Chapter 25: I'm Yours

6.5K 202 19
                                    

Chapter 25

Agad akong nagbihis at umalis ng bahay. Natataranta ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para akong hihimatayin. Ang daming gumugulo sa isip ko pero ang tanging alam ko lang ay kailangan kong puntahan si Justin.

Pagkababa ko palang sa plaza ay nakita ko na ang mga taong nagkukumpulan. Nilapitan ko iyon dahil baka nandun si Justin. Pinausog ko ang mga tao para makapasok pero laking gulat ko ng makapunta ako sa dulo ay wala akong nakita. Narinig ko nalang na may pumalakpak at dun nagsimula kumanta ang mga tao.

"Well, you done done me and you bet I felt it

I tried to be chill but you're so hot that I melted

I fell right through the cracks

Now I'm trying to get back..."

Hindi ko alam ang mga nangyayari. Ang gulo ng isip ko, ano ba toh? Nasaan ba si Justin?

"Before the cool dawn run out

I'll be giving it my bestest

And nothing's gonna stop me but divine intervention.

I reckon, it's again my turn

To win some or learn some."

Ang nagsimulang magpalapakan ang mga tao habang ako ay tulala at wala pa ring kaalam-alam sa mga nangyayari. Bigla ko nalang na naramdaman na may humila na sa akin patalikod. Doon ko nalang nakita si Justin na may hawak na bouquet. OHMO! Ano toh?

"But I won't hesitate

No more, no more.

It cannot wait,

I'm yours."

Narinig ko nalang na naghiyawan na ang mga tao. Unting-unti siyang lumapit sa akin at ibinigay yung bouquet at chocolates sa akin.

"Happy Monthsary Sam! I love you!" Sabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na mesherep.

"Sinadya kong magalit-galitan sayo para mabwisit ka sa akin. Ang galing ko noh?" Pang-aasar niya sa akin habang nakayakap parin ako sa kanya.

"Kainis ka! Hindi ka nagsasabi! Pinag-alala mo ako! Tanginamo!" Sabi ko at bigla siyang kumawala sa yakap ko.

"Aba namura mo pa ako?! Nag-effort na nga ako eh!" Sabi niya sabay tumawa.

"Gago!" Sabi ko. "Pero thank you ah! Happy Monthsary! Nasurprise ako! I love you!" Pahabol ko pa.

"I love you too!" Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi na ikinagulat ko. Yun yung first kiss ko Ma'am Charo. Sa taong mahal ko pa! Gosh! Take me Lord!

"Sorry, hindi ko na kasi napigilan eh!" Sabi niya sa akin. "Okay lang! Gusto mo ulitin mo pa eh, yung torrid ah?" Pagbibiro ko.

Ngumiti siya at niyakap akong muli. It was surreal.

"So I won't hesitate

No more, no more.

It cannot wait,

I'm sure.

There's no need to complicate.

Our time is short.

This is our fate,

I'm yours."

Pagkatapos nilang kumanta ay nagpalakpakan sila. Grabe, parang sa movie ko lang toh napapanood, hindi ko aakalaing mangyayari toh sa akin. KILIG MUCH!

* * * *

Pagkatapos ng mga pangyayari ay ipinakilala ako ni Justin sa mga friends niya.

"Ah siya nga pala Sam, sina Bryce, Ram, at Luis! Sila yung tumulong sa akin para masagawa yung surprise." Pagpapakilala niya sa kanila.

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon