Chapter 22
Andito na kami sa bahay nina Justin. Gosh! Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit! Ano ba?! Bakit ba ako kinakabahan?! Eh friends lang naman daw muna?! Hayy! Bahala na.
Hinila ako ni Justin papasok ng bahay nila at doon namin naabutan yung Mama niya, ang ganda niya in fairness.
"Ah, Ma! Si Sam nga pala! Siya yung kinukwento kong nakasama ko sa contest!" Pagpapakilala sa akin ni Justin sa Mama niya.
"Ayy! Siya ba yun anak? Nice to meet you hijo! Tita Minerva nalang tawag mo sa akin" Masayang bati sa akin ng Mama niya na agad ko namang tinugunan.
"Nice to meet you din po!" Sabi ko. "Sabi sakin nitong anak ko magaling kumanta tsaka magsulat ng kanta, naku ang talented mo pala!" Biglang hirit naman sa akin nung Mama niya, hmmm, mukhang mabait naman siya eh. "Naku, hindi naman po, marunong lang!" Pa-humble na sagot ko naman. "Naku, sige na, pasok na muna kayo at maghahanda lang muna ako ng makakain at maiinom niyo!" Sabi naman ng Mama niya kaya pumasok na kami sa bahay nila. Naupo muna kami sa sofa at binuksan ni Justin yung flatscreen nilang TV. HAHAHA!
"Mukhang mabait naman pala Mama mo eh..." Sabi ko sa kanya.
"Mabait naman talaga yun, pero ewan ko lang kung matatanggap niya yung tungkol sa atin. Hindi naman niya kasi ineexpect na maiinlove ako sa taong tulad mo." Paliwanag naman niya.
Pagkatapos niyang magsalita ay tinawag niya yung kapatid niyang si James. Ang cute nung kapatid niya, kamukhang-kamukha niya, pero syempre mas pogi yung jowa ko. CHAR!
"Oh, James, siya si Kuya Sam mo!" Kuya talaga?
Tinitigan niya ako sabay ngumiti. "Hi po Kuya Sam!" Ang cute cute! Iuuwi ko toh!
"Ang cute niya Justin! Ilang taon na siya?" Pagtatanong ko.
"11 na, pero mukhang bata parin, ang liit kasi eh!" Sagot naman niya sabay tumawa.
Nakipag-usap sa amin si James na para bang happy family kami CHOS! HAHAHA! Ayun, ang cute cute niya talaga, feeling ko magiging magclose kami ng batang toh. Vibes kasi kami eh, di kaya bakla din toh? CHOS! Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Tita Minerva dala-dala yung tray na may foods at isang pitsel ng juice.
"Oh, magmeryenda muna kayo! Teka nga, ano bang meron Justin? May practice ba ulit kayo?" Mahinahing tanong ni Tita Minerva.
Medyo natagalan din bago sumagot si Justin hindi naman niya pwedeng sabihin gusto niya lang ako ipakilala sa buong pamilya niya, bobo rin kasi nito ni Justin hindi muna nag-isip ng idadahilan, CHOS!
"Ah, eh, wala ma, may ieedit lang kami sa powerpoint, ipepresent na namin kasi bukas!" Wow! Buti naman at nakaisip siya ng palusot. Sana lumusot. Hmmm.
"Ah ganun ba? O sige, kumain nalang muna kayo diyan, inaasikaso ko pa kasi yung mga winawashing ko, o sige ah!" Sabi ni Tita at lumabas siya ulit. After non, ay kumain na kami. Buti nga't hindi ako nilalandi nito ni Justin kundi mahuhuli talaga kami, labas-pasok kasi si Tita. Pagkatapos namin kumain ay niyaya ako ni Justin pumasok sa kwarto ni Lolo Julio. Naabutan namin siyang gising at medyo masigla na nga ein siya di tulad nung dati.
"Lolo..." Tawag ni Justin.
"Oh, apo?"
"Si Sam po oh, naalala mo pa po ba siya?" Sabi ni Justin at hinila ako para makitaa ko ni Lolo Julio.
"Oo naman, kumusta ka na hijo?" Nakangiting tanong sa akin ni Lolo Julio. Agad naman akong lumapit sa kanya. "Ok lang po ako, kayo po? Kamusta na? Mukhang malakas na po kayo ah?" Tanong ko naman. "Naku, mukha lang ako malakas, pero hindi larin ako makalakad atsaka ang dami ko paring nararamdaman na sakit sa katawan. Pero hindi na katulad ng dati na namimilipit ako sa sakit, medyo ayos naman na ang kalagayan ko." Mahabang sagot naman niya. "Mabuti naman po pala, magpalakas pa po kayo para makapagbonding kayo ng mga apo niyo!" Sabi ko naman na ikinangiti niya. "Kantahan mo nga ulit ako hijo..." Naku, napakademanding naman ni Lolo Julio, abusado na! CHAROT! HAHAHA! Dahil sa masunurin akong bata ay kumanta ako. Kinanta ko yung Green, Green Grass of Home. Ewan ko rin eh, ayan na kasi yung pumasok sa isip ko and besides baka magustuhan niya since matagal na yang kanta na yan, for sure naabutan niya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!