Chapter 14
Hawak ko na 'yung CD ng kanta namin for the competition. Medyo kinakabahan lang ako, ma-ipapanalo ko ba ito? Please Lord! Ipanalo niyo na ako dito, kahit dito lang. Lagi naman akong talo sa puso ni Justin e.
Dahan-dahan akong pumasok sa Principal's Office at masaya kong ibinigay 'yung CD.
"Ma'am, 'eto na po 'yung CD!" masaya kong sabi.
"O', salamat! So, are you ready for the competition?" tanong ni Principal Jenny habang kinukuha 'yung CD.
"Uhm, ready na po," nag-aalinlangan ko pang sagot.
"Well, good to know! See you after two days para sa competition. Good luck! Alam kong mapapanalo niyo 'to," nakangiting saad ni Ma'am Jenny.
O', well. Kasama ko pala si Justin, kami palang mag-asawa ang lalaban dito. Pero actually ako lang talaga dahil songwriting competition lang ito, chos!
Pagkalabas ko ng office ay nakita ko si Gino na naglalakad. Nilapitan niya ako.
"Uy, Sam. Long time, no see ah?" sabi niya paglapit sa 'kin.
"Ano bang pinagsasabi mo? E nakita mo naman ako kanina," irita kong saad.
"Ang taray naman niyo. Sus! Wala e, mas close mo na 'yung Justin na 'yun kaysa sa 'kin e," kunot-noo niyang sabi.
"E ano naman? Ayaw mo ba no'n? Close na kami o'! Dapat maging happy ka for me," aniko at ngumiti.
"Ayoko. Gusto ko ako lang ang close mong lalaki," sabi niya. Sus! Nagpapakilig na naman 'to.
"Bakit? Lalaki ka ba?" pang-aasar kong tanong sa kanya.
"Oo, gusto mo ipakita ko pa 'yung pruweba?" panghahamon naman niya. As if I'm interested, char!
"Che! Ayoko nga," pagtanggi ko.
Tumawa lang siya nang malakas na parang nang-aasar pa.
"Halika na nga, samahan na kitang umakyat. Baka madapa pa 'tong prinsesa ko," sabi niya at hinila na ako paakyat.
Habang umaakyat kami ay nakasalubong namin si Justin. Grabe, ang gwapo niya talaga.
"Hi, Sam," pagbati niya sa 'kin. Nakangiti pa siya. Wala na tuloy siyang mata.
"Hello," pagbati ko naman at dumiretso na siya sa pagbaba.
"Pogi talaga ng chinito ko 'no? 'Kainis," sabi ko nang makalayo na siya.
"Sus! E pinakikilig ka lang naman niyan e, baka gusto lang ng pera?" saad ni Gino na nang-aasar na naman.
"Che! Diyan ka na nga!" sabi ko at binilisan na ang pag-akyat.
"Uy, sorry na!" sabi niya pero inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa pag-akyat.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa likod ko at binuhat ako ng bridal style. Si Gino!
"Hoy! Gino, ibaba mo 'ko! Ang corny mo, pucha! Ibaba mo ako, tigilan mo 'to! Leche ka!" untag ko habang buhat-buhat niya ako.
Nagpatuloy siya sa pag-akyat na buhat ako hanggang sa makarating kami sa classroom. Nang makarating kami sa pinto ng room ay binaba na niya ako.
"Bwisit ka! Ba't mo ginawa 'yun? Nang-iirita ka talaga e 'no?" inis na inis kong bulyaw sa kanya. Ang dulas ng hagdan kaya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!