo magkumustahan",
"So kailan daw ang alis mo?"
"Bukas na ata",nginitian niya ito.
"Wow! ang bilis naman yata",
Tumawa siya. "Kayo saan kayu mag aaral?",tanung niya dito para maiba ang usapan. At habang nag uusap sila'y hinahanap nang mata niya si Antony. Hindi niya kasi nakita ito kanina pa. Kahit ngayon lang sa huling sandali ay makita niya ito.
Hanggang sa matapos ang kanilang Graduation ay walang Anthony na nagpakita sa kanya. Hindi ito dumalo sa Graduation. Nalungkot siya dahil dun.
"Anak, naayos na namin ang mga gamit mo na dadalhin sa manila. Basta mag ingat ka lang dun ha? Hindi puro lakwatsya",ani nang inay niya na nakangiti.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (BoyxBoy) Tagalog Gay Love Story (Completed) Editing
RomanceBOYXBOY GAY BROMANCE LGBT YAOI This story is not a Boy to Girl but instead its more in same sex. I know it's not really what you should to read. But as far as I know LOVE IS EQUAL. You can do critics if you want and I'm willing to embrace it ^_^ ho...