Chapter 28
Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Justin.... May pag-asa pa ba? May pag-asa pa bang bumalik sa dati ang lahat?"
Kumawala siya sa yakap at tinitigan ako. "Sam.... Sumuko kasi ako eh." Sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "May girlfriend na kasi ako. Ikakasal na kami." Sabi niya. "Her name is Jade, nakilala ko siya sa China."
Ngumiti ako sa kanya. Alam ko na kasing mangyayari toh eh, alam kong hindi niya kakayaning mag-isa.
"Sam. Sam sorry kung sumuko ako ah? Sorry kung nawalan ako ng pag-asa..." Sambit niya at tumulo muli ang kanyang mga luha.
"Okay lang. Sumuko rin naman ako eh. Hindi ako naghintay. Hindi kita hinintay." Sabi ko at niyakap siyang muli. "Alam mo ba? Yung maikling panahong nagkasama tayo, sobrang saya ko na doon. Yung nakilala kita, yung naging crush kita, yung umiyak ako dahil sayo, yung naging malapit tayo, yung niligawan mo ako? Yun na yung pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko." Sabi ko at umalis sa pagkakayakap sa kanya. "Thank you for inspiring me and for teaching me how to love again. Thank you for being a part of my life...."
"Thank you rin Sam, thank you kasi binago mo ko. Thank you sa lahat! Hinding-hindi ko ikakahiyang aminin sa mundo na nainlove ako sa isang tulad mo!" Tumagos sa puso ko lahat ng mga sinabi niyang iyon. Gusto kong umiyak pero kailangan kong maging masaya para sa kanya. Mahal ko siya at wala na akong mahihiling pa kung hindi ang sumaya siya.
"Jade is very lucky to have you." Sabi ko sa kanya at nginitian siya.
Ngumiti siya at niyakap ako. "Sam, pwede ka bang maging Best Man sa kasal ko?" Tanong niya. I smiled at him at tumango ako. "Yes, pwedeng-pwede."
* * * *
This is the day. Ikakasal na si Justin. Hindi nga lang sa akin, pero okay lang. As long as alam kong masaya siya sa taong makakasama niya, masaya na rin ako. Tanggap ko naman na, siguro nga hindi kami yung para sa isa't-isa.
"Ready ka na?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay niyang makalakad si Jade papuntang sa altar.
"Kinakabahan pa ako, pero ready na." Nakangiti niyang sagot sa akin. Yan na naman yung ngiti niyang nagpabihag sa akin.
"Wag ka ng kabahan, tignan mo nga yung bride mo oh, ang ganda-ganda." Sabi ko sa kanya.
Abot tenga siguro yung ngiti ni Justin hanggang sa makarating si Jade sa altar. Kung ako rin naman, ang ganda-ganda kasi niya.
"Justin, do you take Jade as your wife, your partner in life, and your one true love?"
"I do."
"Jade, do you take Justin as your husband, your partner in life, and your one true love?"
"I do."
Napansin ko yung ngiti ni Justin. Yan yung ngiting madalas niyang ibigay sa akin nung magkasama palang kami, yung ngiting alam kong totoo. Ngayon napatunayan ko ng masaya na talaga si Justin kay Jade, na nagmamahalan silang tunay.
"You may now kiss the bride."
Siguro nga hindi talaga kami yung para sa isa't-isa, baka sadyang dumating lang siya sa buhay ko para maging isa sa mga inspirasyon ko sa pag-abot ng mga pangarap ko. Hindi man kami nagkatuluyan sa huli, alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari yun.
Kung babalikan ko lahat ng mga nangyari sa amin, parang ang bilis-bilis lang ng panahong nagkasama kami. Pero bakit ganun? Parang buong buhay ko sa kanya na nakasentro nung mga panahong yun? Siguro ganun talaga pag nagmamahal, hindi mo namamalayan na naibibigay mo na pala lahat ng time and attention mo sa taong mahal mo. Sobra ko talaga sigurong minahal tong lalakeng toh kaya ganun. Hayyy, mukhang dito na nga natatapos yung love story namin, hindi man naging kami sa huli, it's still a happy ending, kasi pareho kaming masaya at never kong pagsisihang minahal ko tong lalaking toh, I will never be afraid to say that I fell in love with Justin Sy. My first kiss. My first love.
THE END.
* * * *
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!