The Search

4.8K 176 13
                                    

A/N: Tinatamad ako mag-update pero pinilit ko lang tapusin itong chapter na to. Salamat sa patuloy na nagbabasa. PLEASE READ MY OTHER STORIES. :)

Araw na naman ng underground fighting tournament.

Napansin ni Manuelito na wala ang grupo ni Julia at ibang grupo ng mga babae ang pumasok mula sa VIP room ni Giordani.

Nagtaka ang binata at hindi nito mapigilang magtanong kay Tamiya.

"Lady Tamiya, nasaan po ang mga dati nyong tauhan?"

Nginitian sya ni Tamiya. "Wala na, binigyan sila ng parole kaya pinalaya na sila kanina."

Nabigla naman ang binata. "Ano ho?!" Gusto man nyang tanungin si Julia dito ay hindi nya magawa.

"Bakit? May gusto ko bang makasama sa isa sa kanila? Nakapagtataka ha? Ngayon ka lang nagpakita ng interes sa mga alaga ko.. pumili ka na lang sa mga bago.." Sabi ni Tamiya.

"Naku! Hindi ho.. nagtataka lang ako, parang biglaan." Nakaramdam ng masamang kutob si Manuelito.

"Oh sya, maiwan na kita." Tumungo si Tamiya kay Giordani na kasalukuyang nakaupo sa mahabang sofa ng kwarto.

"Lady Tamiya, mukhang mga bago itong mga dinala mo sa'kin ah? Nasaan na sila Julia?" Nakangising tanong ni Giordani.

"Naisip ko kasing tumatanda na sila, kaya minarapat kong palitan na sila ng mga bago at mas bata." Palusot ni Tamiya.

"Sabagay gusto ko ng mga sariwa at bagong putahe.. hahaha! Pero mamimis ko si Julia." Sang-ayon ni Giordani.

Napakuyom ng kamao si Manuelito sa gigil ng marinig ang mga sinabi ng amo. Naisip nitong magpaalam at lumabas ng kwarto.

"Wala akong maisip na paraan para malaman kung nasaan si Julia, papaano sya pinalaya? Bakit?"  Naguguluhang tanong ng binata sa sarili.

Hanggang sa maisip nya si Lucille, ito lang ang tanging kilala nya sa bilangguan at ang nakakaalam ng ugnayan nila ni Julia.

Nagdadalawang-isip pa si Manuelito, pero dahil mas mahalaga sa kanya si Julia ay isinugal na nya ang sarili, sasabihin nya ang lahat kay Lucille.

Desperado na syang malaman ang balita kay Julia at gagawin nya ang kahit na anong paraan, kahit ikapahamak pa nya ito.

Nakapasok si Manuelito sa loob ng bilangguan sa pamamagitan ng pagsuhol sa mga jail guards.

"Sir, basta pinaalalahanan ko na kayo.. kung ano man ang mangyari sa inyo sa loob hindi ko na cargo." Paalala sa kanya ng gwardyang nakausap.

"Naiintindihan ko." Sabay tapik ni Manuel sa balikat ng gwardya at pumasok sa loob ng mga selda.

Walang gaanong mga tao sa loob dahil ang lahat ay nanonood ng laban. May mangilan-ilan syang taong nakita at pinagtanungan.

Kahit nagtataka ang mga bilanggo kung bakit sya nasa loob ng preso ay sinasagot pa rin nila ang tanong nito, binabayaran naman sila ni Manuelito.

Hanggang sa makarating ito sa block E. Nilibot nya ang gusali.

Nakita nya si Lucille na nakasandal sa may likod ng pader, nakatingin sa liwanag ng buwan.

"Lucille." Tawag ni Manuelito sa dalaga.

Napabalikwas ang dalaga at agad itong napatayo.

"I-ikaw?!" Pagkabigla ni Lucille ng makita nya kung sino ang tumawag sa kanya.

"Kung ganun, Lucille nga tunay mong pangalan." Sabi ng binata.

"Anong ginagawa mo dito?! Wag kang lalapit! Umalis ka na! Pinadala ka ba ng boss mo?! Ha?!" Takot na takot na si Lucille.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon