Lord from the Underground

5K 190 15
                                    

Sa isang magara at malaking palikuran.

Ang palikuran ay napupuno ng mga palamuting disensyo ng isang hubad na estatwa ng babae. Gawa sa marmol at ginto ang iba pang bahagi nito.

Meron itong jacuzzi at malaking pool sa tabi.

Nakalublob ang lalaking tila tuka ng ibon ang ilong sa malaking jacuzzi kasama ang apat na babaeng walang mga saplot sa katawan. Napabuntong hininga ito.

"Hay.. this is life!" Sabi nito habang nakasandal at naka-akbay sa dalawang babaeng nasa magkabilang gilid nya.

May pumasok na lalaki.

"Boss! May bisita ka!" Balita nito.

"Nakita mong busy ako dito! Sabihin mong maghintay na lang sya o kaya bumalik na lang!" Naiinis na sabi nito sa tauhan.

Ngunit biglang pumasok ang lalaking nakasuot ng all black formal suit.

"Really? Giordani?" Tanong ni Gerald Kings.

Napatayong bigla si Giordani at halos kita na ang buong katawan nitong hubo't hubad.

"Ge-Gerald! Kamusta na?" Bati nito sa binata.

Nagtawanan ang mga babaeng kasama nya doon. Napaiwas ng tingin si Gerald kay Giordani.

"Are you sure, you're going to talk to me like that?" Sabi ng binata dito.

Napatingin pababa si Giordani at natawa, lumusong ito palabas, kinuha ang tuwalya at nagtapis.

"Hehe.. pasensya na. Girls.. iwanan nyo muna kami. Manuelito, ikaw na ang bahala sa kanila." Utos ni Giordani sa lalaking tauhan.

Naghagikhikan naman sa katatawa ang mga babae na mabilis umahon sa tubig.

Nang makalabas na ang mga ito ay nagpatuloy sa pangangamusta si Giordani.

"Anong balita sa susunod na tagapagmana ng ESPADA Corporation?" Biro nito kay Gerald.

"Tss.. nevermind about it." Matipid na sagot ni Gerald.

"Oh?! Bakit? Hindi na ba tuloy ang kasal?" Taka ni Giordani.

"Not untill mapatunayan ko kay tanda na karapatdapat ako para sa buong organization." Umupo ito sa tuyong bahagi ng palikuran sa tabi ng isang palamuting estatwa.

"Hahaha, sya na lang kaya pakasalan mo?" Biro ni Giordani, lumapit ito sa mesa na may timba ng yelo at alak.

Binuksan ni Giordani ang alak at tinagayan si Gerald.

Natawa naman ang binata sa sinabi ni Giordani. "Hmm.. kung alam ko lang na magiging ganito kahirap pakisamahan ang matandang yon.." Sabay abot sa basong may alak.

"Ano? Dispatsahin na natin? Ready naman ako.. basta anytime! Para tuluyan mo nang makuha lahat sa matandang yun!" Alok ni Giordani.

Nilagok ni Gerald ang isang baso at nagpatagay pa ng isa.

"Sira ka ba? Malaking tao si Madame.. tiyak marami tayong makakalaban kapag nalaman nilang pinatay natin ang matanda.. Lalo lang tayong magkakaroon ng maraming poproblemahin."

Nagsalita naman si Giordani.

"Eh anong pang inirereklamo mo? Magtiis ka! Hahaha... nagsusugest-suggest ako. Wala din pala."

"Basta sundin na lang natin ang plano, tandaan mo tayong dalawa lang magkakampi dito. Lahat sila kalaban natin, pero kapag nagtagumpay ako sa pang-uuto sa maglola. Lahat sila susunod na sa'tin." Napangisi si Gerald.

Nilapitan ni Giordani ang kaibigan at tinapik sa balikat.

"Kung kailanganin mo ako, magsabi ka lang. Alam mo namang magkapatid na ang turingan natin. Sa simula pa lang magkasama na tayo sa lahat ng bagay." Sabi nito, sabay hawak nangmahigpit sa balikat ni Gerald.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon