Chapter 13: SamTin

8.5K 250 21
                                    

Chapter 13

Sam's POV

Habang nasa kwarto ako ay biglang pumasok si Mommy.

"Anak, mag-isa ka lang ba?" tanong niya pagkapasok.

"Oo 'mi, bakit?" sagot ko sa kanya.

"Wala lang anak, gusto ko lang mag-usap tayo," nakangiting saad niya.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

"'Nak, sure ka na ba talaga diyan sa pagiging girl mo? Baka naman naguguluhan ka lang?" biglang tanong niya habang yakap pa rin ako.

"Oo naman 'mi, ano pa bang ine-expect mo?" saad ko at tumawa. "Lumaki ako nang walang tatay. Lumaki ako nang walang nagtuturo sakin maging isang tunay na lalake. Lumaki ako na puro babae ang nasa paligid ko. Ine-expect mo pa rin ba na magiging Robin Padilla ang anak mo?" sabi ko at tumawa ulit.

"Okay lang 'mi, para sa akin naman yun e, para sa pamilya natin. Kaya naiintindihan kita," sagot ko.

"Galing kasi ng tatay mo e 'no? Iniwan lang tayo," biglang untag niya sa 'kin.

"Kaya nga 'mi e. Pero alam mo? Bilib ako sa 'yo. Paano mo nakayanan 'yun? Na 'yung taong minahal mo ay iniwan ka lang?"

"Hindi ko rin alam anak e. Masakit, oo. Minahal ko kasi ang tatay mo, binigay ko lahat sa kanya. Gano'n kasi 'nak pag-in love, nagagawa mo 'yung mga bagay na dati hindi mo naman kayang gawin. Nabibigay mo 'yung mga bagay na hindi naman dapat," mahabang paliwanag niya.

"Ah, tulad ng virginity mo?" pagbibiro ko sa kanya.

Tinapik niya ako sabay tumawa nang malakas.

"Bastos kang bata ka!" untag niya habang tumatawa. "Kung hindi ko naman binigay 'yun 'nak, hindi ako magkakaroon ng magandang anak na tulad mo," pahabol niya pa.

"'Yan naman talaga ang tinama mo!" saad ko ulit at tumawa.

"Hay, naku. Bumaba na nga tayo, maghapon ka nasa kwarto mo. Tataba ka niyan, naku! Ayokong tumaba ka!" aniya at hinila na ako pababa.

Pagkababa namin ay naro'n si Destiny. Nanonood ng tv ang gaga habang kumakain ng ice cream.

"Hoy, Des! Penge naman niyan! Damotera 'to!" bulyaw ko sa kanya.

"Che! Kumuha ka do'n sa ref!" bulyaw niya rin sa 'kin. Baklang 'to.

"Baklang 'to!" untag ko sa kanya at inirapan siya.

Habang papunta ako sa kusina ay biglang nag-ring 'yung phone ko. Si Justin, tumatawag.

"Ah, hello," pagbati ko sa kanya sa phone.

"Ah, Sam! Natapos ko na pala 'yung chords sa piano at gitara, perfect ko na lahat!" masayang saad niya sa 'kin.

"Gano'n ba? Wow! Ang galing mo naman, so, bukas na ba tayo mag-record?" tanong ko naman.

"Ah, hindi kasi pwede bukas e. Aalis kami, susunduin yung lolo ko sa ospital. Kinabukasan nalang tayo magrecord," sagot niya.

"Ah, okay sige. Ingat na lang kayo bukas," concern ko sa kanya. Char!

"Sige, ikaw din ah? Bye!" saad niya na ikinakilig ko nang slight. Charot!

"Bye!"

Ingat daw ako? He cares, OMG!

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig ay biglang sumingit si Destiny.

"Uh, sino yon?" tanong niya.

I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon