Chapter 17
Sam's Point of View
*RIINNGG*
Nagising ako mula sa aking bonggang pagkakatulog dahil nagriring ang cellphone ko. Agad ko itong chineck at sinagot.
"Hello?" Bati ko
"HELLO?! SAM?! PUMUNTA KA NA DITO! INAAYOS NA NAMIN YUNG BOOTH! IKAW NALANG KULANG! LATE KA NA!" Bulyaw ni Miles na nagpagising sa buong diwa ko. Kaya agad kong tinigil ang tawag at nagmadali ng pumasok ng CR para maligo. Isa nga pala ako sa magfafacilitate nun, LECHE!
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at sinuot ko yung pinaka-bongga kong damit at nagpaganda muna bago nagpaalam kay Mommy. After ng ilang minutong biyahe ay nakarating din ako sa venue. Pagkapasok ko ay agad akong binungangaan ni Miles na akala mo eh school administrator kung magalit.
"KANINA KA PA NAMIN HINIHINTAY! ANO?! TULUNGAN MO NA SI BRACE DUN SA PAGPINTURA NUNG KULUNGAN!"
Hindi nalang ako nagsalita at tinulungan nalang si Brace sa pagpipintura nung kulungan na gawa lang naman sa styrofoam. At talagang umeffort sila dito ha? May pintura pa.
"Ayan kasi, dami mo kasi landi." Sabi ni Brace na first crush ko kasi ang pogi kaso ang dami na niyang naging girlfriend kaya 0% talaga ang chance ko sa kanya. Makalaglag panty pa naman ang mga ngiti niya.
"Nalate lang ako ng gising, hindi ako lumandi. Hindi ako tulad mo!" Banat ko sa kanya
"WOW!" Sabi niya at pinagpatuloy nalang ang pagpipintura.
Ang aga naman nitong mambwisit. Leche naman oh!
"Sam! Tulungan mo nga ako dito!" Sigaw ni Gino. Lumingon ako para hanapin siya at nakita ko siyang pinipinturahan yung pangalan ng magiging booth namin.
"Patulong naman oh" Pakiusap niya ulit. Tinignan ko muna si Brace at mukhang kaya niya naman tapusin yan ng mag-isa lang siya kaya lumapit nalang ako kay Gino.
"Ano ba yon?" Tanong ko
"Tulungan mo nga akong iangat toh, ang bigat eh!" Jusko, sa babae pa talaga nagpatulong CHOS! Hahahahaha! Bet ko rin naman!
Dahan-dahan naming inangat yung plywood kung saan nakalagay ang "JAIL BOOTH" in bold letters na rainbow color HAHAHAHAHA! Medyo mabigat nga kaya nagpagewang-gewang ako habang naglalakad. Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Gino na ikinabulabog ng inosente kong pag-iisip.
"SAAAAAAAMMMMM!"
Dahil dito ay nabitawan ko yung plywood at napahiga siya sa sahig. OMG! I'm so stupid!
"GINO! ANO NANGYARI?! OKAY KA LANG?! GINO?!" Nag-aalala kong tanong sa kanya
Matagal siya bago nakapagsalita.
"MUNTIK NA!" Sabi niya
"Huh? Anong muntik na?" Pagtataka ko
"Muntik na.... Muntik na kitang mahalin" Sabi niya at ngumiti. Leche tong gagong toh! Hindi nagsasabi! Kainis!
"Gago ka! Akala ko kung ano nangyari sayo! Peste ha!" Pagtataray ko pero deep inside ay ginusto ko naman HAHAHAHAHAHA!
Tumawa siya ng malakas na parang gago. Baka sabihin na naman ni Miles ay puro ako landi at hindi ko matapos-tapos yung gawain ko dahil sa kalandian ko, si Gino kese eh, nekekeenes, negpepekeleg.
"Mabuti ng ako lang ang nilalandi mo kaysa ibang lalaki Baby Baks!" Tumayo siya at ginulo ang buhok ko, napangiti tuloy ako. #MalandingBakla
"Wag kang ngumiti ng ganyan Baby Baks... Kinikilig ako...." Sabi niya at umalis. Leche! Trap ba toh? HAHAHAHA! Kasi kung trap toh handa akong magpahuli, CHAR! Hahahaha!
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!