Chapter 10: Baks and Gwaps

10K 272 11
                                    

Chapter 10



Sam's POV



Nagising ako sa loob ng bus na 'yung ulo ko ay nakapatong sa balikat ni Gino.



"Ah, e, Gino, sorry," saad ko at inialis ang ang ulo ko sa balikat niya.



"Okay lang, cute mo nga matulog e," sabi niya at tumawa.



"Gago! Tumulo ba laway ko?"



"Hindi naman," sagot niya at tumawa muli.



Sakto naman din na paggising ko ay nandoon na pala kami sa school. Pagkababa namin ng bus.



"O, sige na mga 'te, uwi na 'ko ah? Ingat kayo!" paalam ko sa kanila.



"Sige 'te, mag-ingat ka ah? Gabi pa naman, baka madali ka d'yan!" birong saad ni Miles.



"Oo na! Sige mga 'te, mag-ingat kayo sa pag-uwi! Bye!" sabi ko at aalis na sana pero may humila sa braso ko.



"Ah, Sam, hatid na kaya kita?" sabi ni Gino na ikinakilig ko nang slight.



"Huh? Naku, ang sweet mo naman Gino, 'kaloka ka! Hindi na, okay na akez, kaya ko naman. Umuwi ka na lang din, mag-ingat ka rin ah?" saad ko na lang.



"Ikaw ang mag-ingat!" sabi niya at tumawa. "Sige na, bye!" pahabol niya at ginulo ang buhok ko.



Naglakad na lang ako pauwi tutal malapit lang naman ang village namin sa school. Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Mama.



"O, Sam, 'musta ang field trip?" salubong na tanong sa 'kin ni Mama.



"Keri lang naman! Daming happenings, saya!" nakangiting sagot ko.



"O siya, sige, magbihis ka na at kumain," sabi niya at umakyat na ako sa kwarto.



Doon ko naalala na nagsorry nga pala kanina sa 'kin si Justin. Ano kaya nakain no'n? Natauhan na kaya talaga siya? Sana totoo 'yung eksenang 'yun kanina at hindi echos lang.



* * * *



"Baby Baks! Baby Baks!" sigaw ni Gino dahilan para ikalingon ko.



"Huh? Ako ba 'yun?" tanong ko sa sarili ko habang papalapit sa 'kin si Gino.



"Ang hirap mo naman hanapin Baby Baks!" hingal na saad niya.



"Anong Baby Baks? Sino 'yun?" pagtataka ko.



"Simula ngayon, ang tawag ko na sa 'yo ay Baby Baks."



"Ano?! Kailan pa tayo nagkaroon ng call sign?" untag ko.



"Ngayon. Kaya simula ngayon, ang tawag mo na sa 'kin ay Baby Gwaps!"



"Ano na naman ba 'to?!" galit na tanong ko. "Pinagtitripan mo na naman ako Gino e!"



"Hindi kita pinagtitripan, gawin mo na lang, please?" sabi niya habang nag-papacute.



"E, bakit nga?"



"Kasi gusto ko."



"Ewan ko sa 'yo! D'yan ka na nga!" pagsusuplada ko at naglakad na palayo.



I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon