Chapter 27: Second Chances

6.7K 200 4
                                    

Chapter 27

After ng ilang oras na biyahe ay nakarating din kami sa Pilipinas. Sinabihan ko na sina Miles at Lyn na gusto ko sila ang sumalubong sa amin sa airport, kaya pagkalabas palang namin sa arrival area ay nagsigawan na ang dalawang bruha. Sa sobrang tuwa ko ay napasigaw rin ako, pinagtinginan tuloy ako ng mga tao. Buti nalang at hindi ako nakilala kundi nasa balita na ako ngayon.

"MGA TEEEEHHHH!" Masayang bati ko sa kanila!

"Jusko, hindi na kita mareach! Ang ganda mo na! Ang bango bango mo na!" Eksaheradang bati sa akin ni Miles.

"Oo nga teh! Penge naman ng kahit kaunting yaman dyan!" Hirit naman ni Lyn na ang laki na ng tyan.

"Manahimik ka nga diyan! May kasalanan ka pa sa amin! Akala ko ba walang juntisan na magaganap? Ang laki na ng tiyan mo! Ilang buwan na yan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Manganganak na daw ako next month! Excited na nga ako eh!"

"Naku, pagsabihan mo yan tatay niyan ah! Baka naman hindi ka inaasikaso?!" Payo ko sa kanya.

"Nagbibigay naman yun ng mga needs ko, don't worry!" Sabi niya, "Teka nga? Bakit mo ba ako pinagsasabihan? Diba ikaw may problema dito? Akala ko ba pupunta tayo kina Justin?"

"Oo nga!" Sabi ko, "By the way eto nga pala yung manager ko, si Vince. Tapos si James, kapatid ni Justin!" Pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you!" Sabay nilang bati sa dalawa.

"Oh, tara na! Halika na! Kukuha na ako ng taxi!" Sabi ni Miles.

"Anong taxi? May magsusundo sa atin!" Pagpigil ko sa kanya. "Ganun na talaga pagsikat, may tagasundo!" Biro ko sa kanila.

Pagkarating palang ng sasakyan ay agad ko ng sinabi kung saan kami pupunta. Inuna ko munang puntahan sila Mama sa dati naming bahay para magpakita at ilagay muna yung mga gamit ko doon, pagkatapos ay bumalik na rin naman kami agad sa sasakyan. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay nina Justin. Grabe, parang bumalik lahat ng mga memories. Dito kami huling nagkita. Hindi ko pa rin talaga makalimutan.

"Sige, kuya Sam, ako muna bababa." Paalam ni James. Nakita ko kung gaano kasaya si James na makita ulit yung pamilya niya. Nakwento kasi niya na after niyang mag-highschool ay nagsimula na siyang maging isang DJ sa China. Doon siya nadiscover ng isang founder ng isang record label at kinuha siya bilang isang producer. Simula non ay nahiwalay na siya sa pamilya niya at doon na sa America tumira.

"Teh, hindi ka ba bababa?" Tanong ni Miles.

"Ayoko." Pagtanggi ko. "Baka may galit pa rin sa akin si Tita eh."

Napansin ko nalang na sinenyasan na kami ni James na bumaba at pumasok ng bahay.

"Kuya Sam, pasok na kayo. Okay na yun si Mama." Paliwanag ni James.

Nakakahiya naman kung hindi kami bababa kaya sumunod nalang kami. Medyo kinakabahan nga lang ako pero wala na akong pake, gusto ko ng makita si Justin.

"Hi po Tita!" Bati ko ng makita ko siya pagkapasok palang namin sa bahay.

"Hello Sam! Kamusta ka na? Maupo muna kayo!" Nakangiting sabi naman ni Tita. Naninibago ako sa kanya. Hmmm.

Naupo muna kami sa sofa at pinaghanda kami ni Tita ng meryenda.

"Naku, kuya Sam! Wala pa raw si kuya eh!" Sabi ni James.

"Huh? Saan daw pumunta?" Tanong ko.

"Hindi daw alam ni Mama. Hintayin nalang natin."

Hinintay namin siya pero lumipas na ang ilang oras ay hindi pa rin siya dumadating. Nakakaloka naman tong pagkikita namin. Parang tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkita. Ugh.

"May pupuntahan lang ako ah!" Paalam ko sa kanila.

"Sir, ipagdrive ko na kayo!" Sabi ng driver kong si Jasper.

"Wag na. Ako nalang!" Pagtanggi ko naman.

"Teka kuya Sam! Saan ka pupunta?" Tanong ni James.

"Alam mo na kung saan yun!" Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Pupuntahan ko yung lugar kung saan ko narealize na mahal ko na pala siya. Yung lugar kung saan kami unang nagdate. Yung lugar na tumatak sa puso't isipan ko. Magbabakasakali lang ako na baka nandun siya. Ewan ko, parang may nagsasabi sa akin na puntahan ko yung lugar na yun.

Pagkadating ko dun ay napansin kong walang tao sa bench. Wala siya rito. Pero dahil na rin sa ganda ng lugar ay napababa ako. Umupo ako sa bench at pinagmasdan ang tanawin. Wala pa rin talagang pinagbago. Parang dati pa rin. Bumabalik lahat ng memories sa isip ko, parang gusto kong maiyak.

Ilang minuto yata akong nakatulala doon, hanggang sa may marinig nalang akong boses na nagpatayo sa balahibo ko.

"Pwede ba kitang tabihan?"

Nilingon ko ito at nakita ko yung taong matagal ko ng gustong makita. Yung taong minahal ko ng sobra.

"Justin?" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Walang nagbago sa kanya. Siya pa rin yung chinitong nagpatibok ng puso ko!

"I missed you." Sabi ko at hindi ko na napigilang maluha. "I missed you so much."

"Namiss din kita Sam." Sabi niya. "Sobra!"

Iniupo niya ako sa bench.

"Sorry kung iniwan kita. Sorry kung umalis ako. Sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sam sorry kung hindi ko natupad lahat ng mga pangako ko sayo."

"Sabi mo babalik ka? Sabi mo babalikan mo ako?" Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Bumalik ako Sam. Binalikan kita. Pagkatapos kong makagraduate sa highschool bumalik kami sa Pilipinas. Pinuntahan kita sa bahay niyo pero ang sabi ng lola mo nasa Japan ka na raw, na doon ka na titira." Paliwanag niya at napansin ko nalang na tumutulo na ang kanyang mga luha. "Hindi ko alam ang gagawin ko non. Hindi kita matawagan, hindi kita makausap. Nawalan ako ng pag-asang makikita pa ulit kita." Sumandal siya sa bench at tinitigan ang mga ulap.

"Akala ko dati Sam magiging madali lang ang lahat. Pero hindi eh. Ang hirap palang mabuhay ng wala ka Sam." Pinunasan niya ang mga luha niya. "Nung nalaman kong natupad mo na lahat ng mga pangarap mo naisip kong masaya ka na, na baka nakalimutan mo na ako, na baka nakamove on ka na sa lahat ng mga ginawa ko."

"Oo. Masaya ako. Masaya ako kasi natupad ko na lahat ng mga pangarap ko. Pero iba pa rin yung saya ko pag kasama kita eh. Mas masaya ako pag kasama kita" sabi ko at pinunasan ang mga luha ko. "At hindi ko ipagpapalit yun sa kahit anong yaman at kasikatan meron ako ngayon. Kasi hindi ko rin naman makukuha lahat ng yun kung hindi dahil sayo. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat Justin. Ikaw."

Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Justin.... May pag-asa pa ba? May pag-asa pa bang bumalik sa dati ang lahat?"

* * * *

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon