Chapter 4: "Heaven"

11.5K 317 6
                                    

Chapter 4


Justin's POV


Umuwi akong may pasa sa mukha kaya sinalubong ako ni Mama ng sermon.


"'Di ba sabi ko naman sa 'yo?! 'Wag na 'wag kang makikipag-away! Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo 'yan?! Hindi ka pa rin ba natututo?!"


Hindi ako makapagsalita. Wala rin naman akong sasabihin. Syempre, 'pag si Mama na ang nagsalita, hindi ka na makakasingit pa.


"Tatawagan ko ang papa mo nang malaman niya 'yang mga kalokohan mo at mapagsabihan ka!" galit na sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Umakyat na lang ako at pumasok sa kwarto.


Si Papa na naman? Halos hindi na nga niya kami kinakamusta, puro na lang siya trabaho. Chinese kasi kaya gano'n na lang siya ka-focus sa trabaho niya, sa sobrang focus niya naman ay nakalimutan na niya 'yung pamilya niya. Ang hirap namang magalit sa kanya dahil siya ang pa rin ang tatay ko at higit sa lahat ay siya ang nagpapaaral sa 'kin. Ano pa bang magagawa ko?


"Kuya!" rinig kong tawag sa 'kin ng kapatid ko.


"O, bakit James?" tanong ko naman sa kanya paglapit niya.


"Bakit ka may pasa?" tanong niya habang turo-turo 'yung malaking pasa sa mukha ko.


"Ah, e, wala 'to, nagkapikunan lang kami no'ng kaklase ko pero okay na 'ko," paliwanag ko sa kanya.


"Naku, 'wag mo na 'yan ulitin para hindi na magalit si Mama,"


"Oo sige, hindi na 'to mauulit," nakangiting sabi ko sa kanya at niyakap siya.


"Alam mo Kuya, dapat talaga magkaroon ka na ng girlfriend e," sabi niya na ikinatawa ko.


"Huh? Bakit naman?"


"Para may magbabantay sa 'yo at sa mga ginagawa mo," bigla naman akong napaisip sa sagot niya.


"Aba, may alam ka na tungkol sa mga ganyan ah, baka unahan mo pa ako," sabi ko at ginulo ang buhok niya.


"Totoo ang sinasabi ko 'no, kaya dapat talaga magkaroon ka na ng girlfriend," sabi niya at umalis na sa kwarto.


Girlfriend? Oo marami akong babaeng nagugustuhan pero parang hindi pa ako handa magka-girlfriend, parang ang hirap at ang complicated kasi.


Sam's POV


'Buti na lang talaga at binalik ni Gino 'tong keychain. Bigay kasi 'to sa 'kin ng lolo ko na sobrang bait at tanggap 'yung pagiging bakla ko. Sa tuwing suot ko 'to, pakiramdam ko nandyan lang siya, binabantayan at ginagabayan ako. Sobra namimiss ko na siya. Sana masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.


Kinuha ko 'yung notebook ko at muli kong itinuloy 'yung kantang isinusulat ko. Pwede na kaya 'to? "Heaven" ang title niya and it's a ballad song. Magugustuhan kaya nila 'to? Kailangan ko talagang galingan para sa school at syempre para kay Justin, siya pa naman ang inspiration ko dito. Landi ko talaga.


* * * * * *


"Ah, Sam, how's your song? May naisulat ka na ba?" pagsalubong sa 'kin ni Teacher Fergie pagkapasok pa lang ng gate.


"Ah, e, opo, meron na," nakangiting sagot ko kahit hindi pa naman tapos 'yung kanta.


"Gano'n ba? Galingan mo, suportado ka namin!" masayang sabi ni Teacher Fergie sa'kin.


I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon