Chapter 5
Sam's POV
P.E. Class kaya na sa court kaming lahat kasama ang kabilang section. Hinihintay ko pang tawagin ako para maglaro sa volleyball dahil graded ang paglalaro namin nito. Habang naghihintay ay pinapanood ko si Justin maglaro ng basketball. Ang pogi niya talaga kahit pawis na pawis na siya, nakakatulala.
Bigla na lang dumilim ang paligid at tanging siya na lang ang nakikita ko. Justin Sy, please, mahalin mo rin ako.
"Sam!" rinig kong sigaw ng isang lalaki dahilan para mabasag ang daydreaming ko. Doon ko nalang naramdaman na may mabigat na bagay na tumama sa ulo ko dahilan para magdilim ang paningin ko at mawalan ako ng malay.
Naramdaman kong may bumuhat sa 'kin at inihiga ako sa isang platform.
"Sam, okay ka lang ba?" rinig kong tanong ng isang lalaki dahilan para idilat ko ang mga mata ko.
Pagdilat ko ay nakita ko si Justin na unti-unting inalalapit ang mukha niya sa 'kin. Hindi ko alam ang gagawin niya, ang alam ko lang ay kaharap ko siya.
"Sam," sabi niya at hinawakan niya ang pisngi ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napapikit na lang ako.
Nang maramdaman ko ang hininga niya ay muli kong iminulat ang mga mata ko.
"Sam? Ayos ka lang ba? Saan masakit?!" tarantang tanong sa 'kin ni Gino. Hallucinations lang naman pala ang lahat, akala ko totoo na.
"Sam? Okay ka lang?" muling tanong sa 'kin ni Gino habang tinatapik ako. Inilalayan niya ako para makatayo.
"Ah, oo. O-o-okay na ako, maglaro ka na do'n ulit," sabi ko habang hinahawakan ang kumikirot kong sentido.
"Sigurado ka? Dalhin na kita sa clinic?"
"Okay na ako Gino, 'wag mo na 'yung isipin," sabi ko at nginitian siya.
"Sigurado ka ah? Sige," sabi niya at muling bumalik sa laro nila.
Agad naman akong nilapitan nina Miles at Lyn.
"Uy, 'te, okay ka lang?" tanong ni Miles.
"Oo, okay lang ako, sino ba 'yung nakatama sa 'kin ng bola?" Tanong ko sa kanila habang hawak-hawak pa rin ang sentido ko.
"Actually, si Justin pa 'yung nakatama sa 'yo. Gago nga 'yun e, parang wala man lang pakialam, naku, 'wag mo na ngang i-crush 'yan," sabi ni Miles at tumingin ng masama kay Justin.
Masakit man isipin na hindi man lang siya nag-sorry pero wala ako magagawa. Pakiramdam ko ay nararamdaman na rin niyang may gusto ako sa kanya kaya binabaliwala niya na lang ako. Bakit kasi sa isang straight pa ako nagkagusto? 'Kainis na buhay 'to oh.
* * * *
Habang tumatambay sa kubo ng school namin ay tinawag ako ni Teacher Mark.
"Sam!" pagtawag niya sa 'kin.
Agad ko naman siyang nilingon at sumunod sa kanya.
"Sir, bakit po?" tanong ko nang makapasok kami sa faculty.
May kinuha siyang mga papel sa table niya at ibinigay ito sa 'kin.
"Ah, Sam, hindi naman talaga kami obligado na ipakita sa mga estudyante ang grading sheet pero kasi napapansin ko, bumababa na ang mga grades mo," sabi niya habang tinignan ko pa rin ang grades ko. "Sam, are you in love na ba?" pahabol na tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"P-p-po?" nauutal kong tanong.
"Look, naiintindihan kita pero sana ay bago ang boys ay books muna," sabi niya habang itinuturo ang librong hawak niya. "Don't let Justin ruin your grades Sam, you deserve someone better, pero 'yung someone na 'yun, darating 'yun pag may degree ka na," sabi niya at nginitian ako.
"Paano niyo po nalaman?" pagtataka ko.
"Naririnig ko lang," sabi niya at tumawa. "Okay, maybe I should call you, Mr. Sy from now on?" natatawang sabi niya pa. Ano ba 'to? Sabi niya books before boys pero ginaganyan niya ako.
"Ah, e, sige po, gagalingan ko na po ngayong grading, sige po," sabi ko at nahihiyang lumabas ng faculty room. Mukhang kalat na kalat na nga ang kalandian ko. Lagot! Paano na lang kaya pag nalaman ni Justin? Baka kung anong gawin no'n sa 'kin.
* * * * *
"Sam, si Justin nga pala," nakangiting sabi ni Paul sa 'kin nang makasalubong ko silang dalawa ni Justin.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy-tuloy na sa paglalakad pero bigla akong hinila ni Paul.
"Uy, teka lang Sam, ayaw mo bang makipagkilala kay Justin?" nang-aasar na tanong ni Paul habang hawak-hawak ang braso ko.
"Paul, ano ba?" reklamo ko habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nakita kong nakatingin si Justin at magkasalubong na ang kilay.
"Tara na nga 'tol, hindi naman ako interesado e," sabi niya at hinila paalis si Paul.
Matagal bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Alam na siguro niya, alam na siguro niya na may gusto ako sa kanya. 'Eto na nga ba 'yung sinasabi ko e, 'yung paglayo niya at pag-iwas niya, unti-unti niya akong pinapatay. Sabihin niyo ng OA at mababaw pero wala nang mas sasakit pa do'n.
* * * *
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!