Chapter 2: Crush

14K 357 18
                                    

Chapter 2


Sam's POV


Sa loob ng one week na 'yun, wala lang, puro tingin na lang ako kay crush.  Ano pa bang magagawa ko? Kumbaga sa mall, hanggang window shopping lang ako. Pero ayos lang, continue life. Gawin ko muna siyang inspiration sa mga bagay-bagay. Pero, paano ako magco-continue ng life kung may mga umaaligid naman na higad sa crush ko? Jusko. Ayan na naman sina Gretchen at Megan, sila ang mga POCAHONTAS sa school. Mga POKER FACE. Halos lahat 'ata ng boys sa school ay friend nila. Bukaka here, bukaka there, bukaka everywhere. Ganyan ang mga tactics nila para makakuha ng attention ng boys. Literal na attention whore.


"'Te, tingnan mo sina Gretchen at Megan o, nilalandi 'ata si Justin," bulong sa 'kin ni Miles.


Nakita kong kausap ng dalawang higad si Justin, mukhang umaarangkada na naman sila.


"Hi Justin," malanding bati ni Gretchen na akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki.


Bigla naman siyang itinulak ni Megan at siya naman ngayon ang nagpa-cute kay Justin.


"Hi, Justin," makating bati ni Megan na mas lalong nagpainit ng dugo ko.


Buti na lang at tinanguan lang sila ni Justin at nagpatuloy na lang ito sa paglalaro. So proud of him.


"Naku, naunahan ka na 'te," pagsingit ni Lyn


"Pabayaan niyo na lang sila, mas maganda pa rin ako!" pabirong sabi ko sa kanila.


Habang pinapanood ko si crush na walang kamalay-malay ay bigla akong tinawag ni Teacher Fergie.


"Sam!" pagtawag niya kaya agad ko siyang nilapitan.


"Yes, ma'am?"


"Ah, I just wanted to inform you na may songwriting contest na magaganap. I know you're good at writing songs kaya we decided to choose you as the representative of our school," mabang paliwanag niya na ikinakaba ko. "Lahat kami ay may tiwala sa 'yo, galingan mo ah?" pahabaol pa niya na mas lalong nagpakaba sa 'kin.


"P-po? Second week pa lang po ng school year, may contest na?" pagtataka ko.


Napangiti naman siya at tinapik ako. "Naku, next year pa naman ang contest, siguro mga early next year, sinabi lang namin sa 'yo para makapili ka na ng winner mong song entry at para ready ka," paliwanag niya ulit.


"Gano'n po ba? Sige po, I'll do my best!" kampanteng sabi ko habang nakangiti.


Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Excited na kinakabahan? Paano kung hindi ko maipanalo ang school? Pero kailangan ko 'tong ipanalo, fighting!


* * * * *





Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong kinuha ang notebook ko at tiningnan ko lahat ng mga kantang sinulat ko. Hindi ko alam kung deserving 'tong mga 'to na maging entry. Siguro magsusulat na lang ako ng bago, teka, meron nga pala akong nasimulan na hindi ko natapos. Itutuloy ko na lang 'yun.


"Sam?" rinig kong tawag sa 'kin ng lola ko.


"'Ma?"


Siya ang lola ko. Mama lang ang tawag ko kasi nasanay na ako. Siya ang nagpalaki sa 'kin habang 'yung nanay ko ay nagtatrabaho sa Japan. Tanggap nilang dalawa ang pagkatao ko, sobrang swerte ko nga siguro sa pamilya ko dahil lahat sila ay masaya para sa 'kin.


I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon