Chapter 6
Sam's POV
Ewan ko ba? Kahit na obvious naman na wala akong chance kay Justin ay umaasa pa rin ako. Parang may nagtutulak sa akin. Parang may nagsasabi sa akin na wag akong sumuko. Ilang buwan na akong ganito, nakakapagod din pala.
Pagkapasok ko sa room ay umupo ako sa chair ko at nagbasa muna ng libro, buti na lang at wala kaming lessons no'n. Habang nagbabasa ako ay nakaramdam ako ng panunubig kaya nagpaalam ako na mag-CR muna. Agad akong nagtungo sa CR at pumasok sa cubicle.
Lalabas na sana ako ng cubicle nang may narinig akong pamilyar na boses.
"Sus, Sam ka lang e," rinig kong sabi ni Paul na ikinagulat ko.
"Gago!" rinig kong sagot ni Justin.
"'Wag ka na magkaila, crush mo si Sam 'no?"
"Ano ba pre?! Puro na lang kayo Sam! Hindi mo lang alam kung gaano ako nandidiri sa tuwing inaasar niyo ako sa kanya! Tangina! Mukha ba akong papatol sa baklang 'yon?! Mamamatay na lang siguro ako! Puta! Kapag hindi ako nakapagpigil baka kung anong magawa ko sa baklang 'yun!" rinig kong sagot ni Justin na nagpatulo sa mga luha ko. Ang sakit pala. Lalo na at sa kanya pa nanggaling 'yung mga salitang 'yun.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumabas na lang ako. Pagkalabas ko ay nagkatinginan kami ni Justin. Nginitian ko na lang siya nang pilit at sa labas ko na ibinuhos lahat ng luha ko. Tuloy-tuloy ako sa pag-iyak habang tinutungo ang daan papuntang room. Sa sobrang lutang ay napaluhod ako sa sahig. Doon ay naabutan ako ni Gino.
"O, Sam? Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin dahilan para punasan ko ang mga luha ko.
"Ah, wala, ayos lang ako, may problema lang sa bahay," palusot ko sa kanya at itinayo niya ako.
"Sigurado ka? Ano bang nangyari?" tanong niya habang inaalalayaan ako sa paglalakad.
"Wala 'yon Gino, okay na ako, 'wag mo na akong alalayan," sagot ko sa kanya at pilit ko siyang nginitian.
"'Eto naman, masama bang alalayan ka? Ikaw nga ang prinsesa ko 'di ba?" biro niya na nakapagpangiti sa 'kin saglit.
"'Yan! Ngumingiti ka na, ngiti ka lang! 'Wag ka nang umiyak, 'wag mo nang isipin 'yun," sabi niya at inakbayan ako.
Sabay kaming pumasok ng room at agad naman akong umupo sa chair ko. Pilit kong tinatakpan ang mugto kong mata pero napansin pa rin ito ni Trixie.
"Uy, anong nangyari? Bakit mugto yung mga mata mo?" pag-uusisa niya.
"Huh? Mugto ba? Naghikab lang ako, sus! Masyado akong maganda para umiyak," nakangiting sagot ko.
Kailangan kong ipakita sa kanila na masaya ako at parang wala nangyari. Ayaw kasi nilang nakikita akong malungkot at umiiyak. Ewan ko? Siguro kasi nasanay silang ako ang nagpapasaya sa kanila araw-araw.
Buong araw akong matamlay. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung mga sinabi sa 'kin ni Justin. Parang sinasaksak ako na ewan. Ang sakit-sakit lang.
"Huy, bakla, ano bang meron? Bakit ang tamlay mo kanina pa?" pambabasag ni Lyn sa katahimikan namin tatlo sa canteen.
"Oo nga, kanina namang umaga masaya ka pa, ano ba talagang nangyari?" tanong naman ni Miles.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanila. Agad ko naman silang niyakap at doon muling tumulo ang mga luha ko. Doon ko sinabi sa kanila ang lahat at niyakap din nila ako.
"Okay lang 'yan 'te, 'wag na do'n sa lalaking 'yun ha? 'Wag mo nang pansinin 'yun, okay?" sabi ni Miles habang yakap-yakap pa rin ako.
"Tahan na 'te, nandito kami para sa 'yo," saad naman ni Lyn.
Hinintay ko na lang na matapos ang araw namin sa school. Gusto ko na kasing umuwi. Gusto ko nang mahiga sa kama at matulog na lang. Gusto ko munang mapag-isa.
"Sam, ayos ka lang talaga?" tanong ni Gino habang nasa labas kami ng gate.
"Oo Gino, ayos lang ako, salamat ah! Sige, uwi na 'ko," paalam ko sa kanya at nginitian siya.
Kahit papaano'y natutuwa ako sa mga ginagawa ni Gino. Ewan ko ba? Parang simula no'ng naitulak niya ako ay hindi na niya ako inaasar at nilalait. 'Di kaya nagbago na 'to? Ano kayang nakain ng lalaking 'to?
Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong nadatnan si Mama sa sala.
"O, apo, 'musta ang school?" tanong niya.
"Ayos lang 'ma," matipid kong sagot at dumiretso na sa kwarto ko.
Ano bang nagustuhan ko sa lalaking 'yun? Bakit ba ang lakas ng tama ko sa kanya? Ano bang meron siya? Ayoko na. Ayoko na sa kanya. Ayoko na!
* * * * *
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!