Chapter 19
"Sam.... May problema ba?"
Justin? Bakit niya pa ako sinundan?
"Sam..."
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglakad.
"Sam?"
Nagpatuloy parin ako sa paglalakad at hindi parin siya nilingon.
"Sam..." Sabi niya pero this time ay hinawakan na niya ang braso ko.
Nilingon ko siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Justin, tigil mo na."
Hindi siya nakasagot agad, nakakaramdam na siguro siya.
".....Anong ititigil ko?" Sabi niya na halata sa mukha ang pagtataka.
"Alam ko na lahat! Alam ko na na ginamit mo lang ako para makapasok ka sa team! Kaya pwede ba? Tama na!" Sabi ko at tinalikuran siya uli at nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko ang paghabol niya sa akin at nakita ko nalang na nasa harap ko na siya.
"Sam, I'm sorry...."
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Justin, bakit ako pa?! Wala naman akong ginawang masama sayo ah? Hanggang ngayon ba nandidiri ka pa? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin dahil sa mga nalaman noon? Ano bang ginawa ko sayo? Minahal lang naman kita ah!"
Unti-unting umagos ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam pero sobrang sakit, para akong sinasaksak na hindi ko maintindihan.
"....Wala akong sinabing suklian mo lahat ng pagmamahal na yun. Wala akong sinabing mahalin mo rin ako o magkagusto ka rin sakin. Pero sana kahit respeto man lang binigay mo. Kasi Justin kahit bakla ako may puso ako, may damdamin din ako." Sabi ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Ewan ko nga kung bakit ako nagpakatanga sayo eh?! Alam ko namang straight ka! Alam ko namang kahit kailan wala akong pag-asa sayo! Hindi ko nga alam kung anong meron ka at patay na patay ako sayo! Basta ang alam ko lang non nainlove ako, nainlove ako sa taong wala namang pag-asang mahalin ako."
"Sam, sorry! I'm really sorry!" Sabi niya at niyakap ako. Agad naman akong kumawala sa yakap niya at tumakbo palayo pero hinabol niya parin ako. Hinila niya ang kaliwang braso ko at napaharap ako sa kanya. "Sam, I love you!" Madiin niyang sambit sa akin. "Alam kong hindi ka maniniwala pero I really love you!" Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"I fell in love with you Sam! Simula nung nagkasama tayo para sa contest alam kong iba na yung nararamdaman ko. You let me see the other side of you Sam, at doon ko narealize na iba ka. You're really one of a kind." Sabi niya na mas lalong nagpagulo sa isip ko. "Sinubukan kong pigilan yung nararamdaman ko sayo pero hindi ko magawa eh, sobrang lakas na ng tama ko sayo. Sa tuwing nakikita ko nga kayong magkasama ni Gino nagseselos ako eh, kasi Sam gusto ko ako lang, gusto ko ako lang yung kasama mo." Napansin ko nalang na unti-unti ng pumatak ang kanyang mga luha.
"Hindi ko rin alam kung bakit pero nahulog na ako. I fell in love with you, everything about you Sam!" Sabi niya at niyakap ako ulit. "Sam I'm sorry! Sorry kung nasaktan kita, I love you." Ramdam ko ang sincerity niya sa higpit ng yakap niya sa akin. "I will do everything for you to forgive me. Bigyan mo ako ng chance itama lahat Sam, itatama ko lahat, promise yan!" Kahit ramdam ko ang sincerity niya ay mas pinili ko parin kumawala sa yakap niya. Hindi ko alam, hindi pa kasi ako handang patawarin siya, paano kung niloloko niya pa rin ako? Ayoko na namang masaktan. Tumakbo ako palayo at hindi na siya nagtangkang habulin pa ako. Grabe! Sobrang daming gumugulo sa isip ko ngayon! Parang umiikot buong utak at sistema ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako magpakita kay Mommy na mugto ang mata ang problemado, kaya pagka-uwi ay dali-dali na akong umakyat sa kwarto. Ayoko pang makita niya akong ganito at baka mag-aalala pa siya, ayokong mag-alala siya sa akin lalo pa't hindi naman malala ang pinoproblema ko ngayon. Humiga ako sa kama nang hindi nagbibihis. Ewan! Gusto ko lang itulog lahat, sa dami kong nalaman ngayon ewan ko kung anong paniniwalaan ko. Parang ang sarap lang tulugan ng lahat.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Straight Guy (BXB) [COMPLETED] [EDITING]
Teen FictionAbout the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? Weh? Basahin mo na, nakakaganda. Charot!