Chapter 20
"Sam, this is for you..."
Nagulat nalang ako ng bigla niyang ibinigay yung rose sa akin na agad ko naman tinanggap. Umatras siyang muli at sinimulan na ang pagtugtog ng gitara. Nagsimula na rin magsitilian ang mga kaibigan ko ewan ko ba kung dahil sa kilig o pandidiri?!
"I just love the way you smile
And I just cannot lie...
You're the most beautiful thing
That happened in my life..."
Hindi ako pamilyar sa kinakanta niya pero ang ganda at ewan ko ba, kinikilig yata ako. OMG!
"Coz' you are the most beautiful thing,
Ohh, you stole my heart, I've always thought t'was a dream
Coz' you are the prettiest star,
Ohh, you changed my life and captivated my heart..."
Hindi ko alam pero kinikilig ako na naluluha. Totoo ba talaga lahat ng toh? Si Justin ba talaga toh?
Pagkatapos niyang kumanta ay lumapit siya sa akin dahilan para maging isang stadium ang bahay namin sa tilian.
"A-a-anong k-k-kanta yun?" Nauutal kong tanong sa kanya. Yan talaga ang unag kong tinanong kalechehan ko.
"Sinulat ko yun. Para sayo. Akala mo ikaw lang marunong noh?! Kaya ko rin!" Sabi niya at ginulo ang buhok kong nagmamaganda.
"Salamat ah!" Sabi ko at ngumiti.
"Sorry ah." Sagot naman niya. "Sorry sa lahat Sam! Pinapangako kong babawi ako sayo. Patutunayan ko!" Pahabol niya.
Napangiti ako sa saya at hindi ko napigilang yakapin siya. Agad naman siyang tumgon sa yakap ko. Pero for sure ay ipina-baranggay na kami ng mga kapitbahay namin sa sobrang ingay ng mga kasama ko dito. Pati yata sina Mommy na mukhang alam naman talaga lahat ng mangyayari ay nakisigaw din.
"Sam, ngayon ako magsisimula..." Sabi niya habang yakap parin ako. "Ng alin?" Tanong ko naman sa kanya. "May itatanong ako sayo..." Sagot niya na wala naman connect sa tanong ko. Kumawala ako sa yakap niya. "Ano ba yun?" Tanong ko.
Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko at may kinuha siya mula sa bulsa siya. Isang maliit na pulang box. OMG! Parang alam ko na toh.
"Sam..." Sabi niya at binuksan niya yung pulang box na may silver bracelet. Leshhh! ETO NGA!
"Will you be my boyfriend?" OH NO! Totoo ba talaga toh? At talagang boyfriend ha?!
Nagsitilian silang lahat samantalang ako ay blanko pa. Hindi ko pa alam ang isasagot. Tinignan ko si Mommy ng masinsinan na para bang alam na niya yung gusto kong sabihin. "Anak okay na! Hiningi na niya sa akin yung kamay mo! Pumayag ako! Basta wag lang mag-aanak agad!" Sabi niya sabay tumawa, naku! Binenta na pala ako ng sarili kong nanay! HAHAHAHA! Pero wala akong pake! BET KO NAMAN!
Pero pinagpapawisan parin ako. Hmmm. Papayag ba ako? Mukhang napatunayan naman na talaga niya na sincere siya at mahal niya talaga ako. OMG! Yess oo na sige na! I LOVE YOU NA JUSTIN SY! SIGE NA SASAGUTIN NA KITA!
"YESSSS! OO NA! I LOVE YOU NA!" Masayang sabi ko na ikinatuwa ng lahat. Agad naman siyang tumayo at niyakap ako. WHOOOH! Is this real?! Parang nanaginip lang ako.
Pagkatapos niya akong yakapin ay isinuot na niya yung bracelet sa akin.
"Ang ganda! Bagay sayo!" Sabi niya na ikinangiti ko.
"Salamat!" Sabi ko naman at niyakap siyang muli. Grabe! Kami na talaga? Parang noon lang pinapangarap ko lang tong lalaking toh. Ang bilis!
"Thanks Sam for believing in me! Hinding-hindi kita bibiguin, tutuparin ko lahat ng pangako ko sayo!" Sabi niya habang mahigpit ako niyakap. Habang nasa alapaap akong kayakap ang crush kong boyfriend ko na ay biglang sumingit si Bruhilda Miles.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!