Fruit of the Sinners

5.3K 181 32
                                    

A/N: Gusto ko lang i-share ang assassination skills ko sa mababasa nyo sa chapter na ito. Pero I dont encourage na gayahin nyo po ito, except if the situation ask for you to do it. Hahaha.. biro lang, wag nyo tong gagawin or ita-try man lang. :)

Sa opisina ni Warden Alperez.

"Chief, may namatay po sa mga bilanggo.. si Inang." Ulat sa kanya ni Winston.

"Oh? Poproblemahin ko pa yan?! Eh di ilibing nyo! Nasa likod lang naman ng correctional ang libingan ng mga yan. Sige na!" Utos ng warden.

"Sige po, sasabihin ko na lang po sa iba." Sumaludo si Winston at nagpaalam.

Kinaumagahan sa block E.

Nagkita-kita sina Lucille at Diamond sa selda ni Reverie kung saan katabi nila ang nagtutulog na pasyente.

"Kamusta sya Dok?" Tukoy ni Lucille kay Wila.

"To be honest, she's in not so good condition.. binabatayan ko sya nang bigla syang magising.. nagwala at nagpupumiglas, kaya tinurukan ko ulit ng pampakalma." Kwento naman ni Reverie.

At nagpatuloy ito sa pagkukwento tungkol sa kalagayan ng dalaga.

"Sa tingin ko may pinagdadaanang depression ang pasyente na naging dahilan ng kakaibang behavior nito." Paliwanag ng doktor.

"You mean she's a freak running around here in our area?!" Gulat na tanong ni Diamond.

Hindi naman nakasagot si Reverie.

"Bakit sya may dalang syringe na may lason?" Usisa ni Lucille.

"I think I already figure it out.. binalita kaninang umaga na namatay si Inang, that's around mid-night.. hindi ba yon yung mga oras na lumabas kayo nung lalaking yon?" Tinutukoy ni Diamond si Manuelito.

Hindi makapaniwala si Lucille sa narinig at nalungkot ito para sa matanda.

"Nakuha ko na ang gusto mong sabihin Dia.. pero hindi ako makapaniwala na pati sa walang kalaban laban na matanda ay kaya nilang gawin iyon. Anong motibo ng pasyente kay Inang?" May panunumbat sa tono ni Lucille. Namumula ang mga mata nito.

"We'll know the answer, when she wakes up." Sagot ni Diamond sa dalaga.

Pagkakataon naman ng doktora para magsalita.

"By the way.. yung tungkol naman sa nakita nyong lason. Cyanide ang laman ng syringe."

"Cyanide?" Sabay na sinabi ni Lucille at Diamond.

"Paano sya makakakuha nun? Ikaw lang naman ang pinagkukunan ng mga ganyang kemikal dito sa buong correctional? Reverie! Wag mo sabihin sa 'king nagbenta ka sa kanila?!" May pagtaas na tono ng boses ni Diamond.

Napangiti si Dok Reverie.

"Relax.. Haha, ikaw talaga.. ito ang sagot." Tinuro ng doktora ang isang mansanas mula sa mesang katabi ng higaan ng pasyente.

Napatingin ang dalawa at hindi nila maipaliwanag ang magiging reaksyon nila sa doktor.

Nagtanong si Lucille. "Anong kinalaman ng mansanas sa lason, Dok?"

"Apples, contain Cynide.. pero hindi mismong apple, kundi ang buto nito." Paliwanag ng doktor.

"What?! She uses apple seeds to create that poison!" Biglang singit ni Diamond.

"Yes! Nakita ko kasi sa sample ng syringe na galing sa buto ng apple ang extract ng cynide." Pasimpleng sagot ni Dok Reverie.

"Pero kinakain natin ang mansanas dok, paano nangyari yun?" Tanong muli ni Lucille.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon