Welcoming

6.3K 252 39
                                    

Dahil na rin sa kawalan ng ebidensya ni Lucille laban sa kasong isinampa sa kanya ay agad syang nalitis bilang guilty at pinatawan ng parusang habang buhay na pagkakabilanggo.

Mabilis ang mga pangyayari, kumilos agad ang mga pulis at ipinadala na si Lucille sa womens correctional kung saan nakabilanggo ang mga babaeng kriminal na pinatawan ng parusang habang buhay na pagkakakulong at kamatayan.

Sa loob ng sasakyan ay nakatingin sa labas ng bintana na may bakal pangpharang ang dalaga.

Tahimik lang ito.

Napapagitnaan sya ng dalawang malalaking pulis habang nakaposas ang mga kamay.

Matagtag ang kanyang byahe dahil sa lubak na daanan patungong correctional, tila nasa gitna ng isang malaking disyerto ang kulungang ito.

Halos wala nang buhay na makikita sa paligid habang papalapit sila sa lugar, tanging mga buhangin lang at mga patay na hayop ang nakakalat dito.

Tulala pa rin ang dalaga.

"Nandito na tayo, ibaba nyo na yan." Utos ng lider nila na nakaupo mula sa harapan ng sasakyan.

Hinawakan sa magkabilang braso si Lucille at inalalayang makababa. Pagkalabas ay ramdam nya agad ang mainit na hanging dumadampi sa kanyang balat. Nakakapaso.

Pagpasok ay dumiretso sila sa opisina ng jail warden.

"Chief, magandang tanghali po." Bati ng tumatayong lider na naghatid kay Lucille.

Isang mataba at maitim na lalaki ang humarap sa kanila. Nakaupo ito at humihithit ng tabako, halata sa suot nitong basang uniporme ang pawis na pawis nitong katawan. Nakabukas ang mga buttones at parang puputok ang sinturon nito na mukhang ipinilit na magkasya.

"Oh~" Natigilan ang jail warden. Inilapag ang tabako sa ashtray ng kanyang desk. "Hayup! Sino 'to?! Mga g*go kayo! Ginu-goodtime nyo ba ako? Anong ginagawa ng artista dito?" Napapasipol pa ang warden habang sinisipat ang katawan ni Lucille mula ulo hanggang paa.

Nakatayo sa harapan ng warden si Lucille.

Nakaramdam ang dalaga ng pagkapahiya dahil sa mga titig ng nito na para syang hinuhubaran.

"Kriminal ito, Warden. Kaya wag kang kampante dyan." Sagot ng lider.

"Haha, Talaga? Dito na pala dinadala ang mga babaeng bayaran. Bakit major offense na ba yan?" Nakangising tanong ng warden.

Hindi nakatiis ang dalaga at nagsalita ito.

"Sa palagay ko po, kayo ang pinuno ng bilangguang ito, kaya sana po ay magpakita naman kayo ng respeto sa sarili nyo. Kayo po ang magiging ehemplo ng mga tagasunod nyo sa bilanguang ito. Hindi po magandang naririnig nila kayong ganyan."

"Aba, kakaibang magsalita itong magdalena nyo ha?" Pagkamangha naman ng warden.

"Pakiusap, hindi po ako ang iniisip nyo." Sagot ni Lucille.

"At bakit? Ano ka ba? Nakakapaligo ka lang araw-araw mataas na tingin mo sa sarili mo? Pare-parehas lang kayong mga kriminal dito! Hoy!" Bulyaw ng warden.

"Hindi ho ako kriminal, isa po akong tagapaglingkod ng Diyos." Magalang at buo ang salita ng dalaga.

"Pftt.. hahahaha!!" Humalakhak ang lalaki sa sinabi ni Lucille. Dinampot ang kanyang tabako at hinithit ito.

"Ano ngang pangalan mo?" Habang dinuro ang dalaga gamit tabako.

"Lucille Rob~" Hindi na sya pinatapos magsalita ng warden.

"Ok, Lucille. Makinig kang mabuti. Ipasok mo tong mabuti dyan sa kokote mo... Dito sa loob, walang langit, walang lupa. Walang anghel, walang demonyo. Kalimutan mo ang lahat ng pinaniniwalaan mo sa labas, dahil dito ako ang diyos!" Sabi ng warden bilang kanyang pagpapakilala sa bagong bilanggo.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon