Chapter 8: Confession

9.2K 299 2
                                    

Chapter 8


Sam's POV


"Sam, 'di ba bati naman na tayo?" pagsalubong sa 'kin ni Gino pagkababa ko ng hagdan.


"Ah, oo, bakit?" pagtataka ko.


"Halika, may pupuntahan tayo!" saad niya at bigla niya akong hinila.


Ang higpit ng pagkakawahak niya sa 'kin kaya hindi ako makawala. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.


"Hoy, Gino! Bitiwan mo nga ako! Saan mo ako dadalhin? Papatayin mo na ba ako? Gaganti ka ba?!" reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paghila sa 'kin. Diyos ko, natatakot na akez.


"Tulong! Help! Rape! Rape!" sigaw ko habang nagpupumiglas pa rin.


"Ssh! Manahimik ka nga, wala akong gagawin sa 'yo!" sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.


Tumigil kami sa isang malaking bakod sa school. Daanan 'yun ng mga estudyanteng nagcu-cutting classes.


"Oy, ano? Magcu-cutting tayo?" tarantang tanong ko sa kanya.


"Tanga, hindi! Fifteen minutes pa bago matapos 'yung break, may ipapakita lang ako sa 'yo" sagot niya.


Inakyat namin 'yung bakod at nakarating kami sa the other side. Doon ko nakita 'yung garden na sobrang ganda. Bakit kaya nila hinarangan 'to?


"Wow! Ang ganda! Ngayon ko lang 'to nakita Gino!" sabi ko at naupo kami sa damo.


"Dito ako tumatambay palagi. Pag bad trip ako o di kaya boring 'yung lesson," kwento niya sabay tumawa.


"Buti hindi ka nahuhuli?" nakangiting tanong ko.


"'Pag gwapo, alisto." banat niya sabay kumindat. Ano ba? 'Wag kang ganyan, please?


"Masyado ka namang gwapong-gwapo sa sarili mo," sabi ko pero deep inside ay sinasabi ng utak ko na ang pogi-pogi nitong katabi ko.


Inilibot ko 'yung paningin ko sa paligid. Sobrang ganda, ang nagpapasira lang e 'yung fact na ginagawa lang 'tong daanan ng mga estudyanteng nagcu-cutting. Sana alagaan pa nila 'to.


"Ang sarap magsulat ng kanta dito," nakangiting sabi ko sa kanya.


"Sam," pagtawag niya sa pangalan ko na ikinataka ko. "Ah, e, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi niya at sumeryoso ang mukha niya.


"Ano 'yun?" tanong ko.


"E, kasi, matagal na akong may gu--" sabi niya nang biglang nagring 'yung phone ko.


"Hello!" bati ko.


"Hoy, Sam! Hinahanap na kayo dito sa room! Kayo na lang dalawa ni Gino ang hinahanap! Bumalik na kayo dito! Mga malalandi!" rinig kong sabi ni Miles sa kabilang linya kaya agad kong binaba ang tawag at hinila si Gino paalis doon sa garden.


"Bilisan natin, lagot tayo niyan!" sabi ko habang nagmamadali papunta sa room.


Nakarating kami na pawis na pawis sa loob ng room.


"You two, saan kayo galing?" galit na tanong ni Ma'am Ann.


"Sa canteen lang Ma'am, sabay kami bumili," palusot ni Gino.


I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon