Chapter 11: City Lights

10.8K 262 14
                                    

Chapter 11


Sam's POV


Bukas na pala uuwi sina Mommy at Destiny, excited na 'ko. For sure, bubungangaan na naman ako ni Destiny. Echosera 'yun e. Ngayon, magtitiis muna ako sa school.


"Sam!" nadinig kong may tumatawag sa 'kin kaya nilingon ko ito.


"O, Justin?" gulat kong bati sa kanya. Ano na naman kayang kailangan niya? Pasuplada lang akez.


"Okay lang ba sa 'yo kung ililibre kita?" nakangiting alok niya. Ano ba? Kahapon gusto niya akong ihatid, tapos ngayon gusto niya akong ilibre? Baka naman talagang inuuto ako ng lalaking 'to ah.


"Naku, 'wag na! Ikaw naman," nakatawang pagtanggi ko sa alok niya.


"Sige na Sam, please? Pumayag ka na. Gusto ko lang bumawi sa 'yo sa lahat ng mga ginawa ko," saad niya.


"Gano'n ba?" tanong ko sa kanya.


"Please Sam, kahit ngayon lang? Gusto kong bumawi sa 'yo dahil sobrang mali 'yung ginawa ko. Sobrang bait mo pala talaga, ibang-iba ka sa kanila," tagos sa heart kong saad niya. Echosera ka!


Mukhang sincere naman 'tong lalaking 'to, sino ba naman ako 'di ba? Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kaya? Makikipag-kaibigan lang naman siya, hindi na 'ko cho-choosy.


"Ah, e, sige na nga," nakangiting pagsang-ayon ko sa alok niya.


Gaya nga ng sinabi niya, inilibre niya ako ng mga fudamba sa canteen. Naupo kami saglit at nag-usap.


"Ah, Sam, ano bang mga ayaw mo sa isang tao?" bungad na tanong niya sa 'kin. Agad-agad ba?


"Ako? Uhm, ayoko lang siguro sa taong sasaktan lang ako. Hindi kasi birong masaktan. Kung ang ibang tao nga hindi ko kayang makitang nasasaktan, sarili ko pa kaya? 'Yun! Ayoko sa mga taong sasaktan ako. Drama ko 'di ba?" sagot ko at tumawa. "Ikaw, anong ayaw mo? Mga bakla?" pabirong tanong ko sa kanya.


"Uy, hindi ah," sabi niya at tinapik ako.


"Charot lang," nakangiting saad ko at tumawa siya.


"Ah, Sam, sorry talaga ah? Sorry talaga sa mga sinabi ko," bigla niyang pag-iiba ng topic.


"Ano ka ba? Kinalimutan ko na 'yun at napatawad na nga kita, keri na 'yon!" nakatawang tugon ko.


Siya naman ang nagkwento tungkol sa sarili niya. Marami siyang nakwento lalo na sa family niya. Meron pala siyang kapatid at 'yung father niya e nasa China, inaasikaso 'yung business nila do'n. Medyo makwento rin siya at feeling ko sa 'kin niya pa lang nakwento ang mga bagay na 'yun. Assumera ko naman.

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon