Caught

4.2K 161 72
                                    

Dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat, magkakasama ang lima sa pinuno ng bawat cell block sa isang underground facility ng correctional, ang Death Row.

Ang death row ay isa ring kulungan na humihiwalay sa mga presong naghihintay na lamang ng kanilang oras sa bilangguan o sa madaling salita mga bilanggong napatawan na ng parusang kamatayan.

Isang bakanteng luma at abandunadong selda ang nagsisilbing meeting place nila doon. Gwardyado ito ng mga kapwa nila preso.

Simula sa kaliwa si J katabi nito ay si Collette, kasunod si Amy pagkatapos ay si Diamond.

Nahuling dumating si Lady Tamiya.

"Ano bang problema at napakaaga naman ata nito? At saka bibihira na lang natin gamitin ang lugar na ito ha?!" Inosenteng tanong ni Lady Tamiya.

"Imposibleng hindi mo alam kung bakit tayo naandito ngayon, kalat na sa buong correctional ang pagkamatay ni Inang." Kalmadong si J.

"Ah! Ang biglaang pagkamatay ni Inang.. Oo nga naman, napaka-importante nga namang ipagluksa natin ang babaeng naging ina ng lahat dito, at nagtatag ng maayos na samahan sa loob ng bilangguan." Sagot ni Lady Tamiya.

Malamig sa death row, pero mapapansin kay Lady Tamiya ang labis na pagpapawis nito.

Mabilis nyang binuklat ang kanyang abaniko at nanginginig ang kamay na nagpaypay.

Sumabat si Amy. "Tingin ko hindi tungkol sa pagluluksa ang pag-uusapan natin, may mas importante pa.."

Nagsalita agad si Tamiya. "Ay naku! Wala nang mas iimportante pa sa pagluluksa.. mahalaga na mabigyan natin ng pagkilala ang matanda! A-ang ibig kong sabihin s-si Inang."

Nakatinginan ang apat, maliban kay Lady Tamiya napansin nyang nag-uusap ang mga ito sa mata. Nakaramdam sya ng pagkairita.

"Ano ba?! Matititigan na lang ba kayo? Ano bang importante sa matandang namatay sa bangungot!?" Napuno na si Tamiya, dahil na rin sa nerbyos kaya nagawa nyang sumabog sa harapan ng mga kasamahan.

Sumingit si Diamond.

"Pinatay sya." Biglang umalingawngaw ang katahimikan.

Tila naririnig ni Tamiya ang kanyang puso na mabilis na tumitibok sa sobrang kaba, hindi na nya nagawa pang makapagsalita.

"Don't panic Tamiya, easy ka lang... nasa panig mo si warden, malulusutan mo din ito." Pagpapakalma ni Lady Tamiya sa sarili.

"At para maging patas sa lahat, humingi ako ng pahintulot sa ilang jail guard officers para maging saksi, at kung anu man ang matuklasan nila dito ngayon ay makakarating sa warden." Paliwanag ni J, na nagsisimula nang maging seryoso ang mukha.

Matapos magsalita ni J ay agad na pumasok si Winston at ang dalawa pang jailguards.

Nanlaki ang mga mata ni Tamiya sa gulat, hindi nya inaasahan ang mga pangyayari.

"Teka, ano bang ibigsabihin nito?!" Nagsimula nang magtaka si Tamiya.

"Simulan na ang pagkwestyon." Pagbitaw ni Collette ng mga salita ay may pumasok muling isang babae.

Ito ang babaeng nakakita kay Wila ng gabing atakihin si Inang.

Tumayo si Tamiya.

"Ako lang ba ang may hindi alam dito?! Ha?!" Asik nito.

Tumitig si J kay Winston at tumango ito, nagsimula nang maglakad ang dalawang jailguards patungo sa direksyon ni Tamiya.

Hinawakan sya sa braso at pinaupo, ngunit marahas na nanlaban si Lady Tamiya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon