Chapter 3
Gino's POV
Nahalata kaya niya? Sabi ko naman kasi sa 'yo Gino dahan-dahan lang e. Hirap ng ganito. 'Di ko masabi kay Sam yung nararamdaman ko. Matagal na akong may gusto sa kanya, simula pa yata no'ng grade four pa lang kami. Sobrang cute niya kasi, 'yung tipong mapapangiti ka na lang sa mga ginagawa niya, sobrang nakakatawa pa siya. Mabait din siya, hindi pa marunong magalit. Kahit nga siguro asarin ko siya ng ilang beses, hinding-hindi siya magagalit sa 'kin. He's almost perfect for me, kaso, hindi ko talaga masabi sa kanya 'yung nararamdaman ko. Natatakot kasi ako na baka talikuran ako ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko. Kaya 'eto ako, nagtitiyaga sa pagpapansin at pang-aasar, 'eto lang kasi ang tanging paraan para mapunta 'yung atensiyon niya sa akin. Pero, mukhang naunahan na ako, may gusto na siyang iba. Siguro kung sinabi ko na sa kanya noon pa 'yung nararamdaman ko, baka hindi na siya tumingin pa sa iba. Ang tanga ko talaga! Inuna ko 'yung takot ko kaysa sa taong mahal ko.
Sam's POV
Nakita ko si Gino na tahimik sa isang tabi. Bakit kaya? Parang kanina lang ay sobrang hyper niya at nilalait-lait pa ako.
"Gino, may problema ba?" mahinahong tanong ko sa kanya paglapit ko.
"Wala!" supladong sagot niya.
"'Eto naman, suplado! Bakit nga? Para ka nang iiyak diyan e."
"Wala, may iniisip lang ako."
"Ano? Problema? Baka pwede kitang matulungan?" nakangiting tanong ko sa kanya at tinabihan siya.
"Wala nga, okay lang ako," matabang na sagot naman niya sa 'kin.
Ano kaya meron sa gagong 'to? Pero in fairness, kahit malungkot siya ay ang gwapo niya.
"Suplado, che!" pagtataray ko sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan ko, pero bago pa man ako makaalis ay tinawag niya ako.
"Sam."
Nilingon ko siya at nginitian niya ako, 'yung ngiting makalaglag panty at panga. Ang gwapo niya, jusko, Sam, 'wag kang lumandi.
Pinigilan ko ang kaharutan ko at sinubukang maging normal. Nginitian ko rin siya, 'yung pretty na ngiti, ngiting beautiful. Ano kaya meron? Bakit parang kinilig ako nang slight do'n?
Bumalik na lang ako sa pwesto ko at nagmuni-muni na lang. Habang nagmumuni-muni ay bigla akong nakaramdam ng pagtutubig kaya naisipan kong mag-CR muna. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko sina Justin at mga tropa niya kasama si Principal Jenny. Napansin kong may pasa sa mukha si Justin, 'di kaya nakipag-away 'to dahil sa 'kin? Bakit kaya? Naku, sana okay lang siya.
Pagkatapos kong mag-CR ay bumalik na ako ng classroom. Nakita kong may teacher na kami kaya agad na akong umupo. Habang nakikinig ay hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung nangyari kay Justin, okay lang kaya siya? Ano kayang nangyari do'n?
Habang nag-iisip ay nabaling ang atensiyon ko kay Gino. Malungkot pa rin siya at walang kibo. Bakit kaya? Nakakahiya naman magtanong at baka mamaya ay supladuhan na naman ako. Pero kahit ganyan siya, ang gwapo-gwapo niya.
"Mr. Chua!" pagtawag sa 'kin ng teacher namin.
Nilingon ko siya at ngumiti.
"Bakit ka tulala kay Mr. Ramos?! Hindi ka nakikinig sa discussion!" galit na saad niya sa 'kin.
Hindi ko alam sasabihin ko. Ang landi ko kasi e.
"P-p-po? Hindi po ah," nauutal ko pang sagot sa kanya.
Napakamot siya sa ulo at ngumisi. "Makinig ka na lang sa 'kin Mr. Chua, mamaya na ang boys!" sabi niya at nagpatuloy na sa pagtuturo.
Nakakahiya naman 'yun, ang landi ko talaga. Tiningnan ko si Gino at nakita kong nakatingin siya sa 'kin at nakangiti, 'yung ngiting maiinlove ka, 'yung gano'n.
* * * * *
Bago pa man ako makalabas ng gate ay tinawag na ako ni Gino.
"Sam!" nilingon ko siya.
"Huh? Bakit?" pagtataka ko.
Ibinigay niya sa 'kin 'yung keychain ko na kinuha niya no'ng grade five pa kami. Hindi ko alam kung bakit niya kinuha, siguro gustong-gusto niya talagang mang-urat at mang-inis ng ibang tao.
"'Eto 'yung keychain ko ah? 'Buti naman binalik mo pa, ano bang nakain mo?" tankng ko sa kanya habang pinagmamasdan 'yung keychain. Ang tagal ko din kasi bago ko ulit 'to makita.
"Wala lang, salamat nga pala ah," sabi niya na ikinataka ko.
"Huh? Salamat saan?"
"Sa pagcomfort sa 'kin kanina," sabi niya at ngumiti.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Pagcomfort na ba 'yung ginawa ko? E tinanong ko lang naman kung anong problema mo," sabi ko sa kanya.
"Ah, basta, pinagaan mo 'yung loob ko kanina," sabi niya at ginulo pa 'yung buhok ko.
"Ah, okay lang. Handa naman akong magpasaya ng tao 'no," nakangiting saad ko at inayos 'yung buhok ko.
Bigla niya naman akong binatukan na ikinagulat ko. "Pero bakla ka pa rin!" sabi niya at kumaripas na ng takbo. Sira ulo 'yun ah, ang sakit ah. Kahit kailan talaga.
Gino's POV
Binalik ko 'yung keychain niya na kinuha ko noon sa kanya. Matagal ko na takagang gustong ibalik 'yun pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Alam ko kasing sobrang nagalit siya sa 'kin no'n, sabi niya, sa lolo niya raw 'yun galing at sobrang iniingatan niya. Lumuhod pa nga siya sa 'kin no'n para ibalik ko sa kanya pero dahil sa gago akong bata ay hindi ko pa rin binalik. Isang buwan niya akong hindi pinansin, kasalanan ko naman kasi, masyado akong pilyo.
Nawala 'yung lungkot ko. Siya talaga ang nagpapasaya sa 'kin, kahit minsan siya lang rin naman ang dahilan kung bakit ako malungkot. Kailan ko ba siya makukuha? Pwede bang akin na lang siya? Pangako ko, hinding-hindi ko siya sasaktan.
* * * *
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!