Chapter 16
"Sam.... Mahal ko si Gino..."
Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin? Atsaka bakit nagtatampo siya kanina? Hindi ko siya maintindihan!
"Huh?... Bakit hindi mo sinabi sa akin? Yan ba yung dahilan kung bakit ka nagtatampo?! Sabihin mo naman! Hindi kita kasi maintindihan..."
Alam kong umiiyak siya dahil naririnig ko ang paghikbi niya.
"Mahal ko siya... Pero may iba siyang mahal...."
Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari.
"Sam.... Wag mong saktan si Gino. Wag mo na siyang saktan..."
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niyang iyon. Hindi ko parin makuha yung gusto niyang ipahiwatig. Bakit ko naman sasaktan si Gino?
"Lyn?..." Tanong ko at ibinaba na niya ang phone.
Hindi ko man alam ang dahilan pero alam kong galit parin siya sa akin. Ang hirap ng ganito noh? Galit sayo yung tao pero hindi mo naman alam yung dahilan. Susubukan ko nalang siya kausapin sa monday.
*AFTER 2 DAYS*
Pagkapasok ko palang ng gate ay kinogratulate na agad ako nung mga teachers na hindi kasama nung competition. Ang sarap sa feeling! Parang beauty queen lang! HAHAHAHA!
Pagkapasok ko ng room ay agad naman akong binati ng mga classmates ko!"CONGRATS SAMMM!!!"
"YESSS PANALO SIYA BALATO NAMAN!"
"PA-PIZZA KA NAMAN!"
Mga echosera kong kaklase na akala nanalo ako sa lotto. HAHAHAHA! Habang masaya sila ay napansin ko si Lyn na malungkot sa isang tabi. Di ko parin siya magets hanggang ngayon! Papansinin ko ba siya? Kakausapin? Baka isnobin niya lang ako, ayaw ko pa naman ng narereject. Palipasin ko nalang siguro muna yung galit niya.
Pagkatapos ng ingay ng mga classmate ko ay umupo ako. Agad naman akong tinabihan ni Gino. Ano na naman kaya gusto nito? I-open ko kaya yung tungkol kay Lyn? Alam na niya kaya? For sure hindi pa. Wag muna, baka mas lalong magalit sa akin si Lyn.
"Ano na naman bang kailangan mo?" Padabog kong tanong sa kanya
"Ang aga-aga ang sungit mo! Ganyan na ba talaga pag nanalo? Mayabang na?!"
"Eh ano nga kasing kailangan mo? Ganyan ka naman kasi palagi, lalapitan ako tapos bubwisitin!"
"Sus! Wala lang, masama bang tabihan ka?!"
"Oo, may problema ako, pero wala ka ng pakialam dun."
"Eh wala naman talaga akong pake sayo eh! HAHAHAHA!" Asar niya sabay umalis. LECHE! Ang aga mang-menopause nitong lalaking toh. Pasalamat ka talaga na gwapo ka at malandi ako kaya okay lang sakin mga pambubwisit mo! HAHAHAHA!
Nagsimula na ang klase wala pa rin kaming pansinan ni Lyn, kahit nga sa breaktime hindi parin kami nagkikibuan. Si Miles tuloy yung nahihirapan at naiipit, hindi niya rin siguro alam yung problema ni Lyn. Eto kasing babaeng toh ang hirap intindihin, biruin mo nagagalit siya sa akin ng walang dahilan? Medyo nakakainis lang isipin. Hmmm.
After ng break ay pumasok na kami sa room. Andun na si Teacher Mae na nagdidiscuss about dun sa gagawin namin sa Foundation Day.
"Okay class, sabi ni Ma'am Jenny ay lahat ng sections ay magfafacilitate ng isang booth. Anong booth ba ang gusto niyong gawin natin?" Tanong ni Teacher Mae.
Sus. For sure yung malalandi kong classmate na breezy girls ay magsusuggest ng Mareiage Booth. Mga makakati, gustong mabuntis ng maaga char! HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!