Chapter 24: ❤️

5.9K 184 20
                                    

Chapter 24

Halos mag-iisang buwan ng hindi pumapasok si Gino. Nag-aalala na rin ako kasi palaging nakapatay yung phone niya sa tuwing tinatawagan ko siya. Ano na kayang nangyari sa mokong na yun? To be honest, namimiss ko na siya. Wala ng nangtitrip sa akin, wala ng nang-aasar kahit most of the time ay bwisit ako sa pang-aalaska niya.

"Puntahan ko na kaya siya?" Tanong ko kina Miles na alam na lahat ng mga pangyayari.

"Ay nako teh buti naman naisipan mo yan. Go for it!" Kampanteng sagot naman ni Miles.

"Hindi naman siguro magagalit si Justin kung gagawin mo yun!" Sabi naman ni Lyn.

"Omg! Speaking of Justin, diba monthsary niyo na bukas?" Masayang tanong ni Miles. Oh yes I know, mag-iisang buwan na pala kaming naglalandian.

"Alam ko nga. Kaya lang, magkaaway kami." Malungkot kong sagot.

"Asus, first LQ na ba itey? Ano bang pinag-awayan niyo?" Echoserang tanong ni Miles.

"Ewan ko sa kanya. Bigla nalang siya nagalit at hindi namansin, pati nga dito sa school hindi niya ako pinapansin. Nakakainis!" Reklamo ko.

"Sus. Arte arte niyo magbabati rin naman kayo mamaya." Eksena naman ni Miles.

Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango. Habang kumakain ng favorite kong chichirya ay nagring yung phone ko. Chineck ko yung phone at chineck ko kung sino yung tumatawag. Number lang pero sinagot ko pa rin.

"Hello? Sino po ito?" Tanong ko.

"Sam, pumunta ka ng bahay mamayang uwian. Si Gino toh." Sabi nung tumatawag na ikinalaki ng mga mata ko.

"Huh? Bakit? Hello?!" Sunud-sunod kong tanong kay Gino.

"Basta!" Sabi niya at binaba yung phone. "Hello? Hello?" Pahabol kong tanong pero talagang pinatay niya na yung tawag.

"Sino yun teh?" Sabay na tanong sa akin nina Miles at Lyn

"Uhmmmm. Si Gino raw. Pinapapunta nga ako ng bahay nila mamayang uwian."

"Naku! Alam ko na yan! Ipapapatay ka niya. Gigilitan ka niyan ni Gino!" -Miles

"Oo nga! Gaganti siya sayo! Kasi ang manhid-manhid mo!" -Lyn

Echosera tong mga toh. Mga kaibigan ko ba talaga toh?! Inirapan ko nalang sila at nagpatuloy nalang sa pagsubo ng chichirya.

Buong araw akong hindi pinansin ni Justin. Kahit nung uwian. Ewan ko ba? Ang sabi ko lang naman ay gusto ni Mommy mag-college ako sa Japan tapos bigla na siyang nag-inarte ng ganyan. Hindi naman mangyayari yun dahil ayoko dun, mahihirapan ako. Ewan ko ba? Baka sandali lang talaga tong pag-iibigan namin CHAR!

Dahil wala naman akong gagawin ngayon ay mas pinili kong sundin yung sinabi ni Gino. Wala naman sigurong masama? Gusto ko na rin kasing magsorry sa kanya at makausap siya ng maayos. Pagkadating ko palang sa harap ng bahay nila ay naabutan ko na si Gino na nakaupo sa terrace nila. Nakabihis siya at napansin kong may maleta sa harap niya.

"Gino..." Mahinang pagtawag ko. Ngumiti siya sa akin at binuksan ang gate para makapasok ako. "Gino, aalis ka?" Tanong ko nang makapasok ako. Pinaupo niya muna ako bago siya tuluyang sumagot. "Ngayon ang flight namin papuntang States. Kukunin na kami ni Papa." Sagot niya na ikinalungkot ko. Ewan ko kung bakit?

"Huh?" Pagtataka ko.

"Pinapunta kita dito para magpaalam sayo. Sorry Sam ah? Sorry kung naging torpe ako sayo, dahil tuloy sa katorpehan ko nasigawan pa kita. Sorry." Sabi niya.

"Ano ba? Ako nga dapat ang magsorry sayo eh, ang dami kong kasalanan. Aaminin ko na, naging manhid nga ako. Sorry Gino ah. Sorry kung naging manhid ako." Pagpapatawad ko naman.

Nginitian niya ako. "Halika nga dito!" Sabi niya at inakbayan ako. "Basta pag may problema ka andito lang ako ah? Kahit ano pa yan! Handa ako makinig." Sabi niya sabay ginulo yung buhok ko. "At kung sakali rin naman ma-fall out of love ka. Andito ako Sam, handang saluhin ka." Banat niya pa sa akin sabay tumawa.

"Wait, andyan na yung taxi!" Sabi niya nang may tumigil na taxi sa tapat ng bahay nila. "Ma! Andyan na yung taxi!" Tawag niya kay Tita. "Oo anak, sandali lang!" Rinig kong sagot ni Tita.

Tumayo na si Gino at dinala na yung maleta nila sa compartment. Nakita kong lumabas na rin si Tita na sinalubungan ako ng matamis na ngiti. "Sam, mag-iingat ka rito ah!" Sabi ni Tita sa akin at pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Bago pumasok si Gino ay niyakap ko muna siya. "Mag-iingat ka dun ah?" Ewan ko pero bigla nalang akong naluha. "Mamimiss kita, Baby Gwaps!" Pahabol ko pa sabay pinunasan yung mga luha ko.

"Mamimiss din kita Baby Baks!" Sabi niya. "Wag ka ngang umiyak! Baka umasa akong may gusto ka sa akin niyan!"

"Siraulo! HAHAHA!" Sabi ko sabay hampas sa kanya. "Sige na, pumasok ka na sa sasakyan!" Utos ko naman.

"Babay Baks! Mamimiss kita!" Paalam niya pagkapasok ng sasakyan.

"Mamimiss din kita Gwaps! Ingat kayo ha?!" Sabi ko at umandar na ang sasakyan. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot, siguro kasi naging malapit sa akin si Gino. Marami-rami rin akong natutunan sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay. Sana bumalik pa siya rito.

Pagkauwi ko ng bahay ay naabutan ko si Destiny na nanonood ng tv.

"Des, sila Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Wala sina Mommy umalis kasama sina Mama, naggrocery yata." Sabot niya na hindi man lang ako hinarap sa sobrang busy kanonood. One More Chance ang pinapanood ng gaga. Hmmm. Napaupo nalang ako at nakinuod nalang din. Chineck ko muna yung phone ko at wala pa rin ni isang text mula kay Justin, ano ba? Tapos na ba kami? No please. Wag naman sana. Bukas pa 1 month namin, ayokong magkaroon ng relationship na hindi tumagal ng isang buwan CHAROT!

* * * *

Nagising ako sa ingay ng phone ko. May tumatawag pero number lang. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello? Sino toh?" Mahinahon kong tanong.

"Hello Sam?! Si Bryce toh! Pumunta ka ng plaza ngayon! Si Justin nasagasaan!"

Biglang nagising ang buong diwa ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi pwede toh.

* * * *

Author's Note: Short update po! Tinitipid ko po kasi! HAHAHAHAHA! Don't forget to vote and comment po! LOVE YOU PO!

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon