A/N: Updated Chapter of AVE+MARIA, with its NEW book cover. :)
Nanlalaki ang mata ni Lucille ng makita nya ang pamilyar na mukha ng lalaki.
Pakiramdam nya ay bumabalik ang nakakakilabot na alaala ng mga oras na iyon. Hindi sya makahinga at bumibilis ang pintig ng kanyang mga pulso.
Gusto nyang tumakbo palabas, ngunit hindi nya magawa. Naaalala pa rin nya ang mga ginawa sa kanya ng lalaking iyon, nanginginig sya sa takot mula sa kanyang kinatatayuan.
Nang mapansin sya ni Leon mula sa likod. Hinawakan sya nito sa magkabilang balikat.
"Ganda! Ayos ka lang?" Tanong ni Leon.
"Lucille!" Sigaw ni Elena ng mamataan ang kaibigan.
Nagulat si Lucille ng marinig nito ang kanyang pangalan na isinisigaw ni Elena. Napatingin sya sa itaas, sa kinaroroonan ng lalaking tila tuka ng ibon ang ilong.
"Hindi! Makikita nya ko!" Sabi ng dalaga sa sarili. Nagpanic ito.
"Lucille!" Muli nyang narinig ang tawag ni Elena.
Nakatingin pa rin si Lucille sa itaas, nang biglang tumingin sa direksyon nya ang lalaki.
Mabilis syang tumalikod at tumakbo palabas. Ang lalaki naman ay bumaling ulit ng tingin sa laban.
Nagtaka naman si Leon at tinignan nito kung sino ang tumatawag kay Lucille.
Patuloy sa pagtakbo si Lucille, tumutulo ang mga luha at takot na takot.
"Hindi nya ako pwedeng makita, papatayin nya ko! Papatayin nya ko!" Sabi ni Lucille habang tumatakbo pabalik sa kanilang selda.
Mabilis itong nagtago sa sulok, patuloy sa panginginig at tila kinakausap ang sarili.
"Papatayin nya ko! Papatayin nya ko!" Bulong ni Lucille habang pilit kinukulong ang sarili sa kanyang mga braso.
Dumating naman si Elena.
"Lucille! Anong nangyayari sayo? Hoy!" Inuuga ni Elena ang balikat ng kaibigan.
Patuloy sa pagsasalita si Lucille.
"Sinasabi ko na nga ba eh! Kaya ayokong papanuorin ka ng laban, hindi ko alam na ganyan pala magiging reaksyon mo. Sobrang takot mo kay Marga.. wag ka mag-alala Lucille basta sumunod lang tayo, di naman tayo maano eh. Please naman." Pagpapakalma ni Elena sa kaibigan.
Ang hindi alam ni Elena ay iba ang kinatatakutan ng kaibigan.
~~~~
Lumipas ang ilang araw, tahimik at hindi na nagsasalita si Lucille.
"Hoy! Gumising ka nga dyan!" Inuuga ni Bethany ang duyan ni Elena.
"Oh? Ano ba yun?" Inaantok pang sagot ni Elena.
"Nahawa na ba 'tong kaibigan mo kay Tora sa pagkasiraulo? Hindi umiimik, ni utusan hindi kumikilos. Ilang araw na yang ganyan! Walang pakinabang." Reklamo ni Bethany kay Elena.
Bumaba ng duyan si Elena. "Hayaan mo na muna sya. Unang beses kasi nakapanood ng madugong laban ni Marga.. na-trauma yata. Ako nang bahala sa mga gawain nya, ako naman lagi ang kumikilos dito nung wala pa sya." Panunumbat nito sa mukha ni Bethany.
"Sumasagot ka talaga ha? Sipain kita dyan eh!" Sigaw ni Bethany.
Hindi na ito pinatulan pa ni Elena, nilapitan nya na lang ang kaibigan at kinausap ito.
"Lucille.. alam kong malalampasan mo din yan. Dumaan na ko dyan. Isipin mo ang panginoon, sa kanya ka humuhugot ng lakas di ba? Pakiusap, bumalik ka na." Hinihimas nito ang buhok ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
DiversosA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...