Chapter 12
Sam's POV
Dumaan ang mga araw na lagi na akong nililibre at ginagala ni Justin. Ewan ko ba? Kinikilig ako palagi 'pag magkasama kami, para kaming mag-syota sa daan. Charot! Halos hindi ko na nga makasama 'yung mga kaibigan ko dahil sa kanya. 'Yun, lagi na kami doon tumatambay sa may bench na kita mo 'yung city lights at sunset, lagi niya akong dinadala doon. Naguguluhan na nga ako sa nararamdaman ko e, pakiramdam ko bumabalik 'yung feelings ko sa kanya.
Habang nagiging malapit na kami ni Justin sa isa't-isa ay palapit din nang palapit ang competition, Diyos ko! 'Eto na 'yung araw kung saan ibibigay ko 'yung entry ko. 'Eto na talaga 'yon!
"Ah, goodmorning po Ma'am! 'Eto na po pala 'yung entry ko para sa competition," mahinahon kong saad pagkapasok ko ng office.
"Uhm, are you sure about this Mr. Chua? 'Eto na ba talaga 'yung winning entry mo?" tanong ni Principal Jenny pagkatanggap ng papel.
"Yes po Ma'am! I'm one-hundred percent sure na po about my entry!" nakangiting tugon ko.
"Well, good luck to you and congratulations in advance!"
"Thank you po," saad ko at ngumiti.
Habang naroon ako ay may nagbukas ng pinto. Nilingon ko ito at nakita ko si Justin. Why? Anong nangyari? Napabugbog na naman ba siya?
"Ma'am, pinatawag niyo daw po ako?" tanong ng asawa ko este ni Justin pagkapasok.
"Ah, yes. Mr. Sy, I want you to meet Mr. Chua, but I know magkakilala na kayo dahil lagi naman namin kayong nakikitang magkasama," pag-iintriga ni Principal at kinindatan pa ako. Jusko!
"Sa competition kasi na ito ay kailangan may instrumental at mismong recording 'yung entry na song. Since Mr. Sy is very good at playing instruments, I want him to do the instrumentals," dugtong pa ni Principal Jenny.
"Po?" gulat na tanong ni Justin. Halatang kinakabahan at nag-aalinlangan siya, hindi siguro siya sanay sa mga ganyan.
"Mr. Sy, it's for our school. 'Pag nanalo kayo dito hindi lang karangalan sa school 'yon, kung 'di pati na rin sa inyo. And I heard 'yung mananalo daw na song ay may chance na ma-play sa mga local radios dito sa Pilipinas! O, 'di ba?" saad ni Principal na ikinatuwa ko. Matagal ko ng pangarap ang marinig ng ibang tao 'yung mga kantang ginawa ko! Kailangan talaga naming galingan dito.
"Please, pumayag ka na? Both of you are musically inclined, kaya nga I want you to collaborate for this competition e. Para rin sa inyo 'to!" pagmamakaawa pa ni Principal Jenny.
Alam kong napipilitan lang siya, halata naman sa mukha niya e. Pero after nang ilang segundong pag-iisip niya ay nakapag-decide na rin siya.
"Okay po, tatanggapin ko po," aniya at ngumiti pa. Wala na naman siyang mata.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!