Chapter 7: Realizations

8.8K 307 9
                                    

Chapter 7


Sam's POV



Pagkapasok ko pa lang ng room ay hinatak na ako ni Gino.


"Aray ko, Gino ano ba?!" inda ko sa kanya pagkatapos niya akong hilain palabas.


"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'yung nangyari?!" galit na tanong niya sa 'kin na ikinataka ko.


"Huh? Anong sasabihin ko?"


"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'yung ginawa sa 'yo ni Justin ha?!" galit niyang tugon.


Hinila niya ako papunta sa hagdan kung saan walang makakarinig sa 'min.


"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin agad?!" Tahimik niyang sabi pero ramdam ko sa tono ng boses niya na galit siya.


"S-s-sino nagsabi sa 'yo?" nauutal kong tanong dahil nagugulahan na rin ako sa mga nangyayari.


"Sagutin mo muna 'yung tanong ko! Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?" sabi niya at hinawakan ang braso ko.


"Bakit? May magagawa ka ba? Wala ka namang pake sa 'kin 'di ba? Ang alam mo lang naman ay asarin ako at bwisitin ako araw-araw! Wala ka namang ibang ginawa kung 'di 'yun lang!" inis na sabi ko sa kanya at inalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko.


Nakita kong nag-iba ang pinta ng mukha niya at ngumisi.


"Ang alam mo lang gago ako! Pero 'di mo lang alam Sam, hindi mo lang alam!" sabi niya na ikinataka ko.


"Ang alin?"


"Hindi mo alam kasi manhid ka!" sabi niya at naglakad na papalayo.


Hinintay kong magsink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Ako, manhid? Ano bang problema no'n? Sinasabi ko lang naman 'yung totoo sa kanya. Lalamig din siguro ulo niya mamaya.


Gino's POV


Hindi ko dapat sinigawan si Sam. Hindi ko dapat ginawa 'yun sa kanya. Ewan ko ba? Nadala siguro ako sa mga sinabi niya. Aaminin ko, kasalanan ko naman lahat, kung matagal ko nang sinabi sa kanya 'yung nararamdaman ko hindi na niya siguro iisipin na 'yung mga ginagawa ko ay biro lang. Nasasaktan lang ako, ayoko siyang nakikitang umiiyak.


No'ng nalaman ko 'yung nangyari ay agad kong hinanap si Justin para kausapin. Naabutan ko siyang naglalaro mag-isa sa court.


"Justin, mag-usap nga tayo, ano bang kasalanan sa 'yo ni Sam?" tanong ko sa kanya.


Hindi siya nakasagot agad. "Ah, e, Gino, hindi ko naman intensiyon 'yun," sagot niya.


"Alam mo ba kung gaano ka pinahahalagahan no'ng tao? Alam mo ba kung gaano ka niya gustong mapasaya?" tanong ko habang pinipigilan ang sarili ko sa galit.


"Hindi mo kilala si Sam, iba siya sa iniisip mo!" sabi ko at iniwan siya.


Bakit ba kasi nagpapakatanga si Sam sa lalaking 'yan? Nandito naman ako, hinding-hindi ko siya sasaktan. Pangako 'yan.


* * * *


Sam's POV


Mag-isa akong naglakad papuntang canteen dahil hindi sumama 'yung dalawa. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Justin. Nagkatinginan kami. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.


Pagkapasok ko ng canteen ay nadatnan ko si Gino na mag-isa. Siguro galit pa rin siya sa mga sinabi ko kanina. Ayoko pa naman ng may nagagalit sa 'kin, sobrang bigat sa dibdib.


"Gino, sorry na, sorry na sa mga nasabi ko kanina," paghingi ko ng tawad sa kanya.


Inirapan niya ako. 'Yung irap na badboy, 'yung irap na pogi.


"'Eto naman inirapan pa ako, sorry na kasi! Nadala lang naman ako kanina pero okay na ako, wala na akong pake sa lalaking 'yun," muli kong pangungulit habang inaalog siya.


"Oo na, sige na," nakangiting saad niya.


"Yehey!"


"Sure ka, okay ka na?" tanong niya.


"Oo naman," maikling sagot ko naman.


"Halika nga dito," sabi niya at hinila ako paupo sa harap niya. "Papisil nga," sabi niya at madiing pinisil ang mga pisngi ko.


"Aray!" inda ko habang hinahawakan ang namumula kong pisngi.


"'Wag mo nang pansinin 'yung lalaking 'yun ah?" biglang singit niya.


"Oo na, wala naman akong mapapala do'n e," tugon ko.


"Wala talaga," sabi niya at ngumiti nang nakakainis.


"Pero, salamat Gino ah? Kasi, kahit binibuwisit mo ako araw-araw ay may malasakit ka pa rin pala sa 'kin."


"Sus, wala 'yun, prinsesa nga kita 'di ba?" banat niya ulit at ngumisi.


"Tigilan mo na nga ako sa mga banat mo na 'yan, pag ako na-fall ah."


"E 'di sasaluhin kita," saad niya at ngumiti na naman nang nakakaloko. Isa pa talaga, mahuhulog na ako, charot!


"Che! Halika na nga, hinahanap na tayo siguro sa room!" pagyaya ko sa kanya at umalis na ng canteen.


* * * * * * *

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon